Chapter 55 Chances

187 5 0
                                    

Chapter 55 Chances

Krystal

[ 091419 ]

Napanga-nga naman ako nang tumama nga ang password na hula ko, hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ayon pa din pala ang ginagamit nya na password.

Ito lang ba ang password na ginagamit nya sa mahabang panahon na hindi kami nagkita?

Kung ganun hindi nya talaga ako nakalimutan?

September 14 **19 ito ang araw na pinaka mahalaga sa aming dalawa dati dahil ito ang araw na nanalo sya sa eleksyon bilang president ng SSG at ang pagsagot ko sakanya ng Oo isama na din ang paliligo namin sa ulan.

Napangiti naman ako ng mapait ng maalala ko na naman ang mga ala-ala na 'yon. Geez na realize ko na hindi man lang kami nakapag anniversary pero kung umasta ako para namang ang tagal tagal naming naging magkarelasyon.

Pero wala naman sa tagal 'yon diba? Kundi sa mga ala-ala at pinaramdam na pagmamahal nyo sa isa't-isa.

Akala ko wala ng nakakagulat pa sa password nya pero halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang desktop wallpaper nya na picture naming dalawa noong prom na mukang stolen pa pero sobrang ganda ng pagkakakuha, Ito yung time na nagsasayaw kami habang tumutugtog ang request nya na kanta sa DJ.

Saan nya nakuha ang litrato na 'to?

Sinampal ko naman ng mahina ang muka ko para magising at bumalik ang pokus sa dapat ko na gawin.

Dapat hindi ako mag paepekto sa nakikita ko ngayon...

Tinurn on ka muna ang Location Detector at nakita ko na nasa maliit na isla kami sa Mindoro ngayon.

Sunod ko namang pinuntahan ang mail at saka nag compose agad ng message para kay Ice para maka hingi ng tulong at malaman nya kung nasaan ako dahil sya nalang ang pag asa ko na maka alis dito sa private island na 'to na hawak ni Luciel na sobrang pinapalibotan ng mga tauhan nya.

Sana naman makita agad ito ni Ice...

Dinelete ko naman agad ang mail noong nag send ito at saka tinanggal sa history lahat ng ginawa ko.

"Krystal!" Sigaw ni Luciel sa'kin nang makita ako na tahimik na nanonood sa sala at sakto na makita nya akong nanonood ng Sex scene sa isang Movie.

Bored ko naman itong tinignan kahit na nagtataka ako sa ina-akto nya "What?" tanong ko at nakipagtitigan sa mga mata nya na hanggang ngayon ay gandang-ganda pa din ako kahit na wala na itong emosyon na ipina-pakita.

Pagkatapos ng araw na naligo kami sa talon hindi na ulit kami nag pansinan dahil lagi syang wala dito sa masyon at iniiwan lang ako. Buti nga trinay ko mangalikot sa T.V at na discover ko na meron syang Netflix, kasi kung hindi, nabaliw na siguro ako kakakausap kay Coolitz.

"Bagohin mo ang pinapanood mo or Turn off that sh*t" sabi nito sa'kin dahilan para mapairap ako sakanya, minsan na nga lang sya mag pakita sa'kin sa dalawang linggo ko na pag stay dito sa mansyon nya, ganyan pa sya.

"Pati ba naman pinapanood ko papakialaman mo pa, mind your own business. Will you?" Sabi ko at tinaasan pa sya ng kilay at parang naghahamon.

Magdusa sya, pinili nya na kidnappin ako kaya magtiis sya kasama ako.

Naisip ko kasi na aasarin ko nalang sya hanggang sa maisip nya na ibalik nalang ako sa pamilya ko.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na you're my business, kaya sundin mo na ako agad bago ko pa magawa sayo ang ginagawa ng mga pinapanood mo" Sabi nito at saka tumaas ang isang gilid ng labi nya habang tinitignan ako mula paa hanggang ulo bago tumingin sa Flatscreen T.V na kasalukuyan pa ding nag pla-play ang Bed Scene.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now