Camellia

By ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... More

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIV Past 2
XXV - A Class
XXVI - He
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXI - Vision
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVI - Flightless
XXXVII - Healer
XXXVIII - Apology
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXIII - Past

89 14 0
By ItsMeYav

Gaby's POV

Pagkatapos kong maligo agad na akong nagbihis at naghanda para pumasok. Suot ko ang pang A class na uniporme. Maiksing palda, long sleeves na blouse, mahabang medyas. Lahat ng ito ay kulay pula na may halong itim.

Noong una kong sinuot ito halos lahat ng kamag-aral ko ang nagsabing bagay daw ito sa akin at ang sagot ko "alam niyo, kahit na basahan pa ang suutin ko siguradong madadala ko pa rin dahil maganda ako." Napapatawa na lang sila kapag sumasagot ako, dahil alam naman nila ang totoo.

"Ang ganda mo naman."

"Wow, saang lupalop ka naman nanggaling at napakaganda mo." Iilan lang yan sa mga sa madalas na sinasabi ng mga nakasalubong ko.

Nakakasawa.

Totoo naman na kahit na anong damit ang isuot ko ay magmumukha pa rin akong maganda. Siguradong babagsak ang mga panga ng mga lalaking makakakita sa akin at mamamatay naman sa inggit ang mga babae dahil kahit na kailan may hindi nila mararanasang maging magandang kagaya ko. Pangarap lang mangyayari yun, kaya alam ko na kapag dumadaan ako tuloy laway lang sila.

Pero sa likod ng kagandahang kong ito, nasubukan ko na ring isumpa ang itsura ko dahil sa insidenteng iyon. Ang insidenteng nakapagpabago ng buhay ko.

Lumaki ako sa bahay ampunan kasama ang iba pang ulilang bata. Kailan may hindi ko hinanap ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung inabandona nila ako o patay na sila. Wala na rin namang magbabago kung malaman ko pa.

Kahit na lumaki akong napapaligiran ng mga kapwa bata, hindi naging masaya ang buhay ko noon. Bakit? Isa akong salbaheng bata, lagi ko silang pinapaiyak. Madalas mag-isa lang akong naglalaro.

Iba talaga ang ugali ko noon. Pranka ako kung magsalita, hindi ako mag-aatubiling sabihin ang katotohanan kahit na ikasakit pa iyon ng damdamin ng taong pagsasabihan ko at lagi kong sinasabi sa kanila na mas maganda ako sa kanila.

Hindi na ako nagtaka na lumaki akong masama. Pero gabi-gabi ko ring pinagsisihan ang mga ginagawa ko, madalas akong umiiyak sa aking kama, habang lahat ng kakwarto ko ay mahimbing at masayang natutulog dahil maghapon silang naglaro. Pero oras na nakatulog ako at nagising uli ng umaga, bumabalik ang ugali ko.

Naalala ko pa noong isang beses na inaya nila ako na maglaro sa parke ng taguan, sa tabi nito ang isang gubat. Tuwang-tuwa naman ako at inakala kong napatawad na nila ako kahit na hindi naman ako humingi ng tawad. At dahil sa kasiyahang kong unang makakapaglaro kasama sila, ako ang ginawa nilang taya. Sinabi nila ang magtatago sila sa gubat at kailangan ko silang hanapin.

Nagbilang ako ng hanggang sampu pagkatapos ay tinanong kung handa na ba sila. Lahat naman sila ay sumagot at narinig ko na nanggaling kanilang boses sa gubat. Walang anuman ay agad akong pumunta sa gubat para hanapin sila.

Hindi ko alam na malawak ang buong kagubatan, malalago ang mga puno at mga dahon nito kaya agad na natatakpan ang sinag ng araw. Kahit na nandiyan pa ang araw sa loob naman ng gubat ay madilim.

Sampung minuto akong nagsisigaw upang mahanap ang mga kalaro ko, pero ni isang boses ay wala akong narinig. Umabot na halos ng kalahating oras akong naghahanap pero wala pa rin sila. Nakuha ko na. Sinadya nila talaga to, gusto nila akong iwala para makaganti, hindi naman ako galit sa kanila dahil alam kong mas matindi pa ang ginawa ko sa kanila.

Ang minuto kong paglalakad ay umabot na ng oras. Ilang oras na rin akong naglalakad para makahanap ng lalabasan pero nabigo ako. Binigo na rin ako ng mga paa ko na kusang bumagsak dahil sa pagod.

Nagsimula na akong matakot. Sumigaw. Humingi ng tulong. Sumigaw. Humingi ng tulong. Paulit-ulit kong ginagawa ito habang nakaupo sa sahig ng malamig na lupa ng kagubatan.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos sa mga mayayabong damo ilang dipa lang ang layo sa akin.

Inihanda ko na ang sarili ko sa kung anumang nilalang ang makikita ko na lalabas.

Ang lumabas ang isang lalaking nasa pagitan ng 25 at 30 ang edad.

"Oh anong ginagawa mong mag-isa dito? Hindi mo ba alam na mapanganib para sa isang batang babae ang maglaro dito sa gubat?" Alalang tanong niya.

"Nawawala po kasi ako, pwede niyo po ba akong tulungan?" Iyak kong tinanong sa kanya. Agad niyang kinuha ang isang panyo sa kanyang bulsa at ipinahid sa aking mukha upang punasan ang aking luha.

Tsaka palang niyang naaninag ang aking mukha.

"O sige tahan na, tutulungan kita pero tumigil ka muna sa pag-iyak. May mga kasama kaba?" Tanong niya.

"Meron po. May mga kasamahan po ako, mga kalaro ko po kapwa ko ulila sa ampuanan."

"Sige pupunta tayo doon pero sasama ka muna sa bahay ko. Ok?"

"Sa bahay niyo po? Bakit po tayo pupunta. Ihatid niyo na lang po ako sa ampunan."

"Maglalaro muna tayo doon bago kita ihatid." Medyo kinabahan na ako ng sinabi niya iyon.

"Ayoko ko! Gusto ko nang umuwi!" Sigaw ko tapos tumakbo papalayo sa kanya pero hindi ko namalayan na nahawakan niya pala ang aking damit.

"Sasama ka sa akin dahil ako ang nakakita sayo! Akin ka na ngayon!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa lalaking inakala kong tutulong sa akin. Nawalan ako ng malay matapos kong matanggap iyon.

Pagkagising ko, nakahiga na ako sa isang maliit na kama sa loob ng isang maliit na kwarto. Hinang-hina ang buong katawan ko. Pagkalinga ko napansin kong wala na ang damit kong pang-ibaba pero nakasuot parin ang damit kong panloob.

Ilang minuto lang ay pumasok na sa kwarto ang lalaki sa gubat wala siyang suot pang-itaas.

"Anong gagawin mo sa akin? Gusto ko ng umuwi!" Sigaw ko sa kanya.

"Maglalaro lang tayo pagkatapos bito ay pauuwin na rin kita." Bigla na lang siyang lumapit sa kama at hawak na niya ang binti ko.

"Ayoko! Ayoko! Lumayo ka sa akin! Gusto ko ng umuwi!" Nagpumiglas ako hanggat sa isa aking paa ang tumama sa kanyang mukha na labis niyang ikinagalit.

"Kakulit mong bata ka! Sinabing maglalaro lang tayo!" Sabay bitaw ng malakas na sampal na dumapo sa aking pisngi at sa pagkakataong ito, hindi ako nawalan ng malay. Hindi ko na nagawang igalaw pa ang aking katawan.

Gising ako, pero tulog ang katawan ko. Hindi ko man lang magawang magpumiglas habang hinahalikan niya ang aking binti paitaas.

Dirediretso lang ang agos ng aking luha hanggat sa mapansin ko siyang nakalutang sa ere.

"Anong nangyayari sa akin? Ibaba mo ako dito kundi papatayin kita!" Sigaw niya bigla ko na lang siyang pinaghahampas ang kanyang katawan sa matigas na dingding. Rinig ko ang bawat tunog ng kanyang nababaling buto, hanggat sa lumabas na ang mga dugo sakanyang ibat-ibang parte ng katawan. Di kalaunan ang kanyang lamang loob naman ang nagsipaglabasan. Tumatawa lang ako ng malakas habang pinapanood ang kanyang katawan na parang maliit na hayop na pinaglalaruan ng isang mabangis na halimaw. Walang kalaban-laban. Nasisiyahan ako sa aking nakikita. Ilang minuto lang ay napuno na ng kanyaag mapulang dugo ang buong kwarto maski ang katawan ko.

Ngayon ko lang nalaman na kaya ko palang kontrolin ang bigat o gaan ng mga bagay. Dahil sa galit takot at poot nagawa kong pagaanin ang kanyang katawan at parang unan lang na hinampas sa matigas na pader. Kinalaunan ay bumagsak na ang kanyang walang buhay na katawan. Basag ang mukha, tanggal lahat ng mga ngipin at labas ang mga bali-baling buto.

"Sinong papatayin mo ngayon? Haha" sinabi ko sa kanyang bangkay. Ilang minuto rin ko siyang tinitigan, iniisip kung talagang ako ba ang may gawa sa nakita ko.

Nagsimula akong naglakad palabas sa kwartong puno ng kanyang dugo, suot pa rin ang damit kong pangitaas at pang ibaba, hindi ko na nahanap ang salawal ko. Naglakad ako ng nakatulala. Wala sa isip. Puno ng dugo ang aking damit. Gabi na iyon, kakaunti na lang ang mga pagala-gala. Sinundan ko lang kung saan ako dadalhin ng pagong kong paa hanggat sa mapadaan ako sa isang bahay kung saan nakaupo sa labas ang matandang babaeng nagpapaypay.

"Bata anong nagyari sayo? Bakit ka puno ng dugo ng damit mo?" Pagkalingon ko kung saan galing ang boses bigla na lang bumigaw ang katawan ko at sa pangalawang beses nawalan ako ng malay.

---------------------------
AN/ Kung nagustuhan niyo paki click lang yang vote button sa ibaba ng screen. Salamat :)

Wala man atang nagbabasa rito :( Pero ok lang, tatapusin ko pa rin itong kwento. Kung may magbabasa man salamat :)

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...