12

618 22 1
                                    

👓

Chapter 12 To do list

Luciel

"Ahh bakit ang laki masyado nito?" Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at hinahawak hawakan ito kaunti.

Ngayong umaga ko lang napansin itong nasa ilong ko.

Ito ba ang sinasabi ni nanay na kapag inlove may tumutubo na—

Nagulat ako ng makita ko ang oras ng biglang dumapo ang tingin ko sa relo na suot ko.

Teka late na pala ako!mabilis ko na kinuha ang salamin ko sa isang tabi at ang mga gamit ko na katabi ng kama ko.

Pakiramdam ko ayokong pumasok pero wala akong choice kundi ang pumasok kung ayaw ko mawala ang scholarship ko.

"Wahahaha sh*t ano yan?!" sabi ni henry tapos dinuro yung bagay na nasa ilong ko.

"Hahaha halata masyado na inlove na inlove ka!" sabi naman ni pio at saka humagalpak din ng tawa.

Nakikita ko nga na namumula na sila kakatawa bawat tingin ba naman nila saakin ay nahagalpak sila ng tawa.

Habang ang dalawa naman ay tahimik lang pero nakikita ko na napapakagat ng labi si Ice at halatang nag pipigil din ng tawa.

"Ilabas mo na yan baka kung saan pa yan lumabas" seryosong biglang sambit ni Sam kay Ice.

Mas lalong lumakas ang hagalpak ng tatlo kasama na si Ice na hindi na talaga na pigilan.

"Hahaha Ang laki masyado ng pimple mo, Masyado ka naman atang inlove sa kapatid ko!" sabi ni Ice sakin at may pang asar pang tingin.

Pag katapos nilang pag tawanan ang napakalaking pimple sa ilong ko tumahimik na sila at bumalik na sa kani-kanilang upuan dahil malapit na mag simula ang klase.

Nang umalis sila ay saka ako  lumingon at tinignan sya.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko na naka tingin din sya sakin at nag kasalubong kami ng tingin.

Pero mabilis nya ding iniwas ang tingin nya at parang nag pipigil pa ng tawa.

Teka bakit?— Gunggong!

Nakalimutan ko yung malaking P sa ilong ko, mabilis ko itong tinakpan ng panyo ko at tumingin nalang sa sahig.

Nakakahiya...

Vacant ang pang huli naming subject ngayon kaya nag sasaya ang mga kaklase ko.

Nag uusap lang kami ng kung ano-ano ng bigla nalang nahagip ng mata ko si Krystal at si Otso, walo, eight for short si Reygun.

"Hoy baka matunaw"

Tapos naramdaman ko na may tumama na papel sa ulo ko.

"Masyado mo namang titigan si Krystal pabayaan mo hindi yan mawawala, Andito ang kapatid oh" Sabi ni Pio sabay turo pa kay Ice.

"Naku loverboy baka maunahan ka pa ni Reygun" Sabi naman ni Henry at saka itinuro si Krystal at Reygun na mukang nag kakatuwaan.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now