Chapter 61 One LAST time

Zacznij od początku
                                    

Naka tingin ako ngayon sa babae na mahimbing ang pag kaka tulog. Kaya naman tinawagan ko ang imbestigador ko dahil nagawa nya ang inutos ko.

"I will send the money to your account" sabi ko dito.

"But I didn't—" may sasabihin pa sana ito nang makita ko na biglang gumalaw si Krystal kaya naman pinatay ko na ang tawag at saka binuhat ito para maisakay sa yate na pag-aari ko.

Habang buhat buhat ko ito ay hindi ko mapigilan na titigan ang muka nito na ngayon ko lang ulit nakita sa malapitan.

Pero ipinaling ko agad sa ibang direksyon ang tingin ko dahil hindi ko nagugustohan ang naiisip ko.

Nang maihiga ko na ito ay lumabas na ako sa silid na pinaglagyan ko sa kanya at pumunta sa taas ng yate para simulan na itong paandarin.

Pagkatapos ng ilang oras ay naisip ko na tignan muna si Krystal pero pagbukas ko ng silid na pinaglagyan ko aa kanya ay may naramdaman ako na may humampas sa ulo ko dahilan para dumilim ang paningin ko bago mawalan ng malay.

Nagising ako nang maramdaman ko na may malamig na dumaloy sa ulo ko kaya naman unti unti ko na binuksan ang mata ko.

"What happened?" tanong ko sa sarili ko at akma pa ako na tatayo pero naka gapos pala ako ng tali kaya naman wala akong choice kundi makipagtitigan sa magandang babae na nasa harap ko.

"Krystal" banggit ko sa pangalan ng magandang babae na nasa harap ko.

Nakakalungkot na hindi ito ang inaasahan ko na sitwasyon kapag magkitq kami pagkatapos ng ilang taon.

"Wow, naalala mo pa pala ako?" Tinaasan muna ako ng kilay nito bago magsalita. May pag sarcastic na tono na sabi nito dahilan para mapayuko ang ulo ko at hindi sumagot.

"Bakit ako nandito? Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ako kinidnap? Kailangan mo na naman ba ng pera? Hindi pa ba sapat ang nakuha mo na pera kay daddy noon?----"

Sunod-sunod ko na tanong nito na talagang bawat salita na nilalabas ng bibig nya ay para bang kutsilyo na sumasaksak sa pagkatao ko.

"I want you back" sabi ko nalang dito para mapatahimik sya kahit na hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi.

Tama, mas maganda kung mapaibig ko sya ulit para madali namin syang magamit sa ama nya.

Sino bang niloloko ko?

Alam ko na ginawa ko ito dahil gusto ko din sya makita at hindi para maghiganti.

Kaya naman gulong-gulo ang utak ko dahil naiipit ako sa isang sitwasyon na dapat ay galit ako sa kanya pero hindi ko mapigilan na bumalik ang nararamdaman ko sakanya.

Bumalik nga ba? Hindi, hindi ito bumalik dahil kahit kailan ay sya lang naman talaga ang babae sa buhay ko.

"Kahit kailan hindi ko kinailangan ng pera galing sa inyo kahit na naghirap ako noon" Malamig na sabi ko dito.

Nakakatawa na sa ilang taon na hindi kami magkasama magkaiba kami ng naiisip sa isat-isa. Habang ginagawa ko syang inspirasyon sa buhay ko at patuloy na minamahal, sya naman ay iniisip na umalis ako dahil sa pera.

Ganun ba kababaw ang tingin nya sakin?

"Sino ka ba talaga?" Tanong nito sa akin kaya naman inilapit ko ang muka ko dito.

"I'm Seven... Luciel...Numerous" bulong ko dito nakita ko naman ang pagkalito sa muka nya.

Magsasalita pa sana ulit sya ng biglang may tumawag sa telepono ko kaya naman mabilis akong lumayo sakanya at sinagot ang tumatawag.

Loving Mr.NerdOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz