Camellia

By ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... More

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIII - Past
XXV - A Class
XXVI - He
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXI - Vision
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVI - Flightless
XXXVII - Healer
XXXVIII - Apology
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXIV Past 2

111 14 0
By ItsMeYav

Gaby's POV

Pagkagising ko, nakahiga na ako sa malambot na kama at nakapagpalit na ng damit. Ramdam ko pa rin ang pagod na nangyari sa katawan ko. Maya-maya pa ay may pumasok na matandang babae sa pintuan, may dalang isang baso ng gatas at tinapay.

"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay niyang tanong sa akin. Sa halio na sagutin ko siya binato ko siya ng mga tanong.

"Sino ka? Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Takot kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba matandaan? Kagabi nakita kitang naglalakad at puno ng dugo ang iyong damit. Mukhang wala ka nga sa sarili mo. Nung pagkalingon mo, matapos kitang tawagin bigla ka na lang hinimtay".

"Dugo????." Matapos kong marinig ang salitang iyon bigla na lang bumalik sa aking ala-ala ang lalaki nagtangkang halayin ako. Bigla na lang akong nagsisigaw at tumakbo papunta sa sulok ng kwarto. Labis itong ikinagulat ng matanda.

"Bakit ano bang nangyari sa iyong bata ka?"

"Layuan mo ako! Masama ka! Papatayin mo ako!" Siguro dahil na rin sa takot na naranasan ko kagabi kaya ko nasabi iyong mga salitang iyon, pero sa halio na iwan niya ako lalo pa siyang lumapit. Dahil sa ginawa kong pagtataboy sa kanya, natapon ang kanyang dalang pagkain. Di ko na ring namalayang kusang lumuluha na ang aking mata.

"Hindi kita sasaktan. Gusto lang kitang tulungan." Malambing niyang sinabi habang dahan-dahang humahakbang papalapit sa akin. Pero sadyang matigas na ang loob ko dahil sa nangyari sa kagabi, hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan pa ang mga hindi ko kilala.

"Lumayo ka sa akin! Hindi kita kilala! Sasaktan mo ako!" Malakas kong sigaw sa kanya pero parang walang kwento ang matigas na salita sa aking bibig sa tenga ng matanda. Hindi niya ako nilubayan sa halip ay yumakap siya sa akin.

Sa unang pagkakataon nakaramadam ako ng seguridad sa kamay ng iba. Ganito ang pakiramdam ng isang yakap ng ina? Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang kanyang tibok ng puso. Dahil dito naging makalma ako.

"Huwag kang mag-alala ligtas ka dito. Ako si Lauren, isa akong kaibigan." Nung narinig ko ang malambing niyang boses hindi ko na napigilan pang umiyak, lalong lumakas ang aking pagtangis.

"Sige lang iiyak mo lang lahat yan. Ano bang pangalan mong bata ka?" Pagkatapos ng ilang minuto, pinunasan ko ang aking luha at nagsimula ng magsalita.

"Ako po si Gabriella Sander, pero mas gusto ko pong tawagin na Gaby."

"Hmmm Gaby? Magandang pangalan para sa magandang bata. Itigil mo na iyang pag-iyak mo. Gusto mo na bang kumain?" Sabay ngiti niya sa akin.

"Pero natapon ko po yung dala niyo kanina. Hindi po ba kayo galit?"

"Ok lang yun, marami pa naman sa kusina. Tara dun na tayo kumain."

"Salamat po." Ngiti kong sinabi sa kanya.

"Oh yan, dapat lagi kang ngumingiti para lalo kang maging maganda." Sabi niya sa akin, pagkatapos nun ay agad na rin kaming bumaba para kumain. Sa sobrang gutom ko nakaubos ako ng 2 basong gatas at 4 na pirasong tinapay.

"Oh ano busog kana sa kinain mo?"

"Opo maraming salamat po uli."

"Gusto ko lang malaman, bakit ang damit mo ay puro dugo?" Nung sinabi niya, bigla akong na lang akong napatahimik.

"Sige, huwag mo ng sagutin." Sabi niya.

"Lalaki."

"Lalaki? Bakit anong meron sa lalaki?"

"Tinangka niya po akong halayin."

"Ano?! Natandaan mo ba ang mukha ng walang hiyang iyon?" Alala niyang sinabi sa akin.

"Opo. Tandang tanda ko."

"Sinaktan ka ba niya? Nagalaw ka ba niya??"

"Dalawang beses niya po ang sinampal. Hindi niya po ako nagalaw."

"Lapastangan ang lalaking iyon. Halika magsusumbong tayo sa Concrelus para mahuli na ang hayop na yan."

"Hindi na po kailangan."

"Bakit? Kailangan niyang managot. Natatakot kaba?"

"Hindi po."

"Bakit ayaw mong magsumbong?"

"Wala na rin po silang magagawa."

"Ha?? Concrelus mismo ang maghahanap sa kanya. Siguradong mahuhuli yun."

"Wala silang mahahanap."

"Bakit??"

"Kasi patay na siya."

"Ha??? Sinong pumatay sa kanya??" Gulat na gulat niyang tanong sa akin.

"Ako. Ako ang pumatay sakanya. Dugo niya ang nasa damit ko."

Ilang minuto siyang napatulala sa akin. Siguro dahil sa gulat o takot hindi ko alam. Pero pagkatapos nun uli niya akong niyakap.

"Ligtas ka dito, wala ng makakapanakit sa iyo. Sinusumpa ko iyan." Malambing niyang sinabi, akala ko paaalisin niya ako pero hindi.

"Pero pumatay po ako."

"Aksidente lang ang lahat, prinotektahan mo lang ang iyong sarili."

"Pero,"

"Wala ng pero pero. Kakalimutan mo ang pangyayaring iyon. Pipilitan mong burahin sa iyong sariling alala. Malinaw ba? Huwag kang mag-alala itatago natin ito. Isesekreto natin ito, tayo lang ang makakaalam."

Tumango naman ako.

"May mga magulang kaba? San ka ba tumutuloy?"

"Wala po, ulila po ako. Nakatira po ako sa ampunan."

"Gusto mo na bang umuwi?"

"Ayaw ko na pong bumalik doon."

"Bakit?? Hindi ba maganda ang trato nila sa iyo dun?"

"Hindi naman po, ayaw ko no talagang bumalik dun. Dito na lang po ako, kahit na gawin niyo na po akong katulong, tagalinis, tagalaba kahit na ano po basta dito na lang ako."

"Ano ka bang bata ka? Syempre hindi ko pwedeng gawin sayo iyon. Pero may naisip ako na paraan. Aampunin na lang kita."

"Talaga po?" Ngiti kong tanong sa kanya.

"Talagang talaga, ano bang pangalan ng bahay ampunan niyo at mapaalam ko na sa kanila na dito kana titira. Ituturing kita bilang anak." Pagkatapos niyang sabihin yun agad akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Maraming maraming salamat po sa inyo. Ano po bang itatawag ko sa iyo?" Habang mahigpit ang yakap ko sa kanya.

"Mama Lauren na lang. Tutal ikaw na ang anak ko ngayon."

"Sige po Mama Lauren." Ngiti kong sinabi sakanya.

Pitong taon ako nung inampon niya, dahil sa kanya, kahit na paano ay nagbago ang ugali ko. Kahit na papaano ay nabawasan ng kaunti ang pagiging maldita ko.

Ilang buwan lang matapos niya akong ampunin ay kumuha naman siya ng dalawa pang ulila. Para may kasama daw ako at makalaro. Buti na lang ang nagkasundo rin kami nito. Ang pangalan nila, Jena at Cindy.

Walong taon ako noong una kong makilala ang ka-isa-isahang kong kaibigang lalaki.

Naglaro kami nila Jena at Cindy sa buhanginan ng mapansin ko ang isang batang lalaking paparating. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero parang ang gaan ng loob ko nung nakita ko siya.

Nginitian ko siya pero di man lang niya akong binalikan ng tingin. Nagpaalam ako sa dalawa na maglalaro ako sa ibang parte ng parke.

Sinundan ko ng tingin ang batang lalaking iyon. Napansin ko na papunta siya sa isang puno di kalayuan kung saan ako nakatayo. Agad ako pumunta roon at nagtago sa likod ng puno. Nung nakarating na siya, bigla akong lumabas at ginulat siya.

Boo! Malakas kong sigaw sa kanya. Sobra ang pagkagulat niya kaya kalakas ng tawa ko. Hindi siya umimik kundi tinignan ako ng nakakunot ang noo. Agad naman akong nagpakilala pero di man lang niya kinuha ang kamay ko, sa halip ay agad siyang naglakad. Hindi pa rin ako tumigil sa kanya, tinanong ko kung pwede ko bang malaman ang pangalan niya, pero hindi ang sagot niya. Grabe ah, ako na nga itong nakikipagkaibigan ayaw pa niya.

Nalungkot ako nung sinabi niya yun.

"Gusto lang naman kitang maging kaibigan." Malungkot kong sinabi sakanya, bigla siyang napahinto sa paglalakad at bigla na lang humarap sa akin.

"Magkikita pa tayo!" Ngiti niyang sabi yun, pagkatapos nun ay bumalik na ako sa dalawa upang ipagpatuloy ang laro namin.

Nung pangalawang beses kaming pumunta sa parke naglalaro ako ng buhanginan nun nang mapansin kong may batang lumapit sa akin.

"Gabriella natatandaan mo pa ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Marunong ka bang gumawa ng kastilyong buhangin?." Yun lang ang sinagot ko. Abala ako habang piupuno ng buhangin ang timba. Tumingala ako sakanya at sinabing.

"Gusto mo turuan kita?"

"Oo naman, ako nga pala si Angelico Summers, ikinagagalak kitang makilala Gabriella." Ngiti niyang sinabi.

"Gaby. Gaby na lang itawag mo sa akin. Angelico? Pwedeng Echo na lang itawag ko sayo?" Sa totoo lang napangitan ako sa pangalan niya kaya binigyan ko siya ng palayaw. Agad naman siyang tumango, mukhang nagustuhan niya.

"Sige magmula ngayon, Gaby na ang itatawag ko sayo at Echo naman sa akin." Sabi niya.

Magmula noon ay halos sabay na kaming lumaki. Parati niya akong binibista sa bahay at madalas rin akong pumupunta sa kanila.

-----------------------
AN/ Iyan ang nakaraan ni Gaby. Ano ba talaga ang nararamdaman niya kay Echo? Abangan :)

Salamat sa pagbabasa pero mas maapreciate ko kapag ivovote niyo at magcocomment kayo. Thanks :)

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...