Chapter 59 Altruistic

188 8 2
                                    

Chapter 59 Altruistic

Krystal

"Goodmorning" Bati ko kay Luciel nang makita ko na naka upo na ito sa kama at hinihilot ang ulo nya. Ibinigay ko sakanya ang gamot at tubig tinignan nya muna ako bago tanggapin ang iniaabot ko.

"Kagabi—" Magsasalita pa lang sana si Luciel pero hindi ko ito pinatapos. "Walang nangyari kagabi" mabilis ko na sagot dito dahilan para tumingin ito sa'kin na nakakunot ang noo at naniningkit ang mata.

"Lasing ako,Oo. Pero kahit ganun naalala ko pa din lahat ng nangyari at sinabi ko kagabi Krystal" Seryoso ang pagkakasabi nya kaya naman iniiwas ko agad dito ang tingin ko dahil sa kaba na nararamdaman ko at isama na din ang hiya.

Kung ako ang tatanongin, ayoko na sanang pag-usapan pa 'yon...

Narinig ko pa na nagbuntong hininga ito "Seryoso ako sa sinabi ko Krystal. I want to marry you; I want it to happen as soon as possible" bago tumingin sa'kin na nagsusumano ang mga mata.

"I think we're going too fast Luciel, Ni mukang hindi mo man lang pinagiisipan ang mga sinasabi mo" sabi ko nalang dito bago lumabas sa kwarto na ginagamit namin. Pagkasarado ko nang pinto wala sa sarili na napasandal ako sa pinto, pakiramdam ko naubos ang lakas ko sa maikli naming paguusap...

"Kapag may pagkakataon ay sana makabalik kayo ulit dito" Sabi ni Nanay Jannah bago ako niyakap. Sunod naman na binalingan nito si Luciel na ngumiti din at saka niyakap ang kanyang Nanay nakita ko pa na naluluha ito bago kumalas sa pagkakayakap.

"Luciel ingatan mo itong mapapangasawa mo" sabi naman ni Tatay Obet na paniwalang-paniwala talaga sa kasinungalingan naming dalawa ni Luciel, naguilty naman ako kaya ngumiti ako dito bago niyakap "Maraming Salamat po 'tay" naluluha na sambit ko dahil kahit sa maikling panahon ay itinuring talaga nila akong anak, paano kung malaman nila ang totoo na hindi talaga kami mag Fiancée ni Luciel? Ganun pa din ba ang turing nila sa'kin?

Ngumiti lang naman si Alex sa'kin pero nakikita ko na naluluha din ang mga mata nya, naiintindihan ko na teenager sya kaya nahihiya syang maging affectionate sa amin ni Luciel. "Hayaan mo Alex, babalik ako dito sasamahan pa kita mag tiktok" Sambit ni Mikhaela bago inakbayan si Alex. Silang dalawa talaga ang close kaya naman hindi na ako nagtaka nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Alex.

"Let's go" Aya ni Luciel sa amin ni Mikhaela na agad naman naming sinunod, lumingon muna ako ulit ng huling beses sa pamilya ni Luciel bago sumakay sa Helicopter na magdadala sa amin pabalik sa Isla. Ako ang huling pumasok sa Helicopter at tumabi kay Luciel na himalang hindi katabi ni Mikhaela. Kanina pa ito tahimik at mukang sobrang lalim ng iniisip nya na hindi man lang nya ako nilingon kahit saglit.

Nagtatampo ba sya dahil sa pag ayaw ko sa proposal nya? Hindi ko nga alam kung matatawag yon na proposal!

Kaya naman parehas lang kaming nakahalukipkip sa buong byahe nakikita ko pa na sumusulyap si Mikhaela sa amin dahil siguro ay nagtataka ito dahil sa katahimikan naming dalawa.

Pagbaba ng helicopter nakakapagtaka na mukang nagkakagulo sa Isla. Tumingin naman ako kay Luciel at Mikhaela na mukang hindi man lang nagulat sa nasilayan at bumaba lang ng helicopter ng mahinahon at saka tumingin sa mga tao na nakapalibot sa amin habang nakatutok ang iba't ibang armas na dala ng mga ito.

"Luciel!" Nagulat ako ng merong sumigaw kaya naman napatingin ako sa pwesto nito at halos lumuwa na ang mata ko ng makita ko si Daddy na kasama si Ice sa likod nito at nakatutok din ang baril sa amin.

Andito na sila...

Makakauwi na ako...

pero bakit hindi ako masaya?

"Daddy!" Sigaw ko dahilan para makuha ko ang atensyon nito at akma ng tatakbo sa pwesto nito nang biglang merong mga braso na pumulupot sa leeg ko at naramdaman ko na merong malamig na bagay na nakatutok sa sintido ko.

"Not so fast Krystal" Malamig na bulong nito sa'kin.

"L-luciel why?" Halos hindi ko na ito na isatinig dahil sa bigat na meron sa dibdib ko na halos hindi ko na alam kung dahil ba sa pagkakasakal nya sa akin kaya hindi ako makahinga o dahil sa panloloko nito sa akin at nagawa nya akong tutokan ng baril na kahit kailan hindi ko naisip na magagawa nya.

Pagpapanggap lang ba ang mga ipinakita nya sa akin?

Ito ba talaga ang binabalak nya?

Bakit kami humantong sa ganito?

"Give me back my daughter Luciel! wala syang kinalaman dito, inosente sya sa lahat ng ito" Sabi ni daddy at nakita ko na unti-unti itong lumalakad sa pwesto namin.

Naramdaman ko naman na mas lalong idiniin ni Luciel ang baril na itinutok nya sa akin pero kahit ganun ay nararamdaman ko din ang panginginig ng kamay nito.

"What about Five? Hindi ba sya inosente?! Si Lolo?! Yes, hindi ito inosente pero he didn't deserve to die in your fucking hand!" Sigaw ni Luciel  kay daddy dahilan para matahimik ang paligid at halos hikbi nalang ni Mikhaela at Luciel ang naririnig.

Ayon ba ang dahilan kung bakit nya ito ginagawa?

He look so broken and vulnerable na halos inilagay nya na ang buong bigat nya sa akin.

"I did everything you asked just to prove myself to you, pero anong ginawa mo?! You killed my family!" Ang kaninang malungkot na mata ay unti-unting nagbago at pumalit ang galit.

Tumingin naman ako kay daddy at umaasa na umiling sya at ikaila na hindi nya talaga ito ginawa pero yumuko lang ito at hindi man lang nagsalita para ipaglaban ang sarili nya.

Hanggang sa dumating ang mga tauhan ni Luciel at halos ma outnumber nila ang mga tauhan ni daddy.

"Kill her, Luciel" Walang emosyon na sabi ni Mikhaela. Napahigpit naman ang kapit ni Luciel sa baril bago tumingin sa akin.

Nagkasalubong ang mga mata namin at nakita ko ang pagbabago ng emosyon ni Luciel at nawala ang galit at pag aalinlangan na lang ang nakikita ko.

Bakit pa sya nag aalinlangan?

"Forgive my father Luciel and I'll forgive you too" Sabi ko sakanya at ngumiti ng tipid saka pumikit at hinihintay na lang na iputok nya sa akin ang baril.

Hanggang sa marinig ko na nagbuntong hininga ito at unti-unting tinanggal ang braso nya na nakapulupot sa akin.

"Run to your family Krystal and never look back" Sabi nito sa akin habang nakatingin sa akin ng wala man lang kahit na anong emosyon na ipinapakita.

"What about our plan brother?" Sabi ni Mikhaela kay Luciel.

"I can't do it" Tipid na sagot ni Luciel.

Nakita ko naman na napayuko si Mikhaela at ang pagkuyom ng kamay nito.

"Then I should do it" Sagot nito at bigla nalang inagaw kay Luciel ang baril at itinutok nya ito sa akin.

"Mikhaela no!"

Ito na ba talaga ang kataposan?

"Krystal!"

A/N Hey guys sorry kung ngayon lang ako nakapag update hindi ko kasi nagagamit ngayon ang laptop ko dahil nakikigamit ang kapatid ko para sa Online Class nya.

Loving Mr.NerdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora