16

567 19 1
                                    

👓

Chapter 16 Nerd 2.0?

Krystal

"Oh my god hindi talaga ako makapaniwala"

"Kulang lang pala sya sa ayos"

"Crush ko na sya"

"Hindi nga? Sya yun?"

Pag pasok palang namin ni Ice sa school ayan na agad ang naririnig namin kesyo daw hindi sila makapaniwala, Na hindi ba daw sila namamalikmata, Na totoo ba daw talaga na kikita nila, Na crush na daw nila eh sino ba kasi ang tinutukoy nila?

Hindi naman sa chismosa ako o ano pa mang pangit na term, Curious lang talaga ako, ayon lang yun.

"Ice" tawag pansin ko dito pero naka headphone pala sya kaya hindi nya ako pinapansin at patuloy lang sa pag lalakad.

Habang naglalakad ako sa corridor merong isang lalaki na naka kuha ng atensyon ko.

Habang palapit ako ng palapit pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

Dahil nga nasa tapat sya ng classroom namin hindi ko ito maiiwasan.

"Krystal" Mahinang sambit ni Nerd sa pangalan ko.

Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko sa klase ng pagbigkas nya ng pangalan ko.

Hindi na sya na uutal ngayon.

Maayos din ang suot nya, At ang buhok nya ay maayos na at nakasuklay,Wala din syang salamin kaya nakikita ko talaga ang napakaganda nyang mata at ang muka nya dahil nga nag pagupit sya nakikita na ang kabuoan nito.

Ramdam ko na nag init ang pisngi ko dahil kanina pa pala ako naka tingin sakanya.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sakanya at pumasok na.

Nakita ko naman na nilapitan nya si Rain na nakatunganga din sakanya.

I just rolled my eyes on them.

Magsama sila...

Bakit naman kaya naisipan mag ayos ni nerd?

Dahil kay Rain?

Dapat hindi nya tinanggal ang salamin nya masyado kasing pansinin ang mata nya kaya marami na ngayong nakakakita...

Oh well wala naman akong paki-alam sa kanya.

Talaga lang?

Whatever...

Noong recess pinagkagulohan agad ng mga kaklase ko na babae si Nerd.

Mukang nahihirapan sya dahil pinapaiikotan sya ng mga ito kahit mga ibang section pumupunta din dito sa room para makita kung totoo nga ang chismis na ang School Nerd ay "gwapo" talaga.

Masyado nilang ginagawang Big Deal ang pag aayos ni nerd.

Hmm kung hindi kaya nag ayos si nerd lalapit pa din sila sa kanya? Sa tingin ko hindi.

Loving Mr.NerdOù les histoires vivent. Découvrez maintenant