Chapter 44 Dirty Little Secret

225 7 5
                                    

Chapter 44 Dirty little secret

LUCIEL

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom marami ang napapatingin sakin dahil sa mata ko na pugto at buhok na hindi naka ayos. Pag dating sa room papalit palit ang tingin ng mga kaklase namin sa aming dalawa ni Krystal hindi ko pinansin ang mga ito at umupo sa pinaka likod at tumahimik lang sa isang tabi.

Ilang araw ang lumipas at mabilis na kumalat ang balita na hindi na kami ni Krystal kaya naman tuwing nagkakasama kami sa isang room tumatahimik ang lahat at nagiging awkward ang atmosphere. Lumayo na din muna ako kila Ice at madalas na nasa library lang madalas na din kaming mag katabi ni Rain habang nakikita ko naman na kinukulit ni Reygun Eight si Krystal.

Habang vacant kami nagulat ako ng lumapit sakin si Zia Quinn Bernardo, Nakakagulat kasi first time nya makipag usap sakin.

"Is it true? Hiwalay na kayo?" Tanong nito na may kasamang accent.

Tumango naman ako sakanya.

"You know, Pio really cares for you. Stop ignoring him napapansin ko kasi na nalulungkot sya sa anyayare sayo" sabi nito sakin at mukang nabubulol sa pag tatagalog nya.

Alam ko na mag kasama sila ni Pio sa iisang bahay nabanggit din minsan ni Pio na umamin sakanya si Zia na gusto sya nito 'yon nga lang bakla talaga si Pio kaya I feel really sorry for Zia.

"I'll try to talk to him pag hindi na masyadong awkward ang sitwasyon" sabi ko nalang na ikina tango nito ngumiti muna ito sakin na sinuklian ko naman atsaka sya umalis.

Hmm hindi mapagkakaila na maganda si Zia sayang lang talaga kasi sa Bakla pa sya nag kagusto.

Sa hindi inaasahan na pangyayari na huli ko si Krystal na masama na naka tingin sakin dahin para ibaling ko ang tingin ko sa katabi ko na si Rain na syang lagi ko na kasama. Nakita ko naman na meron syang kinakalikot sa phone nya. Nagulat ako ng bigla syang tumingin saakin kaya naman napa ngiti ako ng awkward sakanya dahilan para mapangiti din sya.

"Ikaw ha, You're invading my privacy" Sabi nito sakin na merong mapang-asar na muka.

"Hala, Hindi ha. Hindi ko naman tinignan sadyang Nakita ko lang talaga" pag de-depensa ko sa sarili ko.
Nagulat naman ako ng bigla nyang pisilin ang pisnge ko at tumawa ng Makita nya na namula ito. Napailing at napangiti nalang din ako sa ginawa nya.

Aminin ko man o hindi, Namiss ko si Rain...

Habang nakatingin ako kay Rain nagulat nalang ako ng merong papel na tumama sa muka ko dahilan para maalis ko ang tingin kay Rain at hanapin kung sino ang salarin. Nilibot ko ang tingin ko sa buong room hanggang sa Nakita ko na merong papel na hawak si Krystal sa kamay nya at seryosong mukang nag ta-take down notes. Kaya naman napailing nalang ako. Imposible...

Pagdating ng uwian mabilis na umalis ang mga Kaklase ko habang ako naman ay pupunta muna sa office ng mga SSG para icheck kung meron pa ba akong nakalimutan. Pero habang nag lalakad ako nagulat nalang ako ng merong biglang humila saakin at dinala ako sa Rooftop.

"Babylove—"

"Shut-up" sabi nya dahilan para mapatikom ako ng bibig at nagpatuloy lang din sa paglalakad.

Pagdating namin sa rooftop humarap ito saakin at hindi maipinta ang muka. Napangiti nalang ako dahil katulad noong nakaraan din na araw ganyan din lagi ang reaction na pinapakita nya saakin.

"Nakakainis ka" Panimula nito dahilan para mas lalo akong mapangiti.

"Bakit naman?" Painosente ko na tanong sakanya dahilan para mas lalo ding sumama ang timpla ng muka nya.

"Bakit kasi nakikipag tawanan ka kay Rain?!" sabi nya saakin.

"Sabi ko naman sayo na kaibigan ko lang si Rain, okay? Ikaw lang ang mahal ko" sabi ko dito Nakita ko naman na natigilan sya at bumuntong hininga.

"Ang hirap pala ng ganito, Na kailangan natin itago sa lahat ang meron sa ating dalawa. Kahit na gusto ko sabihin sa kanila na ako ang mahal mo, Hindi pwede" Sabi nya dahilan para mapabuntong hininga din ako.

Ganito kami lagi ni Krystal simula noong pag uusap namin. Nakumbinsi ko sya na palabasin nalang namin na nag hiwalay kami at gawing patago ang relasyon naming dalawa.

"I'm sorry kung naging mayaman lang sana ako  o kaya naman kung hindi ako ang minahal mo, hindi ka mahihirapan ng ganito" Sabi ko sakanya at hinawi ang mga buhok nya na nagtatabing sa napakagandang nyang muka.

"Wala akong pinagsisisihan nerd" sabi nya at hiwakan ang kamay ko at saka nya hinaplos sa pisnge nya.

Wala sa sariling napatingin ako sa oras at kinabahan ako ng halos mag a-ala singko na.
"Love, kailangan mo na umuwi siguradong hinahanap ka ni Ice" sabi ko dito dahilan para manlaki din ang mata nya at mukang na realize nya din kung anong oras na kaya naman dali dali syang tumayo at akmang aalis na ng nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa pisnge saka sumibat ng alis.

Napatunga-nga nalang ako dahil sa gulat at napangiti...

Isang buwan na ang lumipas at ganun lang lagi ang ginagawa namin ni Krystal. A-akto kami na parang hindi magkakilala sa harap ng lahat at pagkatapos ng araw magkikita kami sa rooftop para mag usap.

Hindi rin maiiwasan na mag away kaming dalawa dahil sa sitwasyon namin pero pagkatapos ng isang araw mag so-sorry kami sa isa't isa. Paulit-ulit lang na naging ganun ang routine namin at hindi ko alam kung kalian kami babalik sa dati.

Hindi ko alam kung may alam si Ice sa nangyayari saamin dahil simula ng sumama ulit ako sa grupo nila parang wala naming nagbago sa pakikitungo nya saakin.

Habang minsan naman nagiging awkward kami nila Pio kapag aksidente nilang nababanggit si Krystal o kaya naman kapag sumasama si Krystal samin. Napag desisyonan din kasin namin na mas maganda kung kaming dalawa lang halos ang makakaalam ng sekreto naming dahil magiging komplikado lang kung marami ang makakaalam at Kunting tiis nalang din naman at gra-graduate na din naman kami...

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now