Chapter 54 Escape Plan

192 6 0
                                    

Chapter 54 Escape Plan

Krystal

Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang lalaki na 'yon na simula ng may tumawag sakanya kanina ay hindi ko na nakita pero kahit aninoman lang nito ay wala. Kanina pa ako naka simangot dahil sa pagkaboryo lalo na at lagkit na lagkit na ako sa sarili ko halos isang araw din akong hindi nakaligo, nakakainis.

Pumunta naman ako sa kwarto namin at nagbabaka sakaling may makitang pamalit para maka ligo ako, malaki ang kwarto na ito at napaka ganda pero dahil nga iritado ako ay hindi ko maappreciate ang nasa paligid ko at dali-daling binuksan ang walk-in closet, napangiti naman ako ng makakita ako ng mga damit na pambabae.

Mukang pinaghandaan nya talaga ang pagkidnap sakin.

Napakagat naman ako ng labi dahil sa naisip.

O baka naman madami lang talaga syang mga babae kaya naman may collection na sya ng mga damit ng mga ito?

Mabilis naman akong napa irip dahil sa na realize ko. Tinignan ko muna ang mga damit para ma check kung bago ba ito o nagamit na. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang mga price tag ng damit na nagsi-simbolo na bago ang mga ito.

Pumili lang ako ng isang cotton short at T-shirt pero napasimangot na naman ako ng makita na puro fitted ang T-shirt na meron dito kaya naman pumunta ako sa side ni Luciel at tumingin-tingin ng oversize shirt hanggang sa may makita akong shirt na light brown ang kulay kaya naman kinuha ko ito at pumasok na sa banyo. Nagulat naman ako ng makita na halos lahat ng product na ginagamit ko sa banyo ay meron din dito.

Hindi naman siguro ito isang coincidence?

Ini-stalk nya ba ako? Bakit sobrang dami nyang alam sa'kin?

Pagkatapos maligo ay chineck ko naman kung nandiyan na ba ang lalaki na 'yon pero mukang wala pa din at kahit ni isang tao ay wala akong makita na nandirito kaya naman naisip ko na pumunta sa office nito dahil sigurado ako na merong laptop o computer na pwede ko magamit para makausap sila Ice at malaman kung nasaan ako para makagawa ako ng plano para maka alis dito sa isla.

Nagpalinga-linga muna ako para makasigurado bago ko binuksan ang office nito na hindi na nakakagulat na sobrang ganda din ng interior. Napangiti naman ako nang hindi nga ako nagkamali na merong computer dito mabilis naman akong lumapit dito at umupo sa swivel chair at tinurn-on ang computer pero nahampas ko nalang ang noo ko ng makita ko na kailangan ng password ang computer nito bago mabuksan.

Nanlumo naman ako at napasandal na lang sa inu-upuan ko.

Think Krystal, Think...

Paano ko malalaman ang password nito?

Wait, What if iisa lang ang password ng phone nya at computer nya?

Well, ganun kasi ako. Pero kung totoo yon siguro ay madali ko lang 'yon malalaman kung di-dikit ako kay Luciel.

Napatango-tango naman ako sa sarili ko at saka tumayo na at akmang lalakad na ako palabas ng biglang nakaramdam ako ng hilo kaya naman napahawak ako sa ulo ko hanggang sa nanlambot ang katawan ko sabay ng pandi-dilim ng paningin ko...

"Krystal!" Nadinig ko pa na sigaw ni Luciel bago ako mawalan ng malay.

................

Nagising ako na may naamoy na mabango na pagkain habang komportable na naka upo si Luciel sa tabi ko at naka titig lang sa'kin.

"Mabuti naman at gising ka na, Ito kumain ka na" Sabi nito at ibinigay sakin ang maliit na tray na may laman na pagkain bago iniwas ang tingin sa'kin.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now