PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: S...

بواسطة SkySlayer24

1.3M 17.8K 3.6K

C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY. "He is Spencer Carson and he is my Psychopath Husband." ___... المزيد

Spencer Carson (Book 2)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Wakas
1 MILLION SPECIAL CHAPTER.

Kabanata 21

9.6K 176 5
بواسطة SkySlayer24

"Uwi na tayo."

Napailing ako bago wala sa sariling napatango, kanina pa siya ganyan e, kanina niya pa 'ko pinipilit na umuwi, kahit gusto ko pang magtagal dito para hintayin ang pagdating ni Eman.

I asked Sister Luz kong nasaan si Eman, at ba't di ko ito nakita dito, samantalang sabado naman ngayon.

Sister Luz answered that madalang nalang daw kong bumisita si Eman dito, pero kanina daw nagpa abot ito nang mensahe na pupunta dito para makipaglaro sa mga bata, pero hanggang ngayon ay hindi parin ito dumadating.

Miss ko na siya e, miss ko na ang nag-iisang boy best friend ko. Simula kasi nong lumipat ako sa apartment ni Spencer ay hindi ko na siya nakita pa, at nong nag text ako para ayain ko siyang lumabas ay nagdahilan siya na busing busy raw siya sa thesis niya.

Napabuntong hininga ako, mukhang hindi ko siya magkikita ngayon, dahil itong si kurimaw na si Spencer ay kanina pa nag-aayang umuwi, hindi ko na nga mabilang kong pang-ilang beses na niya iyong pag-aya.

"Talaga ba?" tila batang nagbubunying tanong nito.

Napairap ako, para siyang bata na binigyan nang chocolate kong umakto.

"Yeah, let's go?"

He nodded bago hinakawan ang kamay ko, "Sisters, mauuna na 'po kami."

"Uuwi na kayo?" tanong ni Sister Luz sa akin.

Tumango ako, "Akala ko hihintayin mo pa ang pagdating ni Eman."

Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak niya, ano bang nangyayari sa isang to? Tinignan ko ang gawi niya at doon ko nakita ang nagkasalubong niyang mga kilay habang naka igting ang panga.

Anong nangyari sakanya at ba't parang galit na galit siya?

Ngumiti ako sakanila, "Sa susunod nalang po siguro, pakisabi nalang po kay Eman, na hinanap ko po siya."

Ngumiti naman pabalik si Sister Luz sa akin nang pabalik, "Ikaw ang bahala,"

Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago ako lumapit sa gawi nila upang magmano, nagmano rin naman siya.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang may natitirang respeto parin pala ang jungkoy na ito sa katawan.

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang kaladkarin niya 'ko palabas. "Mag-iingat kayo." pahabol na sigaw ni Sister Luz sa amin nang makalabas na kami sa kumbento, tanging amg pag ngiti na lamang ang naisagot ko sakanya dahil kinaladkad na ko nang kurimaw palabas.

"Aalis na po ba kayo kuya Spencer?"

Napatigil siya sa ginagawa niyang pagkakaladkad sa akin nang mapatigil siya sa paglalakad dahil sa isang maliit na boses na aming narinig.

Sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan nang boses na iyon, at doon ko nakita si Kiboy na nakatingin sa amin na parang maiiyak.

Bahagya siyang yumukod, "Oo Kiboy e, may trabaho pa kasi kami bukas ni Ate Jeanshe mo kaya kailangan na naming umalis."

Mas lalo pang nalungkot si Kiboy dahil sa narinig, napanguso ito atsaka pinanggiliran nang mga hula. Parang nanlambot naman ang puso ko dahil sa tagpong iyon.

Maingat na yumuko rin ako dahil baka maipit si baby, gamit ang mga daliri ko'y bahagya kong pinunasan ang mga namumuong luha sa gilid nang mga mata niya, "Don't worry Kiboy, dahil babalik rin kami ni Kuya Spencer mo."

"Totoo ba ate?" bahagya siyang natuwa dahil sa narinig.

"U-huh," Spencer said, "Kaya huwag kang umiyak, diba't sinabi ko na sayo na ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak?" he also added.

"Opo, Kuya Spencer hindi po ako iiyak."

Napangiti ako sa tagpong iyon, hindi ko kasi inaakala na malapit rin pala ang kulukoy na ito sa mga bata.

"Promise?"

"Promise!"

Napaisip rin tuloy ako kong magiging ganito rin ba ang trato niya sa magiging anak namin, natatakot kasi akong baka saktan niya ang bata.

"Oh, siya pumunta kana ulit don atsaka makipaglaro sakanila." ani ni Spencer kay Kiboy.

"Yes sir!" sumaludo pa muna ito bago umikot atsaka naglakad pabalik sa mg kalaro. Napangiti tuloy ako sa inakto nang bata, ang cute cute niya kasi habang sumasaludo. Parang ang sarap pisilin nang pisnge.

"Let's go?" igting panga niyang tanong bago muling hinawakan ang kamay ko.

Napailing nalang ako bago nagpatiuna nang muli niya 'kong kinaladkad palabas nang gate. Hindi ko alam kong ano ang nangyayari sakanya, pero sa wari ko'y galit siya dahil ramdam na ramdam ko iyon, dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.

"Aray!" daing ko nang maramdaman ko ang mas paghigpit nang pagkakahawak niya. Pero hindi niya pinansin ang daing kong iyon.

"Bitaw! Spencer! Bitawan mo ko!" naiinis kong turan sakanya, bago pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Spencer nasasaktan ako!"

Napahinto siya mula sa paglalakd bago binitawan ang kamay ko, napahawak ako sa namumula kong kamay. Ang hapdi.

Napatingin naman siya sa kamay kong namumula, bahagyang lulamlam ang mga mata niya nang makita niya ang namumula kong mga kamay.

"Ano ba ang problema mo at ba't ka nanghihila ah?" naiinis kong tanong sakanya.

"I'm sorry." ang nakayuko niyang sabi na parang nagseselos, hahawakan na sana niya ulit ang kamay ko nang marahas ko itong tinabig palayo sa akin na siyang naging dahilan kong bakit hindi niya natuloy ang balak niya.

"Ano ba ang problema mo't ba't ganyan ka kong makaasta ah?" tanong ko sakanya.

Napayuko siya, napahilot ako sa sintido ko dahil sa inis. Tangina naman oh.

"Ano ba kasi ang problema mo?" this time malamlam na ang tuno nang pananalita ko habang tinatanong ko siya.

"Nothing."

I frowned, "Spencer!" nagbabanta ani ko.

"Wala nga." Nakanguso niyang ani, para siyang bata na inagawan nang kendi habang sinasambit ang mga katagang iyon. "I'm so sorry baby."

Lumapit siya sa akin, yinakap niya ko nang mahigpit na para bang sa pamamagitan noo'y humihingi siya nang patawad. Napabuntong hininga ako bago ko sinagot pabalik ang mga yakap niya.

"It's okay, maraming salamat pala sa pagdala mo sa akin dito." nakangiti kong ani, "Nang dahil sa ginawa mo'y muli kong nasilayan ang ikalawang tahanan ko." dagdag ko pa.

Tinuring ko na ang bahay ampunan, bilang pangalawang bahay ko, kaya nama'y hindi ito nalalayo sa loob ko. Sa tuwing nandidito ako'y parang gumagaan ang pakiramdam ko, siguro dahil dito ako lumaki at dito rin ako nasanay.

Muntikan na kaming mapahiga ni Spencer sa tabi nang daan nang may malakas na bumunggo sa amin. Mabuti nalang at naka balance siya, kasi kong hindi'y baka nakahiga na kami ngayon sa kalsada.

Bubulyawan ko na sana ang lalaking bumunggo sa amin, pero hindi ko na ito itinuloy nang makita kong bahagya na itong nakalayo sa gawi namin. Ni hindi man lang siya humingi nang tawad sa amin.

Palinga linga siya habang naglalakad, na para bang may binabantayan siya. Balisa rin siya kong umakto.
Napako ang tingin ko sakanya nang makita ko kong paano tumigil ang isang motor sa tapat niya, lulan niyon ay ang dalawang lalaking hindi ko kilala dahil pareho silang naka helmet.

Naitakip ko ang mga palad ko sa bibig ko, mahigpit rin akong napakapit sa braso ni Spencer nang makita ko kong paano bumunot nang baril ang lalaking naka angkas sa motor.

Nakita ko kong paano namutla at pumikit ang lalaking bumunggo sa amin nang maramdaman niya ang paglapat nang malamig na galatilyo nang baril sa ulo niya.

Napapikit ako atsaka pinigilan ang sarili kong huwag mapatili nang marinig ko ang sunod sunod na pagputok nang baril, mabuti nalang at yinakap ako ni Spencer atsaka hinarang ang katawan sa harapan ko.

Tsaka ko palang naibuka ang mga mata ko nang marinig ko ang pagharurot nang motor palayo. Nanginginig ako dahil sa kaba na naramdaman ko, akala ko kasi isussunod kami nong mga naka motor dahil nakita namin kong paano nila binaril yong lalaki, akala ko papatayin rin nila kami. Mabuti nalang at hindi na kami nito pinagtuonan nang pansin.

Napakapit ako nang mahigpit sa braso ni Spencer upang doon kumuha nang suporta.

"Ano iyong narinig naming pagputok nang baril?" hinihingal na ani ni Sister Sheila nang makalabas sa gate, wari ko'y tumakbo ito, kasunod niya rin ay ang mga ilan pang Sisters na hinihingal rin.

Napatingin ako sa gawi nila, namumutla at nanginginig ako habang si Spencer ay patuloy paring nakaagapay sa akin. Atsaka hinahaplos ang likod ko.

"Jusko!" ang tili ni Sister Sheila nang makita ang bangkay nong lalaking bumunggo sa amin. Natataranata nilang pinuntahan ang gawi nong lalaki.

Nanginginig may inaya ko si Spencer na puntahan namin ang gawi nila para makisali sa pag-sisilip nila.

Pumayag siya, pero sa isang kondisyon at iyon ay ang huwag kaming masiyadong lumapit sa mga nagkukumpulan dahil baka maipit ako.

"Jeanshe! Siya! Siya iyong tinutukoy ko sa'yong naghatid sayo dito sa ampunan!"

Nasuway ko ang utos niya dahil sa ginawang pagtawag ni Sister Luz sa pangalan ko. Hindi ko tuloy naiwasan ang sarili kong huwag makisiksik sakanila, mabuti nalang at naka agapay parin sa akin si Spencer kaya hindi ako naiipit.

"Po?" tanong ko nang makalapit sakanya.

"Siya! Siya iyong tinutukoy ko sa'yong si Mauro! Yong naghatid sa'yo dito sa ampunan."

Parang sumabog ang utak ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sakanya bago ako dahan dahang napatingin sa bangkay nong lalaking nasa harapan ko.
Mas lalo pa akong namutla nang mamukhaan ko siya, paano ko ba kasi hindi makakalimutan ang pagmumukha nang mga pumatay sa mga magulang ko. Ang mukhang ito ay ang isa sa mga mukha na pumatay sa mga magulang ko.

Siya! Siya iyong isa sa mga pumatay sa mga magulang ko nang gabing iyon. Mas tumindi pa ang pagkalito na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pero parang may kong anong puzzle ang namuo sa isipan ko.

Si Mauro at ang pumatay sa mga magulang ko'y iisa. Pero ang nakakapagtaka la'y bakit niya ko tinulungan, ba't niya ko inihabilin sa bahay ampunan diba't ang utos sakanila'y patayin ako.

Ano ang nakain mo sa mga oras na iyon Mauro at bakit mo tinulungan imbes na patayin?

"Magkape ka muna iha."

Nag-angat ako nang tingin bago nakangiting tinanggap ang kape na inalok niya.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bench dito sa loob nang bahay ampunan habang nakamasid ka'y Spencer na ngayon ay kausap nang mga pulis. Alam ko kong ano ang pinag-uusapan nila, dahil wala na naman sigurong iba pa silang dapat pag-usapan puwera nalang sa nangyari kanina diba?

Tinatanong nong pulis kong ano ang nasaksihan namin ni Spencer sa ginawang pagpatay kay Mauro Natrividad. At mukhang masinsinang pag-uusap ang ginawa nilang dalawa.

Kani kanina lay dumating ang mga taga soco upang imbestigahan ang nangyari, bago nila ito dinala sa porenarya.

Ngumiti si Spencer sa gawi ko nang lumingon ito kaya napangiti rin tuloy ako.

Mabuti nalang at nandiyan siya, dahil hindi niya ko pinabayaan.

"Siya ang Mauro na tinutukoy ko sayo iha."

Napatingin ako sa gawi ni Sister Luz na naka upo sa tabi ko, umiinom siya nang gamot, hina-hyper daw kasi siya dahil sa nangyari.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ang Mauro na nagdala daw sa akin dito sa bahay ampunan at ang Mauro na pumatay sa mga magulang ko ay iisa.

"Hindi ako maaring magkamali iha, tandang tanda ko pa ang mukha niyang iyon habang karga karga ka at basang basa." tumingin siya sa makulimlim na kalangitan. "Hindi ako maaring magkamali, kahit na'y puno nang bogbog at pasa ang mukha niya'y namumukhaan ko parin siya. Siguradong sigurado ako na siya iyon."

Tumango ako atska pinaglaruan ang mga daliri ko, hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin, hindi ko alam kong ano ang dapat na susunod na hakbang na gagawin ko. Ito na yon e, ito na'yong lead na hinahanap ko, pero ba't ganon? ba't parang naging blanko ang utak ko? Ba't parang nawalan ito nang laman?

Gusto kong sundan sa hukay si Maurong iyon upang tanongin siya kong alam niya ba kong sino ang nag-utos sakanila na ipapatay ang mga magulang.

Gusto ko siyang sundan at humingi nang mga kasagutan sa mga katanungan na nasa isipan ko. Dahil sa totoo lang litong lito na ako! Para nang sasabog ang utak ko dahil sa mga impormasyong nakalap ko.

May lead na ako e, pero hindi ko alam kong saan ako mag uumpisa lalo na't alam kong maari kaming magkasiraang dalawa.

Dahil sa oras na sundan ko ang lead na mayroon ako, alam na alam kong madadawit ang pangalan nila, ang pangalan nang mga Carson. At pag nagkatao'y maaring magkasiraan kaming dalawa.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

The Evil's Bite بواسطة glamoursilhouette

الخيال (فانتازيا)

1.1K 288 28
Since Zahra lost her parents in a car accident, she started living with her grandmother in the province, far away from the city, in the middle of the...
422K 3K 5
Read at your own risk. Don't you dare tell me na napaka matured ng scenes.
556K 9.1K 96
C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming...
245K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.