Chapter 42 Her Parents

306 11 8
                                    


KRYSTAL POV

Pagkatapos ng klase niyaya na ako ni Ice umuwi pero bago 'yon nag paalam muna ako kay Nerd na Aalis na ako.

Ngumiti sya saakin pero nahahalata padin ang pagod sa mata nya.

Kawawa naman ang baby loves ko...

Niyakap ko sya na mukang hindi nya inaasahan na gagawin ko lalo na at hindi naman talaga kami clingy sa isa't-isa.

Habang na kayakap ginamit ko ang isa ko na kamay para pisilin ang pisnge nya.

"Ikaw po pahinga,pag uwi baby loves huh" paba-baby ko na sabi dito na ikina-ngiti at iling nya.

"Aye aye captain!"sabi naman nito at ginaya pa yung sa Spongebob saka tumingin sa mata ko.

Naputol ang paglalandian namin ng bigla akong hilahin ni Ice palayo kay Nerd.

"Ang landi nyo" biglang sabi nito at binuksan na ang kotse para sumakay na ako.

Pero bago ako umalis hinila ni nerd ang braso ko at niyakap ako ulit. Sandali lang 'yon at kumalas na agad sya.

"Thank you love, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala ka" sabi nito at inalalayan na akong sumakay ng sasakyan.

Nakita ko din si Nerd na sumakay na sa Bike nya at kumaway pa saamin.

Habang nasa byahe tahimik lang kami ni Ice dahil may kanya-kanya kaming mundo.

Pag-uwi namin ang weird dahil bukas ang mga ilaw at pinto.

Oh god... nandito na ba sila?

At hindi nga ako nag ka mali ng makita ko si Mom and Dad sa Hapag kainan at tahimik na kumakain.

"Why are you two late?" Tanong ni Dad dahilan para mapaayos kami ni Ice.

Tumikhim muna si Ice bago mag salita.

"Late po nag palabas ang Teacher namin sa Last subject" sabi ni Ice bago umupo sa tabi ni Mom. At nag simula na din kaming kumain.

Yes, hindi kami sanay na yumayakap at humalik sa magulang namin. I dont know parang ang awkward. Ganto lang kami lagi pag umuuwi sila para ngang hindi sila umuuwi sa klase ng trato nila saamin ni Ice.

"So, Ice kamusta ang grades mo?" Biglang tanong ni Dad dahilan para mapalunok si Ice ng sarili nyang laway.

"O-okay lang— I mean mataas naman po Dad" sabi ni Ice. Here's a fact about dad ayaw na ayaw nya sa salitang okay lang gusto nya ng literal na sagot.

"How about you,Krystal?" Baling nito saakin.

"Mataas din po dad" May Confidence na sagot ko. Well, thanks to my lovable boyfriend na laging nandyan tuwing hindi ko naiintindihan ang lesson.

"Maliban sa grades Krystal baka may gusto ka pang sabihin samin" Sabi naman ni Mom dahilan para kabahan na ako.

Oh god, alam na ba nila ang tungkol kay Nerd?

"Wa-wala—"

"Don't lie" mabilis din namang sabi ni Dad dahilan para hindi ko na ituloy ang sasabihin ko. Nakita ko na umiiling si Ice pero wala na din namang sense kung ikakaila ko pa

"Fine, I have a boyfriend" sabi ko at mukang alam na nila dahil hindi man lang nabakasan ng pag kagulat ang muka nila.

"What's his name?" Tanong ni Dad.

"Seven Luciel" mabilis ko na sagot kay dad.

"Saang pamilya sya galing?"

"Wag na tayo maglokohan pa dad alam ko na alam nyo na ang buong pagkatao ni Luciel" sabi ni Ice dahilan para tignan sya ni Dad. Oh god Ice mas lalo mo lang akong pinahamak.

Padabog na binaba ni dad ang kutsara at tinidor at saka tumingin saakin.

"Stay away from that Promdi Boy, Krystal. wala kang mapapala sa lalaking 'yon. Baka nga pine-perahan ka lang 'non—"

"You don't know anything about Luciel dad! Hindi man sya mayaman pero mabait at matalino sya na tao at sigurado ako na hindi nya ako pineperahan dahil nakita ko kung gaano nya pinag hihirapan ang mga pera nya!" Sabi ko at hindi ko na mapigilan sumigaw at sagotin si dad.

"Krystal! Kailan ka pa natutong sumagot sa Daddy mo?!" Bigla namang singit ni Mom.

"Ayan ba? Ayan ba ang nakukuha mo sa lalaking 'yon?! Tapos na ang pag uusap natin. Hiwalayan mo ang lalaking 'yon or else..."

ayon ang huling sabi ni dad bago umalis. ngayon ko lang nakita ang sobrang galit sa mata ni Dad. But I don't care magalit na sya saakin pero wag nyang pag sasabihan ng masama si Nerd, he don't deserve that.

Mabilis din akong umalis sa lamesa at pumasok sa kwarto ko para mag kulong.

Pag pasok na pag pasok ko pa lang sa kwarto nag uunahan ng umagos ang mga luha ko.

Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Dad sa buhay ni Nerd panigurado na sisirain nya ito.Pero tangina hindi ko din kayang mawala si Nerd saakin sya ang nagpapasaya saakin at mag pakita na hindi pa huli ang lahat para magbago.

Kinuha ko ang laptop ko at tinignan ang wallpaper ko na kaming dalawa ni Nerd habang iniipitan nya ang buhok noong pumunta sya dito sa kwarto ko.

Mas lalo akong napapahagulhol tuwing naalala ko yung mga masasaya naming alala ng mag kasama.

Kakayanin ko ba?

Kaya ko bang makita syang umiyak ng dahil sakin?

Kaya ko bang dumagdag sa problema nya?

Kaya ko ba syang Iwasan?

Bigla akong napatigil ng biglang nag ring ang cellphone ko at makita na si Nerd ang tumatawag.

Mabilis ko pinunasan ang luha ko at sinagot ang tawag nya.

"H-Hello?"

"Hi love! alam ko na sinabi mo na mag pahinga ako pero kanina pa ako naka higa hindi naman ako maka tulog" sabi nya dahilan para tumulo na naman ang luha ko.

Hindi ko kaya...

"A-Anong gusto mong gawin ko?" Pataray ko na sabi para pag takpan ang ang lungkot at mga hikbi ko.

"Hala? Attitude, Pero Love pa din kita kahit ganyan ka. Tumawag lang ako kasi nami-miss kita pero mukang wala ka sa mood ngayon, may problema ba?"

Mukang nahahalata nya na napatakip nalang ako ng kamay ko sa bibig para mas pigilan pa ang hikbi ko.

"I'm sorry, pagod lang ako. bukas nalang tayo mag usap,Bye" hindi ko na hinintay na sumagot pa sya agad ko pinatay ang tawag dahil mukang hindi ko na kakayanin kung makausap ko pa sya....

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now