11

666 24 1
                                    

👓

Chapter 11 Sam Guevarra

LUCIEL

"Hatid na kita Seven" Sabi ni Ice sa akin at ngumiti.

Nginitian ko din sya at napansin ko lang na first time nya akong tinawag sa pangalan ko.

"Sige ba—"

"So, Si Seven lang ang gusto mo ihatid? Paano naman kami aber?" biglang sabat ni Pio kasama si Henry at Sam with matching tango-tango pa si Henry na para bang sang ayon sya sa sinasabi ng pinsan nya.

Tinawag nya din akong Seven ngayon.

Anong himala ang meron sa araw na ito!

Napabuntong hininga nalang si Ice at saka kinuha na ang susi ng sasakyan nya.

"Seven gusto mong isama natin si Krystal?" sabi ni Pio na merong pangaasar na tono na naka pag pa-init sa tainga ko.

Kanina pa nila ako inaasar tungkol kay Krystal kaya ayan, wala kaming napala. Hindi sila natuto sa mga itinuro ko.

Pag uwi ko sa boarding house dumiretso agad ako sa kwarto ko.

Nakakahiya talaga!

Pakiramdam ko mas bakla pa ako kay Pio kanina!

Leche makapag sagot na nga lang ng mga equations sa math para mawala man lang kahit sandali ang kahihiyan sa katawan ko.

Busy ako sa pag sa-sagot ng biglang merong tumawag sa cellphone ko.

*INCOMING CALL*

Si nanay!

Mabilis ko na sinagot ang tawag baka kasi mag alala pa sila.

"Hello nay"

"Buti naman at sinagot mo ang tawag namin alam mo ba na nag aalala na kami sayo dahil hindi ka man lang tumatawag saamin nitong mga nakaraang araw jsbwkosnanakaksidjnxjccusjsoossuhdbdsjkaaoaiwuhsjsksksjxhchcuvhksoaoaoaoaucycyvhvjvjcoowoduduwkqkaoa.........."

halos wala na akong maintindihan sa sinabi ni nanay dahil para syang nag ra-rap na ewan.

"Teka nay kalma lang hinga ng malalim" Sabi ko at narinig ko na sinunod nya naman ang sinabi ko.

"Okay ka na 'nay?"

"Oo, okay na ako. Pasensya ka na, nag alala naman kasi kami ng tatay mo sayo"

"Naiintindihan ko naman 'nay"

"Ano kamusta ka na dyan anak?"

"Ayos lang naman po"

"Hindi ka ba nahihirapan dyan?"

"Nahihirapan po pero kailangan kong tiisin lalo na wala kayo dito sa tabi ko"

"Wag ka mag alala anak kapag nakatapos ka magagawa mo na ang mga gusto mo kaya tiis-tiis lang anak ha?"

Kung makapag tapos ba ako ng pag aaral makukuha ko si Krystal?

"Opo nay"

Loving Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon