20

538 22 6
                                    

👓

Chapter 20 Courtship (Her)

Krystal

Day 1

Pag pasok ko sa room dumiretso agad ako sa upuan ko.

Nakakainis kasi si Ice ang bagal-bagal kumilos kalalaking tao ang bagal-bagal.

Bago ako umupo may napansin akong junkfood na naka lagay sa ibabaw ng table ng upuan ko.w

Clover...

Isang tao lang ang alam ko na kumakain ng ganitong Junk Food.

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin ang salarin na nag iwan ng pagkain nya sa table ko.

Naka tingin din pala ito saakin ilang minuto din ang tinigal ng titigan namin bago ko iiwas ang tingin ko.

Kinuha ko ang Junk food at may nakita ako papel na naka dikit dito.

Post It Note ang gamit nya kaya madali ko lang itong natanggal sa pagka-kakapit sa Junk food.

K
Kagandahan 'moy sinasamba.
Kaya't gusto kitang dalhin sa simbahan.

Napakagat ako sa iba-bang labi ko para mapigilan ang ngiti.

Bolero din pala ang lalaking 'yon?

Hindi ako mahilig sa tula pero kapag sya ang gagawa pakiramdam ko natutuwa ako na hindi na ako makapaghintay sa susunod.

Day 2

R
Ramdam mo din ba?
Ang napakabilis na pintig ng puso sa tuwing tayo ay nagtatagpo?

Ibig sabihin nararamdaman nya din?
Yung kaba?yung kuryente?yung panlalambot ng tuhod?yung init na umaakyat hanggang sa muka? Lahat ba yun nararamdaman nya din?

"Ano yan?" Biglang sulpot ni Ice at akmang kukuha ng chocolate mula sa binigay ni Nerd saakin kaya naman mabilis ko itong inilayo sakanya.

"Bumili ka ng sayo O kaya mag hanap ka ng manliligaw"

Day 3

Y
Yakap mo na nagbibigay init
Sa puso ko na nanlalamig.

Naka lagay ito sa isang stuff toy na medium size lang.

Stuff toy na mula sa Alvin and the Chipmunks.

Hindi ko mapigilan na mapakagat ng labi dahil sa sobrang corny ng mga sinasabi nya.

Simon...

He never failed to impress me.

Hindi ko namalayang yakap-yakap ko na ito hanggang sa makatulog ako.

Day 4

S
Sambitin mo lang ang tatlong salita.
Sasamahan na kita kahit saan.

Tatlong salita?

"Ang ganda ko" tatlong salita yun hindi ba?

"Hoy bakit ka dyan bumubulong?" Tanong ni Ice.

Inabot ko naman dito ang tula na sinulat ni nerd. Nagulat nalang ako ng bigla itong tumawa.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now