Legends of Olympus (On Hold)

Autorstwa mahriyumm

2.5M 187K 258K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... Więcej

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Emergence
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Ultimate Control
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Wishes
Betelgeuse
Life of the Party
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Obsessions
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Puppet Master
Announcement: Life's Surprises
Queen of Kings
Orion Organization
Veils
Elysian War I
Olympus Academy I Gifts Set
Elysian War II
Elysian War III
Sweet Sixteenth (Special Chapter)
Detached
In Between
Invisible
The Erinyes
Mastermind (OA Book II Raffle)
Achilles' Heel
The Fall
Heartless

Masquerade II: Blood and Poison

18.2K 1.6K 2.6K
Autorstwa mahriyumm

Zack's POV

Pagkatapos manghilamos, napatukod ako sa lababo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Ayoko na. 

Tumuwid ako ng tayo at napahawak sa leeg ko nang iunat ito.

Di na ako sasayaw.

Nangangawit na yung mga braso't paa ko kakahakbang, kakapihit ng mga babae- ayoko na.

"Putangina mo, Vance," bulong ko.

Ilang sandali pa'y inayos ko na ang sarili ko. Hinatak ko pagitna ang lapel ng pula at itim na suit ko at marahang dinaganan ng palad ang buhok ko.

Sinuot ko ang pula kong maskara.

Lumabas ako ng banyo. At pabalik sa ceremonial hall, napatigil ako pagkatapos makita ang isang babae na nakayuko dahil may hinahalungkat sa basurahan.

Nakatayo lang ako sa gitna ng corridor nang masdan siya, kung ano na namang trip niya.

"Bella?" sambit ko, dahilan na mapasinghap siya't mapatayo para tignan ako.

"Z-Zack- hehe..." Naaasiwa siyang tumawa. "Hi..."

Panandalian kong sinulyapan ang maliit na bagay na nasa kamay niya. Napansin niya ito kaya agad din niya itong itinago sa kanyang likod.

Pinaningkitan ko si Bella.

Nginitian niya naman ako na may kasamang pagkisap-kisap ng mga mata.

Napabuntong-hininga ako saka lumapit sa kanya.

"Wala akong nakita." Huminto ako sa tapat niya at bahagyang napayuko ng ulo para abutin ang nakaangat niyang tingin sa'kin. "Basta huwag mo lang 'yang ilagay sa mga pagkain at inumin ng iba."

Madahan siyang suminghap. "Di mo'ko isusumbong?"

Umiling ako.

Tangina. Buti nalang talaga kumain na ako't naka-tatlong baso na ng champagne.

Inilabas niya ang isang maliit na vial sa kamay niya. "Para sa'kin lang naman talaga 'to, ih," aniya. "Gusto ko lang ma-check kung ilang patak nito ang kailangan ko para mamatay ulit."

"Ano ba yan?" usisa ko.

"Lahat ng lason sa buong mundo," sabi niya. "Mula sa mga halaman, mga hayop, ganu'n..."

"Patingin," sabi ko at kinuha ang vial mula sa kanya.

Itim ang laman nito, at napansin kong mas mabigat ito kung ikukumpara sa liit nito. Pinihit ko ang takip nitong hugis bungo at sa sandaling bumukas ito, biglang nandilim ang pananaw ko, napaigtad ako sa hapdi ng amoy na pumasok sa aking ilong at dumapo sa aking mga mata.

"Puta-" Napaatras ako.

"Zack!" Kinuha ni Bella ang vial bago ko pa ito mabitawan. "Huwag mong ihulog!"

"Putangina!" Napatakip ako ng ilong at bibig. "Bella!"

Sinarado niya ito habang ako naman ay napasarado ng mga mata. Pinunasan ko ang mga luha kong nagsilaban dahil sa hapding sumampal sa mukha ko. Pakiramdam ko tuloy may tinapat na usok sa mga mata ko dahil nanginginit ito at naluluha pa rin ako.

"Gago-" Yumuko ako nang nanlalabo ang paningin. "Bella naman!"

"May isa pa'ko nito. Hehe," pagbibigay-alam pa niya. "Yung lumiliwanag sa dilim kasi may radium."

"Itago mo nga 'yan!" Sininghot ko ang hapdi sa ilong ko habang pinupunasan pa rin ang sulok ng bawat mata ko. "At siguraduhin mong di mo mahulog 'yang nuclear weapon na 'yan."

Si Bella ata ang magbobomba ng Academy, eh! Hindi si Henri. Amputa.

"Ah- gago-" Ang anghang ng pang-amoy, panlasa at paningin ko! "Tulungan mo nga ako!"

Pinaypayan ako ni Bella gamit ang dalawang kamay niya. Hindi ko na nakita kung saan niya itinago ang vial, dahil abala ako sa pagpipigil na mabulag.

"Namumula yung mukha mo," humahagikgik niyang puna. "Bwahaha!"

"Amputcha- Bella!" reklamo ko. "Di pa rin nawawala!"

Pinagtawanan niya lang ako. "T-Teka- hahaha!" Tuwang-tuwa siya nang hawakan ang magkabilang pisngi ko at iniyuko ako papalapit sa kanyang mukha. "Mahapdi?"

"Putangina mo naman, eh!" Nagtangka akong lumayo sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Wait! Antayin muna natin pumutok yung mga ugat ng mata mo-"

"Bella!"

"Malapit na, ih!"

"Bella!" Mas malakas kong sigaw, pero hindi kasinglakas ng musika mula sa loob ng ceremonial hall. "Paano ako makakapatay kung di na ako makakakita?! Buwisit naman 'to, oh! Wag mo muna akong bulagin, ano ba!"

Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ilapit ang aking mga mata sa bibig niya, at madahan itong hinipan.

"Putangina!" Biglang nandilim ang pananaw ko. "Wala na akong makita!"

"Pumikit ka naman kasi, ih!"

Dumilat ulit ako at nalamang tanging mga kulay lang ang nakikita ko. Walang linya, walang hugis. "Wala pa rin- anak ng-"

Mula sa magkabilang sulok ng aking pananaw, nahagilap ko ang puting liwanag na papalaki. Kasabay nito ay ang pagdapo ng magaang init sa mga templo ng ulo ko, at kumalat ito sa mga mata ko, hanggang sa takpan ng liwanag ang buong paningin ko.

"Likot mo kasi!" aniya.

Napakurap-kurap ako nang kusang tumuyo ang mga luha ko, at unti-unting nawala ang hapdi na naramdaman ko.

Liwanag?

Kumunot ang aking noo.

Pinapagaling niya ba ako?

Dahan-dahang naglaho ang liwanag, at bumuo sa tapat ko ang hugis ng bibig niyang patuloy na umiihip sa mga mata ko.

Kumurap-kurap na naman ako, nang mapagtantong pamilyar ang kaginhawaan na naramdaman ko, na parang hindi ito ang unang beses na tinanggal niya ang sakit mula sa katawan ko.

Inangat niya ang ulo ko kaya mula sa kanyang bibig, tumapat ang aking mga mata sa mga mata rin niyang namimilog sa pangungusisa.

"Okie ka na?" tanong niya, nang nakahawak pa rin sa aking mukha. "Hmm?"

Bro...

Umiling ako.

"H-Huh?" Nagtaka siya at sinuri-suri ako. "Bakit? May masakit pa? Sa'n?"

Walang kaduda-duda. Nananaginip nga ako.

"Sampalin mo nga ako," utos ko. "Lakasan mo."

"Okie!"

At sumunod na umalingawngaw ang malakas na sampal sa gitna ng corridor.

Napahawak ako sa pisngi kong pumihit sa kabila pagkatapos niya akong sampalin nang malakas kagaya ng sinabi ko.

Saka ko muling tinignan si Bella na nakatayo pa rin sa harap ko.

"Gusto mo sa kabila rin para pantay?" nakanguso niyang suhestyon, tila nag-aalala dahil isang kalahati lang ng mukha ko ang nasaktan niya.

Hindi pa nga ako nakatango at agad na niyang hinampas ang mukha ko dahilan na mapayuko ako't mapahakbang sa direksyon ng hiniligan ng aking ulo.

"Aray!" Napahawak ako sa kabilang pisngi ko. "Di pa nga ako nakasagot, eh!" Hinagod-hagod ko ang aking panga nang tumuwid ako ng tayo at hinarap ulit siya. "Akala ko ba may usapan na tayong kailangan mo muna yung pahintulot ko bago mo'ko pagtrip-an?"

"Pero tatango ka na, ih!" giit niya. "Kita ko!"

"Pero tumango ba ako?" sabi ko. "Pa'no kung namalik-mata ka lang pala?"

"L-Luh-" Humaba ang nguso niya, at lumipat-lipat ang kanyang tingin habang naghahanap ng maisagot.

"Tsk." Binaba ko ang kamay ko. "Inaabuso mo na ata yung kasunduan natin, eh, na kailangan mo muna yung permiso ko-"

"Hindi-" Umiling siya. "Kasi akala ko-"

"Akala mo?" pag-uulit ko.

Umiwas siya ng tingin. "Akala ko gusto mo rin magpasampal sa kabila..." pabulong niyang tugon.

Kumawag-kawag ang kanyang labi habang hinihintay ang reaksyon ko.





Bella's POV

Isa, gising! Nagalit ko si Zack! Aaaaah!

'What?'

Paano na yung experiments natin? Ang dami ko pang plano! Isa, hindi pwedeng mangyari 'to! Huhuhu!

'Don't cry.'

Iiyak na ako!

'Stop those tears, Bella.'

Kinisap-kisap ko ang mga luhang nanggigilid sa mga mata ko.

Sabi niya kasi sampalin ko siya, ih! Tapos- tapos sinampal ko rin siya sa kabila! Nagalit siya!

'You forgot to ask for his consent?'

Tumango-tango ako.

'Have you apologized?'

Muli akong humarap kay Zack. "Zack-"

"Di ko tatanggapin yung sorry mo."

Napaiwas na naman ako ng tingin mula sa kanya at napasinghot sa dismaya.

'Kill him,' ani Isa.

Di nga kasi pwede! Huhuhu! Isa, ang hirap pa namang maghanap ng buhay na volunteers para sa human trials ko...

'Why'd he ask you to slap him, anyway?'

Ewan ko rin.

'Then just calmly walk away like nothing happened.'

Okie, okie.

Tumikhim ako at inangat ang aking noo pataliwas sa kanya. Matuwid kong itinaas ang isang paa ko at humakbang pabalik sa ceremonial hall.

"Oh? Sa'n ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Zack. "Di pa tayo tapos."

Isaaaaa!

...

Isa naman, eh! Tulungan mo'ko!

...

Aaaaaah!

"Hoy."

Umikot ako sa gawi ni Zack. "Hmm?"

Umangat ang isang kilay niya.

"Babalik ako sa ceremonial hall?" sagot ko sa kanya. "Bakit?"

"Sabi ko hindi pa tayo tapos."

Isa!

'Tell him you're going to end it by ending him.'

Humugot ako ng malalim na hininga at binigyan si Zack ng isang nag-aalangang ngiti.

"Sayaw tayo?" aya ko.

'A dance?'

Di niya tinatanggap sorry ko, ih! Yan nalang naisip ko!

'Tell him you're going to cut his legs if he doesn't accept.'

Eh? Banta ba 'yan?

'Nevermind.'

Nanliit ang mga mata ni Zack. "Pinagaling mo'ko tapos ngayon inaalok mo'kong sumayaw?"

'You healed him? Again?'

Mahabang kwento, Isa. Hehehe...

'What-'

Ah, basta! Hindi ko rin alam kung paano!

'You kill people, Bella, you do not heal-'

Agad kong kinuha ang kamay ni Zack at hinila siya papasok sa ceremonial hall.

'Bella.'

Binalewala ko ang seryosong boses ni Isa at nagmamadaling dumaan sa mga kumpulan ng tao, hatak-hatak pa rin si Zack.

Paano ba kasi? Kung tatlong boses. Tatlong boses na yung naririnig ko.

Kaluluwa ni Isa, utak ko, at panghuli ay ang kakaibang tunog na nagmumula sa dibdib ko, at hindi ko na alam kung sino ang papakinggan ko.

"Bella." Tumigil si Zack kaya napahinto rin ako at nilingon siya.

"Okay ka lang?" tanong niya.

'What's happening to you?'

"Hindi ko alam," sagot ko sa kanilang dalawa.

'Let go of his hand.'

Binitawan ko si Zack pero agad din niyang kinuha ang kamay ko.

'Ask him to let you go.'

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin.

'Let's go back to the dorm.'

Inangat ko ang aking mga mata kay Zack na nakatitig sa'kin nang nagtataka, pero higit sa lahat, nag-aalala.

'You need rest,' sabi ni Isa.

Napatango-tango ako.

Siguro...

Sinubukan kong tanggalin ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Zack pero hinigpitan niya lang ito.

"Bella..." aniya, nakikusap ang tono. "Anong gusto mong gawin?"

'You want to rest, Bella,' paalala ni Isa.

Gusto kong lagyan ng lason yung mga inumin.

'We can do that, before we leave.'

Pero Isa... gusto ko ring sumayaw.

"Hindi ko alam," sagot ko kay Zack.

Isa lang yung katawan ko pero ang daming boses.

"Naguguluhan na ako..." bulong ko sa sarili. "Hin-" Napailing ako. "Hindi ko alam kung sino yung dapat kong pakinggan-"

Nabaling ang aking atensyon kay Zack na lumapit sa'kin at kinabit ang kamay ko sa braso niya.

Tumingala ako sa kanya.

Nginitian niya ako. "Do'n tayo malapit sa banda."

Nakatingin pa rin ako sa kanya nang dalhin niya ako malapit sa mga estudyanteng nagpapatugtog.

Bakit dito?

"Yo!" Kinawayan niya ang lalaking may dalang violin. "Lika nga, bro!" Nakangisi niyang tawag dito.

Agad itong lumapit sa'min nang nakangiti rin. "Zack! Men! Bakit?"

Natawa nang mahina si Zack. "Lakasan niyo pa nga, para rito sa kasama ko."

Unti-unting lumiwanag ang aking mukha. 

Para sa'kin?

"Oh!" Tinalikuran kami ng lalaki para harapin ang mga kasama niyang napatingin sa kanya habang pinapatugtog ang iba't ibang instrumento nila. "Crescendo!"

Tumango silang lahat at dahan-dahang nilakasan ang musika.

"Okay na 'yan, bro?!" Dahil dito, napasigaw na rin ang kaibigan ata ni Zack sa kanya.

Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa kamay kong nakakapit pa rin sa braso niya. 

Nanatili akong nakatuon dito kaya hindi ko na narinig pa ang pagpalitan ng mga salita nila.

Nakahubog ang mga daliri niya sa kamay ko kaya kitang-kita ko ang mga ugat nito.

Napapiling ako ng ulo.

Kamay ng isa sa pinakamagaling na swordsman ng Academy, at ang nanalo sa bawat one-on-one close combat nung huling Olympics.

Napabuntong-hininga ako.

Kung puputulin ko 'to, eh di ibig sabihin hindi ko na siya makikitang humawak ulit ng espada, manuntok ng iba...

Biglang gumalaw ang kamay niya. Pati na rin ang braso niya, dahilan na mabitawan ko ito.

Aabutin ko na sana ito para ibalik ulit sa gitna namin nang maramdaman ko ang paglipat nito sa likod ko.

Tinignan ko si Zack na napangiti sa reaksyon ko. 

Pagkatapos, mahina niya akong tinulak, patungo sa malaking espasyo sa harapan ng banda.

Pagkarating namin, napansin kong walang ipinagbago sa lakas ng musika. Binalot pa rin nito ang pandinig ko, at dahil mabagal din ito, umalingawngaw ang himig nito, nang hindi humihinto, at hindi nanghihina, sa buong hall.

Inilibot ko ang aking paningin sa kapaligiran ko at nalamang wala na akong ibang naririnig kundi ito.

Mas malakas pa nga ito sa kabog ng dibdib ko, kaya wala sa sarili akong napangiti.

Inangat ko ang aking tingin kay Zack na kung makatingin sa'kin akala mo nakamasid mula sa malayo, ih, nasa tapat niya lang naman ako.

"Para sa'kin?" mahina kong tanong.

Matagal-tagal niya akong tinitigan, bago siya ngumisi sabay angat-baba ng kanyang magkabilang kilay.

Hindi ko naiwasang mapangiti nang hawakan ko ang balikat niya at yung kamay niya.

Yung kamay niya...

Nilingon ko ang magkahawak naming mga kamay.

Yung kamay niyang mas maganda palang hawakan kesa tignan.

Palihim akong humagikgik sa bagong napagtanto ko.

Galing! May bago na naman akong kaalaman!

Lumapad ang aking ngiti nang salubungin ang nangungusisang mga mata ni Zack.

Congratulations to me!

Binawasan niya pa ang espasyo sa pagitan namin, hanggang sa magkalapat ang aming mga harapan. Pagkatapos, mahina akong napatili nang paikot akong napaangat dahil sa lawak ng mga hakbang niya.

"Zack!" Nililipad na niya ako. "Teka lang! Yung mask ko! Wahaha-" Nangingiliti kong sabi. "Natanggal na mula sa dress ko! Inipit ko lang- tekaaa!"

Humakbang ako nang nakatingkayad sa sandaling ibinaba niya ako sa sahig habang umiikot pa rin, at nang lumapat na ang aking mga paa rito, sinulyapan ko ang itim at pulang maskara na naiwan namin malapit sa banda.

Saka ko namalayang nasa gitna na pala kami ng mga sumasayaw, at kami lang dalawa ang hindi nakasuot ng mga maskara.

Bumitaw ako sa kanya at tatakbuhan na sana yung masks namin nang abutin niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Yung masks-" Napatigil ako nang mapaharap ako sa kanya. "Yung..."

Gumuhit ang isang magaang ngiti sa kanyang labi, at marahan siyang umiling, tila sinisiguro ako na hindi na namin kailangan ang mga ito.

Hinila niya ako pabalik sa tapat niya.

Hindi siya nagsasalita, ibig sabihin wala rin siyang naririnig maliban sa tugtog?

"Zack..." bulong ko, sa likod ng malakas na musika. "Naririnig mo ba ako?"

Nag-abot lang ang kanyang kilay.

Hininaan ko pa ang boses ko. "May sasabihin kasi ako, ih." 

Napayuko ako ng ulo, nang hindi niya makita ang paggalaw ng mga labi ko, sabay hawak sa kanyang balikat upang ipaalam sa kanya na handa na akong sumayaw ulit.

Nakuha niya naman ito dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa likod ko, at inangat na rin niya ang magkasalikop naming mga palad.

"Alam mo ba..." Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. "Dalawa si Isabella..."

Napatulala ako sa kanyang dibdib sa segundong sumabay kami sa tugtog at nagsimulang sumayaw.

"Sinasabi ko sa'yo 'to kasi alam kong binabantayan mo'ko, ih." Palihim akong napangiti habang uumikot-ikot kami sa kinatatatayuan namin. "Alam kong may pinaghihinalaan ka tungkol sa'kin..."

"May patago-tago ka pa," natatawa kong sabi sa kanya at tinuloy ito pagkatapos akong umikot sa ibaba ng nakataas naming mga kamay. "Ang halata mo kaya."

"Ako si Bella," bulong ko. "Tapos si Isa..." 

"Siya yung naninirahan sa katawan ko." Humagikgik ako. "Hehe, ang galing, ano?"

"Yung totoo n'yan, kaya minsan nag-iiba ako kasi hindi ako 'yun. Si Isa 'yun," dagdag ko. "At di niyo pa siya kilala... at balang araw, ipapakilala ko siya sa inyo. Pero huwag lang daw muna sa ngayon, kasi hindi pa raw siya handa, ih. Di pa raw siya sigurado kung gusto niya kasi kaluluwa lang daw siya."

"Kaya huwag ka nang mag-alala..." Nginitian ko si Zack na nakatuon sa'kin. "Wala naman talagang masamang nangyayari sa'kin."

Patuloy ko siyang minasdan, para tignan kung narinig niya ba lahat ng sinabi ko.

Wala namang ipinagbago ang kanyang mukha, maliban sa isang malambot na ngiting ibinalik niya sa'kin.

At habang tumatagal na nakatitig ako sa kanya, unti-unting naglaho ang aking ngiti.

Bakit hindi?

Eh, isang umaasang ngiti yun, dahil may bahagi sa'kin na gustong ipaalam talaga sa kanya ang katotohanan.

Napabuntong-hininga ako, at napangiti ulit.

Ang mahalaga nasabi ko sa kanya.

Kahit hindi niya narinig.

Nasabi ko na ang gusto kong ipaalam sa kanya, at sa kanilang lahat.

At sapat na yun para gumaan ang pakiramdam ko...

Mas lalong bumagal ang tugtog kaya dahan-dahang ipinatong ni Zack ang braso ko sa kabilang balikat niya, at ibinaba ang kamay niya sa likod ko.

Hindi mabura ang aking ngiti habang nakatingala sa kanya.

Napansin ko ang mabagal niyang pagkisap nang daganan ng silk gloves ko yung leeg niya dahil hinigpitan ko ang pagkakapit ng aking mga braso sa kanya.

"Ang wewew-weird mo..." puna ko.

Umangat ang kilay niya, nagtatanong ang mga mata kung ano siguro yung sinabi ko.

Umiling ako.

Binigyan niya ako ng nanunuksong tingin bago hinigpitan din ang pagkakayapos sa'kin, dahilan na mapatingkayad ako habang sumasayaw kami.

Pero karga naman ng mga braso niyang nasa likuran ko ang karamihan ng bigat ko kaya nagawa ko pa ring sabayan siya.

"Zack?" sambit ko.

Hindi niya ako sinagot.

"Pag nasa Tartarus na tayo, gusto mo paramihan tayo ng mapatay na halimaw?" nananabik kong tanong sa kanya.

Nginitian niya ako. "Kung anong gusto mo, Bella."

Yung gusto ko...

"Sumayaw pa tayo," sabi ko. "Hanggang sa huling kanta."

"Kapagod naman n'yan..." puna niya.

"Hanggang sa second to the last nalang? Na kanta?" suhestyon ko. "Hehehe."

Mas gusto ko yung ingay sa labas, eh, kesa naman marinig ko ulit yung ingay sa loob ko. Mas nakakapahinga ako kung ganito.

"A-Ano..." Napaghalataan kong hindi siya sang-ayon, dahil hindi siya sumagot. "Gusto ko pang sumayaw kasi-"

"Bella." Tinawanan niya ako. "Nagbibiro lang ako."

Kumisap-kisap ako sa kanya. "Huh?"

"Kahit buong gabi pa," saad niya. "Isasayaw kita."

Bigla akong may naisip sa sinabi niya. "Kahit mapudpod lahat ng balat sa talampakan mo?"

Huminga siya ng malalim. "Hmm..." 

Minasdan ko siya na nanliit ang mga mata habang nagdedesisyon.

Pinigilan kong matawa nang makita kung gaano ka-seryoso para sa kanya yung tanong ko, na para bang nakasalalay dito yung buong buhay niya.

Eh kasi totoo naman talagang nakasalalay dito yung buhay niya.

Alam niyang seryoso ako. Hehehe. Na kapag um-oo siya, babalatan ko sa susunod yung mga paa niya.

Pagkaraan ng ilang segundo, nginitian niya ulit ako. 

Umasa akong tatanggihan niya ako, o di kaya'y magbigay ng mga dahilan kung bakit hindi dapat siya sumayaw hanggang sa mapudpod o matunaw yung mga talampakan niya.

Kaso, naalala kong hindi nga pala...

"Isasayaw kita..." sagot niya. "Hanggang sa malagutan lang siguro ako ng hininga."

Hindi nga pala siya katulad ng iba.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

925K 20.7K 61
BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
42.7K 1.7K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...