Chapter 52 Kidnapped

216 5 0
                                    

Chapter 52 Kidnapped

Krystal

Teka? Bakit pakiramdam ko gumagalaw ang kama ko?

Unti unti ko na binuksan ang mata ko at bumungad saakin ang isang vintage style na kwarto na sure ako na hindi saakin.

Ano bang nangyare? Nasaan ako?

Umahon na ako galing sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa kama at saka inilagay ang kamay sa ulo para hilotin ito at isipin kung ano ba ang nangyare kagabi.

The event, The Auction, And the Old man...

Shet saan ako dinala ng matanda na yon?

Dali-dali naman akong tumayo pero pagtayo ko naramdaman ko na umalon.

F*ck nasa barko ba ako?
Para makumpirma ang iniisip ko sumilip ako sa bintana at bumungad saakin ang walang katapusan na dagat.

Bakit nya ako dinala dito?

Anong balak nya sakin?

Papatayin nya ba ako?

Naramdaman ko ang unti-unting panginginig ko dahil sa anxiety nagkakaroon ako ngayon ng nervous breakdown.

Hanggang sa marinig ko na merong yapak na papunta dito kaya naman dali-dali ko na kinuha ang isang vase na nasa malapit at saka nagtago sa likod ng pinto.

Nang mas lalong lumalakas ang yapak at naramdaman ko na tumigil na ito sa tapat ng pinto, mas lalo ko na isiniksik ang sarili ko para hindi ako makita nito at inihanda ang sarili sa paghampas sa taong nangahas na pumasok dito sa silid.
Nang makapasok na ito ng tuluyan, mabilis ko na ihinampas sa ulo nito ang vase na hawak ko dahilan para mabasag ito at bumagsak ang lalaki na pumasok sa kwarto ko.

Teka? Sino sya? Nasaan yung matanda?

Dahil nga padapa ang pagkakabagsak ng lalaki hindi ko Nakita ang muka nito.
Mabilis naman akong lumayo at tumakbo papunta sa deck para humanap ng tao na pwedeng tumulong sa akin ngunit nag hanap na ako sa buong yatch ay wala pa din akong nakita na kahit na anino man lang ng ibang tao. Mukang kami lang talaga ng lalaki na walang malay ang nandito sa yatch, kung ganun sya lang din ang pwede magbalik sakin?

Pagbalik ko sa silid agad akong naghanap ng pwedeng gamitin na tali, mahirap na baka magising yung lalaki. Kaya naman hinalughog ko ang bawat drawer at cabinet na meron dito sa silid hanggang sa may makita ako na isang packaging tape.

Pwede na siguro 'to?

Nang makuha ko na ito ay agad akong pumunta sa likod ng lalaki at saka itinali ang kamay at paa nito gamit ang packaging tape na nakita ko.

Dahil sa makapal at may kahabaan nitong buhok ay hindi ko agad makita ang muka nito dahilan para itaas ko pa ang buhok nito na tumatabing sa muka nya.

Pakiramdam ko nanlamig ang buo ko na katawan at sasabog ang mga emosyon na tumatago dahil sa sobrang pamilyar na muka na tumambad sa harap ko.

"Luciel" Banggit ko sa pangalan nito na para bang bago lamang ito sa pandinig ko. Ilang taon na din ang lumipas noong huli ko na binanggit ang pangalan nito.

Bakit sya nandito?

Anong kailangan nya sakin?

Sya ba ang dahilan kung bakit ako naririto?

Tauhan ba sya nung matanda?

Napaka dami na tanong ang pumasok sa isip ko at ang lalaki na nasa harap ko lamang ang makakasagot ng mga ito. Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko na haplosin ang muka nito na malaki na din ang ipinagbago, wala na ang mukang babyface at hindi makabasag na pingan nyang itsura at napalitan na ng slim at mapanganiban na awra.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now