4

845 36 5
                                    

👓

Chapter 4 Gentleman

Krystal

Breaktime na namin at katulad dati parang mga nakalabas sa hawla ang mga kaklase ko sa sobrang bilis lumabas sa room.

Akala mo naman mauubosan sila ng pagkain sa cafeteria.

Umalis na din si Jerry/Reygun kasama ang mga bago nyang tropa na lalaki.

Yung Rain naman ay tumayo na din sa upuan nya at lumakad papunta sa puwesto ko. Wait— tinignan ko kung saan sya nakatingin.

Kay Nerd?

"H-hi Seven! hindi ka ba lalabas para mag Breaktime? tara libre kita" sabi nito kay Nerd.

"Ahh si--"

"No, Sakin sya sasama. Ako ang unang nagyaya sakanya" Sabi ko na nakapagpakuha ng atensyon ni Rain at Nerd.

Tinignan ko si Nerd na mukang nagulat sa sinabi ko pero tinignan ko sya ng makisakay-ka look.

"Ahh S-sorry Rain N-nagusap kasi kami ni Krystal na sasabay ako sakanya" Sabi nito. Nakita ko ang lungkot sa mata ni Rain pero nginitian nya si Nerd.

"Ahh ganun ba sige sa susunod nalang" sabi nito at umalis na.

Ibinalik ni nerd ang tingin saakin.

"S-seryoso ka ba sa sinabi m--" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni nerd ayoko pa naman yung hindi naniniwala saakin.

"Bilisan mo na Simon baka magalit pa sapakin si Ice" sabi ko at hinila sya para tumayo.

"P-pero W-wala akong budget pang breaktime" Pabulong na sabi ni nerd.

"Hmm libre ko" Sabi ko sakanya.

"P-per-"

"No but's" sabi ko na nakapag patahimik sakanya.

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya papunta sa cafeteria baka kasi mahaba na ang pila.

Ayoko pa namang naghihintay.

Pagdating namin sa cafeteria nakita ko si Ice na kashare na naman sila Leah sa table.

Mukang naiirita na ito sa mga pinagsasabi ng dalawa habang si Leah naman ay tahimik lang at namu-mula.

"Simon ako na ang mag o-order pumunta ka nalang sa tabi nila Ice"

"H-hindi, Nakakahiya naman. Ililibre mo na nga ako ikaw pa ang o-order. napaka ungentleman ko naman kung ganun" sabi nya na nakapagpatulala saakin.

Ngayon lang ulit ako naka encounter ng lalaki na inaala ang pagiging gentleman nila.

"Hayst ganito nalang. Sabay tayong pumila sabay din tayong bumili" sabi ko na nakapagpatango sa kanya...

Pagkatapos naming umorder naglakad na kami papunta sa table nila Ice pero kung mamalasin ka nga naman nagkabunggoan kami ni Reygun the rat dahilan para matapon ang mga pagkain sa tray ko.

What thesayang yung pagkain ko!

Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko na gulo ang mangyayari.

"Look what you've done!" Sigaw nito at itinuro ang uniform nya na merong mga butil-butil na mantsa. Sobrang nahihiya naman ang uniform ko na kaninang puti ay naging orange dahil sa juice na natapon sa akin.

Tinignan ko sya ng masama at saka tinalikuran. Wala akong gana makipag away ngayon at nawalan na din ako ng gana kumain.

"Kinakausap pa kita!" sigaw nito sa akin dahilan para harapin ko ito at taasan ng kilay.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now