19

541 18 1
                                    

👓

Chapter 19 Courtship

Luciel

"Kasi gusto kita, Kung akala mo na niloloko lang kita kahapon, pwes nagkakamali ka. Seryoso ako sayo, kaya sa ayaw o,sa gusto mo hindi mo ako mapipigilang manligaw."

"Ahhh!Nababaliw na nga ata ako!" Bigla ko na sigaw at saka ginulo ang buhok.

Ano na ngayon ang gagawin ko?

Hindi naman talaga ako marunong manligaw.

Wala pa akong nililigawan kahit isa kaya problemado talaga ako ngayon.

Kaya naman wala sa sarili na nalagay ko ang mga daliri ko sa bibig ko at saka kinagat ang kuko ng hinlalaki ko.

Bigyan ko kaya sya ng chocolate?

Wala akong pera para sa mamahalin na tsokolate...

Bulaklak kaya? Baka itapon nya lang.

O kaya kantahan ko nalang sya? Marunong naman ako mag gitara at kumanta pero nakakahiya!

Patulong kaya ako kila Pio?

Nakakahiya masyado na silang maraming na tulong saakin.

Tanongin ko kaya si Tatay?

Tama! Bakit ba hindi ko agad naisip yun?

Mabilis ko na kinuha ang cellphone ko at saka dinial ang number ni tatay.

Mabilis namin nitong sinagot ang tawag ko.

"Oh Anak bakit ka napatawag?" Ayan agad ang bungad saakin ni tatay. Hindi ba uso sakanya ang Hi at Hello?

Mabait si tatay para ngang... teka ano bang tawag doon? Bagets! Oo ayun nga.

"Ah Tay...mag papatulong kasi ako"

"Oh ano ba yun?"

"Paano nyo niligawan ang nanay?"

Pagkatapos ko itong tanongin bigla itong natahimik.

"Tay? Andyan pa ba kayo?"

"Ha? Ahh Oo, Naalala ko lang kasi yung mga pinaggagawa ko sa nanay mo hahaha teka bakit mo nga pala na tanong?May liligawan ka ba?"

"O-opo, hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. Kayo lang yung naisip ko na makakatulong saakin"

"Ganun ba? Alam mo kasi yung Nanay mo napaka-pakipot noon. Sekreto lang natin 'toh ha! alam ko naman na gusto nya din ako pero napaka-tigas nya talaga na halos ang dami ko nang nakakahiyang ginawa para sakanya pati nga magulang nya niligawan ko. Halos umabot din yun ng isang taon bago nya ako sagutin"

Isang taon ganun ka tagal?

"Pero ayos lang dahil sya na din ang nakatuluyan ko"

"Tay ang tanong ko kung paano kayo nanligaw? Hindi ko tinatanong kung gaano napaka-pakipot ni Nanay!"

Ang layo naman kasi ng sagot ni tatay sa tanong ko.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now