23

532 22 2
                                    

👓

Chapter 23:Only For Her

Luciel

2nd day ngayon ng Intramurals kaganina pa ako kinakabahan dahil mamaya na ang laban ko.

Gusto ko na mapanood nya ako pero malas ko lang dahil kasabay ng laro ko ay ang laro ni Ice.

At alam ko na mas pipiliin nya si Ice kaysa saakin.

Meron pa naman sigurong ibang pagkakataon.

"Seven Luciel Vs Kaizer Six Numerous of Archangel Academy Vs etc...." sabi saakin ni coach.

Sinasabi ngayon sa amin ni coach kung sino ang magiging posibleng makakalaban namin mamaya.

"Ayon lang at maka-ka alis na kayo" sabi ni coach kaya mabilis na nag kilosan ang mga swimmer.

Krystal POV

"Anong oras ang laro mo?" Tanong ko kay Ice.

"Mamayang 1:00"sabi nito saakin

"Sige punta ako" sabi ko dito tango lang ang sinagot nito kaya umalis na muna ako para maka pag-gala ditp sa university.

Hanggang sa nakita ko si Nerd na kakalabas lang galing sa gymnasium habang may naka sakbit na bag sa kanang balikat nya.

Teka may sport ba syang sinalihan?

"Simon!" Tawag ko dito pero mukang hindi nya narinig.

"Nerd!" Ngayon napatingin na sya saakin.

Lumapit ako sakanya at kita ko na naman ang pamumula ng tainga nya.

"May sports ka na sinalihan?"tanong ko dito mukang nagulat sya dahil sa pag approach ko sakanya.

"Ha? Ahh Oo" sabi nito at nag kamot pa sa batok nya na parang nahihiya.

"Ano?" Puno ng curiosity ko na tanong.

"Swimming" nalaki ang mata ko sa sinabi nya.Teka meron na palang swimming dito sa Academy?

"Ahhh ganun ba kailan ang laro mo?" Tanong ko ulit dito habang sinasabayan sya sa pag lakad.

"Mamayang ala-una manonood ka ba?" Sabi nito at ramdam ko yung saya sa tono ng boses nya napatigil ako ng sabihin nya kung anong oras ang laro.kasabay ng laro nya ang laro ni Ice.

"Sayang naman mag kasabay pala kayo ni Ice ng oras pasensya na nangako na kasi ako kay Ice na manonood ako ng laro nya--"

"N-nai-intindihan ko" sabi nito at ngumiti pero alam ko na disappointed sya sa sagot ko tapos na una na syang mag lakad.

Bakit pakiramdam ko bumigat ang dibdib ko ng makita ko ang disappointment sa muka nya na parang gusto ko umiyak?

12:50

12:50 na at nandito ako ngayon sa court para panoorin si Ice.

"Oh bakit ka nandito?" Buglang tanong ni Ice saakin pag kalapit na pagkalapit nya saakin.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now