Chapter 33 Label?

390 9 4
                                    


Krystal POV

Hindi ko na imagine na mangyayari ito ngayon dahil parang kaganina lang nasasaktan ako noong nilagpasan nya lang ako at kasama nya si Rain.

Pero andito kami ngayong dalawa sa waiting shed savoring the moment na para bang ayaw na naming matapos ang araw na ito.

Walang bumabawi ng tingin sa aming dalawa at Naka ngiti lang kami ni nerd sa isa't isa na para bang meron kaming sariling mundo na kami lang ang nakakaalam.

Ibang-iba ang ngiti nya ngayon kung iku-kumpara kaganina. Hinawakan ko ang pisnge nya at hinawakan nya din naman ang kamay na ipinanghawak ko sa pisnge nya atsaka hinalikan habang naka tingin saakin.

Nabawi lang ang tingin ko sakanya ng may marinig kaming paparating na sasakyan.

Hanggang sa dumating ang driver ko na humingi ng pasensya dahil sa pagiging late nya.

"Sorry ma'am nasira po kasi ang sasakyan habang papunta ako dito—" O cut him off.

"It's okay" sabi ko dito na mukang nagtaka naman si manong dahil first time ko na hindi magalit sakanya.

Pasalamat sya maganda ang mood ko dahil dito sa lalaking kasama ko.

"So, paano ba yan? Kailangan mo na umalis" sabi nito dahilan para makuha nya ulit ng atensyon ko atsaka ngumuso.

Cute...

"Magkikita pa naman tayo" sabi ko nalang at lumayo na ng kaunti sa kanya at ngumiti.

Ibang-iba ngayon ang mata nya. Napakasaya nito tignan na para bang kumikinang. At masaya ako kasi ako ang dahilan nito.

Binuksan na ng driver ang kotse kaya naman nagsimula na akong humakbang doon. Pero bago pa man ako makasakay mabilis ako na bumalik at saka hinalikan sa pisnge si Nerd dahilan para manlaki ang mata nya sa gulat.

Mabilis naman akong sumakay sa kotse at umalis. Pero bago pa man maglaho sa paningin ko si nerd nakita ko pa sya na parang baliw na nagsasayaw ng pasimple. Dahilan para lumabas ang ngiti na kaganina ko pa pinipigilan.

....

Pagdating ko sa bahay nakita ko si Ice na mukang ayos na ang pakiramdan dahil nanonood na ulit sya ng paborito nyang anime.

"Hi brother, I'm home" sabi ko at lumapit sakanya saka humalik sa pisnge. Nakita ko naman ang pagtataka sa muka nya dahil sa ginawa ko.

"Anong nakain mo?" Tanong nito agad dahilan para matawa ako.

"Nothing" sabi ko at ngumiti. Meron pa sana syang sasabihin pero umalis na ako at umakyat sa kwarto.

Hinawakan ko ang cellphone ko at nag compose ng message kay nerd. Naka ilang beses akong nag type bago ko mapagpasyahan kung ano ang ise-send ko sakanya.

"What the hell!—wala nga pala akong number nya" Bulong ko sa sarili dahilan para mapa-face palm ako.

Kaya naman nakatitig lang ako sa kawalan ng biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Nerd.

"Hindi ko rin alam... basta ang alam ko lang hindi kita minahal kasi mayaman o maganda ka—"

"Hindi ko rin alam... basta ang alam ko lang hindi kita minahal kasi mayaman o maganda ka—"

Napakagat ako ng labi at saka kinuha ang unan na nasa tabi ko at itinakip ang muka ko atsaka ko pinakawalan yung tili na kaganina ko pa pinipigilan.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now