21

531 18 1
                                    

👓

Chapter 21 Intramurals

Krystal

Bukas na ang intramurals kaya naman lahat ng estudyante ay busy sa kanya-kanyang sports or club na sinalihan.

Kahit sila Leah, Andy, At Eliz na hindi kasali sa kahit anong sports ay busy dahil kasali sila sa...well hindi ko alam kung anong club 'yon. Journalism 'ata tawag doon? Whatever.

Basta busy sila mag interview sa mga players at wala ng ginawa kundi magsulat sa papel o magpicture ng kung ano-ano.

Kaya siguro hindi ko sila nakikita noong nakaraang araw.

Don't get me wrong, Hindi ko din naman sila gusto makita lalo na si Nerd na ginu-gulo ang utak ko.

Andito ako ngayon sa training room At inaayos ang mga gagamitin sa sports ko.

Archery ang sports ko kung hindi nyo alam. Simula kasi noong grade school palang ako tinuruan na agad ako ni dad ng Archery gusto nya kasing may mag mana man lang sa kanya ng sports na 'toh pero mas kinahiligan kasi ni Ice ang Basketball kaysa sa Archery kaya naman pinursige ni dad na ako na lang ang sumunod sa "yapak" nya.

Noong Una ayoko pero natutunan ko din itong mahalin.

"Hey" Tawag pansin saakin ng captain namin sa archery na si Trisha habang naka sandal sya sa pinto ng training room.

Kaganina pa naka alis ang ibang members ng archery dahil ayokong meron akong kasabay habang nag tra-training.

"What?" Sabi ko dito at hindi man lang tinaponan ng tingin dahil busy ako sa paglalagay ng chest guard at shooting gloves.

"Here's your uniform" sabi nito at binato saakin ang isang paper bag na mabilis ko namang sinalo.

Mamaya ko nalang siguro titignan ang laman nito...

Pag katapos ko na kunin ang mga palaso inilagay ko na ito sa quiver.

Kinuha ko na ang Bow at Quiver saka isinabit ito sa kanang balikat ko.

Karaniwang inilalagay ito sa waist pero mas sanay ako na isabit nalang sa balikat ko.

Pumwesto na ako sa line at inihanda ang sarili sa mga pag tira.

Bawat tira ko,tumatama ito sa bullseye.

Basic...

Nang maubos na ang palaso saka lang ako tumigil at naramdam ko ang pagod pero mas ramdam ko ang saya dahil wala na namang palya ang mga tira ko kahit na matagal na akong hindi nakaka paglaro.

Naka rinig ako ng malakas na palakpak galing kay Trisha with standing ovation pa.

Napa iling nalang ako at saka tinanggal na ang mga safety gears na suot ko at saka niyaya si Trisha na umalis na.

"Krystal mauna ka na,may pupuntahan pa kasi ako" sabi ni Trisha at pumunta sa ibang direksyon.

Intramurals

Loving Mr.NerdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora