The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

73: WHITE CHRISTMAS

227 21 3
By elyon0423

Uy, si Rune babe nandito na rin! Rune!" bigla niyang tawag. Halatang nagulat si Rune pero lakas loob din siyang humarap sa direksyon namin.


Patakbong lumapit si Alexander kay Rune, at sinundan naman siya ng iba naming kasama, samantalang ako, hindi na nakagalaw. Hindi ko kasi alam kung pa'no ba'ng approach ang gagawin ko kay Rune. 

Nagulat naman ako dahil may humampas sa likod ko, mahina lang naman 'yung hampas niya pero sapat para mapatingin ako sa kanya. "Okay lang 'yan..." sabi ni Akihiro. Huminto rin pala siya sa paglalakad. Tumango lang ako sa kanya. "Tara na?" yaya niya, kaya muli kaming naglakad.

"Rune babe! Kaka-miss ka naman..." Ayan na naman si Alexander, akma rin niya sanang yayakapin si Rune pero hindi na niya ginawa kasi binigyan siya ng masamang tingin ni Reggie and Francis. "Ahaha..." Napakamot na lang siya sa batok niya. 

Nang tuluyan kaming makalapit sa kanila ay nagkatinginan kami ni Rune at sabay rin kaming nag-iwas ng tingin kaya tuloy parang nagtaka 'yung mga boys, maliban kay Akihiro. 

"Okay... Anong meron?" takang tanong ni Alexander. 

"Ah, ano lang... ano." Hindi matuloy ni Rune ang sasabihin niya. "Ahmm... mauuna na ako." Agad siyang naglakad ng mabilis palayo sa amin, kasabay ng mga estudyante.

"She's weird, is she okay?" tanong ni Reggie habang nakatingin  kay Rune na unti-unti ng nawawala sa view namin. 

Nagkibit-balikat lang siya. "Baka may menstruation siya?" 

"Hyung..." Naiilang si Francis sa sinabi ni Alexander. 

"Umayos ka, baka may makarinig sa'yong mga babae," paninita ni Akihiro. 

Napatingin naman silang apat sa akin. As in sabay-sabay 'yung ulo nilang lumingon sa akin. Bigla sigurong sumagi sa isip nila na may kasama silang babae. "Ahm, n-no c-comment," naiilang kong sabi.

Naglakad na lang kami papasok ng Academy. "By the way, Christmas na mamaya, anong balak niyo?" tanong ni Alexander.

Nagtaka naman ako sa kanila. "H-hindi ba kayo uuwi sa mga magulang niyo?" takang tanong ko. 

"Out of the country ang parents ko," malungkot na sabi ni Francis.

"Busy sa business si mom and dad, specially this season," sabi ni Reggie.

"Hihi... bibisita mamaya family ko to celebrate the holiday." Masaya si Alexander habang sinasabi niya 'yon. "Kahit pa ganito ako, conservative ang family ko pagdating sa culture, hindi kami puwedeng mawala sa mga importanteng okasyon katulad nito."

Tumingin naman ako kay Akihiro. "Ahm, in my country, normal lang na magkanya-kanya ang family kapag Christmas. And usually ang mga couples ang nagbo-bonding kapag ganitong season. New year ang family celebration namin."

"How about you, Elyon? How do you spend your Christmas?" tanong ni Reggie. Halos malapit na ako sa building namin at hindi ko alam kung dapat ko bang saguting ang tanong niya. 

"Noona..." napatingin ako kay Francis.

"Huh?" nakatingin na sila sa akin at parang hinihintay nila ang sagot ko. "Ah, mag-stay lang ako sa place ko rito sa Winter Town."

"What about your fam---"

"Alis na ako guys, see you later..."  Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Reggie. Agad na akong lumayo sa kanila habang kumakaway.

"See you later, Elyon Babe!" pahabol ni Alexander.

Nang makapasok ako sa building namin ay agad akong nagtungo sa locker ko at tsinek ang mga nakalagay sa loob. 

"Omg, Ely! Nandito ka na!" At narinig ko na nga ang boses ni Dexter, hindi rin talaga mabubuo ang araw ko sa school kung wala ang isang 'to, at mukhang alam ko na kung anong sunod niyang gagawin kaya agad kong binagsak ang pagsara sa locker ko at tiningnan siya. 

Huminga muna ako ng malalim para bumuwelo, 

Then..

Ngumiti ako sa kanya. "H-hi, D-Dexter." Matapos ko siyang batiin ay agad na akong naglakad at iniwan siyang nakatulala. 

Ngayon lang talaga 'to, hindi ko na 'to uulitin sa susunod, Pasko ngayon at kababalik ko lang sa school. 

"T-totoo ba 'yung narinig at nakita ko? Binati at nginitian ako ni Ely?" Napakamot na lang ako sa batok ko habang naririnig siya mula sa likod ko. "Binati nga ako ni Ely!!!" nagulat ang mga estudyante sa lakas ng boses ni Dexter. "Ely! Wait!"

Napatakbo na lang ako para hindi niya ako maabutan. Ito nga ba sinasabi ko eh. Agad akong nakarating sa classroom namin, at saktong pagpasok ko, nakatingin na ulit sa akin ang mga kaklase ko, pero saglit lang nila ginawa 'yon at muli na silang bumalik sa ginagawa nila. 

Maglalakad sana ako pero...

"Ely!" Hindi ko pinansin si Dexter na nasa likod ko. Nakatingin lang ako sa desk ni Carlisle. 

"W-wala siya..." bulong ko.

"Two weeks ng absent si Carlisle," sabi ni Dexter. Tumango nga lang ako sa kanya. "Ely..." tinawag pa rin niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin at nagdiretso na lang ako sa desk ko. 

Hindi ko pala natanong kay Akihiro kung kumusta na si Carlisle kanina. Nakakapanibagong wala siya, at hindi ko na masisipa ang desk niya. "Imposibleng hindi niya kinaya..."

Pumasok si Sir Ilagan sa classroom, "Good morning, class." Bago tuluyang magklase ay bigla rin akong napatingin sa isa pang bakanteng upuan...

Ang upuan ni Troy.

-------

Matapos ang klase ay nakita ko si Rune na naglalakad sa hallway. Tinitigan ko lang ang likod niya at hinintay siya na maunang makalabas ng building... 

Kayalang...

Bigla siyang lumingon sa likod niya at sa taranta ko ay bigla akong tumalikod at nagtago.

T-Teka...

"Bakit ako nagtatago?" Napabuntong hininga na lang ako at napayuko. Pagkatapos ng mga nangyari sa amin? Parang imposibleng bumalik kami sa dati. 

Alam kong maraming dumadaan sa paligid ko, at naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila;

"I'm so excited sa Christmas party mamaya."

"I'm sorry girls, pero hindi ako sasama sa party later."

"Why?"

"Magkikita kasi kami ng boyfriend ko eh. We're celebrating Christmas together."

"Omg!!! I'm so kinikilig..."

"I envy you, sis."

"Me too..."

Ang tatlong mukhang espasol ang mukha na naman pala, but this time parang hindi yata nila ako pinansin, o baka hindi nila ako napansin dahil nakayuko lang ako. Nang maramdaman kong malayo na sila ay saka ko lang inangat ang ulo ko at bumungad sa akin si Phoebe. Nakatingin siya sa akin at unti-unti itong lumapit. Ano naman kayang kailangan niya?

Hindi ako nagsalita at hinintay lang siya. "I'm sorry..." Aaminin ko, hindi ko inasahan na magso-sorry siya. "Alam kong hindi mo basta-basta tatanggapin ang sorry ko pero... I'm sorry sa lahat ng nagawa ko."

Tinitigan ko siya sa mga mata niya at nakita ko ang sincerity sa mga 'yon. Tumango lang ako at naglakad na, pero huminto ako ulit at nilingon siya. "Merry Christmas," bati ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko pero nagawa pa rin naman niyang mag-response. "Merry Christmas..." ngumiti siya ng maluwag.

Muli akong naglakad palabas ng building, at sakto namang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko naka-register ang text ni Alexander;

Nasa'n ka na?

Hindi ako nag-reply dahil nakita ko naman na sila at nakita na rin naman nila ako. Kumaway sila sa akin kaya agad naman akong lumapit sa kanila. 

Habang naglalakad kami ay pinag-uusapan nila ang pagbili ng mga regalo. "Ely babe, anong gift mo sa akin?" tanong ni Alexander.

"Wala..." tipid kong sagot. Hindi ako mahilig magbigay ng gift sa mga tao. Saka parang ang hirap nilang regaluhan dahil bukod sa mga lalaki sila, mayayaman sila, baka hindi sila tumatanggap ng simpleng regalo. 

"Ouch! Ang sakit naman no'n, hindi ba ako importante sa'yo?" Para siyang timag sa ginagawa niyang pagpapaawa sa akin. 

"Tama na nga 'yan, akala ko ba may mga lakad kayo?" sabi ni Akihiro.

"Oo nga, sa pa'no, see yeh later na lang ah..." sabi ni Alexander at nagkanya-kanya na nga sila ng alis.

"Ikaw wala kang lakad?" tanong ko kay Akihiro, siya na lang kasi ang natira. 

"Siguro alam mo na, na hindi pa rin nakakabalik si Carl." Tumango ako. "According sa Secretary ng mga Montefalco, okay na raw si Carl pero ayaw pa ng mga magulang niya na pabalikin ito, kaya huwag ka ng mag-alala."

"Hindi naman ako nag-aalala..." depensa ko, bigla siyang ngumiti ng malapad. Peste... Oo na! "M-medyo lang..." nagulat na lang ako ng hawakan ni Akihiro ang buhok ko at parang bata na ginulo niya ng bahagya.

"Alam kong kaibigan na ang turing mo kay Carl at tanggap mo ang ugali niya." Tinanggal na niya ang kamay niya sa ulo ko. "So pa'no, alis na ako. See you later, Ely." Hindi na niya hinantay ang basbas ko at naglakad na siya at humalo na rin sa mga tao.

Aalis na sana ako pero bigla kong naisipan na mamili na rin ng mga pangregalo. At matapos ng halos dalawang oras ng pamimili, nakarating na rin ako sa cosmetics shop. Hay, pambihira, kaya ayaw kong nagreregalo eh. Nakaka-stress mag-isip ng ireregalo sa kanila, parang pinagsisihan ko na nagkaroon ako ng maraming kaibigan. 

Nang makapasok ako ay agad akong lumapit sa sales lady. "Yes, ma'am?" tanong niya.

For the first time, may taong hindi nagulat sa itsura ko. "Ahm, may mga products po ba kayong anti-aging? I mean, may kaibigan kasi akong sobrang stressed ngayon, at parang napapabayaan na niya ang sarili niya. Gusto ko sanang bumalik 'yung natural na ganda niya." 

Ngumiti ang sales lady. "Ilang taon na po siya?"

"Nasa 30's na siya. Two weeks before, mukha pa naman siyang bata..." napayuko ako. "D-Dahil sa akin kaya parang nadagdagan ng ilang taon 'yung edad niya," pag-amin ko. "P-pero hindi naman ako pasaway, ano lang... ano..." hindi ko na matapos ang sasabihin ko. Saka, bakit ba ako nag-e-explain? 

"I'm sure kaya siya na-stressed dahil importante ka sa kanya. Kung ano man ang ginawa niya para sa'yo, kesa ma-guilty dapat maging masaya ka, kasi worth it naman ang lahat ng paghihirap niya," sabi niya. Napangiti ako bigla. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang ulo ko at hinimas. "Nakita ko lahat ng ginawa mo, alam kong nahirapan ka, ngunit alam kong kaya mo at kailangan mong kayanin para sa natatanging misyon. Tandaan mo, proud ako sa'yo."

Bigla na lang akong napaluha sa hindi ko malamang dahilan. Actually, parang gusto kong humagulgol at yakapin siya pero agad rin naman akong natauhan. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ng blazer ko at pinunasan ang luha sa mata ko. Gusto ko rin sanang punasan ang pisngi ko kayalang hindi ko puwedeng tanggalin ang maskara ko, plus mahirap ang kalagayan ko dahil may mga bitbit akong paper bags sa isang kamay ko. "Ah-ano pong ibig niyong sabihin?" Ang weird kasi, at the same time, ang peaceful sa pakiramdam.

Tinanggal naman niya ang kamay niya sa ulo ko. "Don't worry ma'am, may mga irerekomenda akong products para bumalik ulit ang natural beauty niya, kayalang kailangan din niyang sabayan ng supliment na mabibili sa drug store..." Hindi niya sinagot ang tanong ko, pero hindi na ako nangulit at pinakikinggan ko na lang ang mga sinasabi niya hanggang sa mabili ko na ang ilang kailangan ko. 

"Maraming salamat po..."

"Merry Christmas... Anak."

Lumabas na ako ng store kahit na nagtataka ako kung bakit niya ako tinawag na anak, samantalang mas mukha pa siyang bata kay Jane. Napatingin ako sa paro-parong puti na sumabay sa paglabas ko ng store. Nakakapagtaka, wala naman akong nakitang paro-paro kanina sa loob, sumulyap ako saglit sa loob at nakita ko naman ang sales lady na busy na sa pag-aasist ng ibang customer. Muli kong ibinalik ng tingin ang paro-paro na palayo na sa akin, at habang nakatingala ako ay may naramdaman akong presensya sa harap ko kaya sa kanya naman ako napatingin.  "Kyzhen..." Nu'ng tinawag ko ang pangalan niya bigla na lang nangamatis ang mukha niya. Hala.

"May sakit ka ba?" takang tanong ko, pero bigla rin akong may naalala;

Nu'ng dumating ka sa Winter Town at makita ka ni Kuya Kyzhen sa unang pagkakataon, alam kong nu'ng mga oras na 'yun, iba na ang raramdaman niya para sa'yo.

Medyo hindi ko maintindihan 'yung sinabi ni Rune, at parang gusto ko 'yong linawin kay Kyzhen. "Ano..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang umulan ng snow. Napatingin si Kyzhen sa itaas at gano'n na rin ako. Ilang segundo kaming nasa ganoong kalagayan hanggang sa natawa na lang ako at muling tiningnan si Kyzhen. Medyo nagtaka siya pero natawa na rin siya habang nagkakamot ng ulo. 

Hindi ko alam ba't ako natawa.

Wala lang.

Trip ko lang.

"May kailangan ka?" tanong ko na lang. Baka kasi importante 'yung pakay niya kesa sa sinabi ni Rune sa akin at baka nami-misunderstood lang ni Rune ang kuya niya.

Tumango si Kyzhen. "Puwede ba kitang makausap?"


ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

708K 25.9K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...
26.3K 391 23
hindi nman kasi dapat ako ang bida sa story na to eh, yoko ngang magpaki hero! di ko naman sinasadya na mahawakan yun eh, ano bang klaseng trouble to...
10.3K 486 52
Ang mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang jour...
129K 6K 75
The story of the one and only Alexandria Montecillo lies in the pages of this book... ⚜⚜⚜ First Story from The Arcane Realms Collection