Chapter 28 Jealous?

557 8 3
                                    


Chapter 28:Jealous?

Luciel POV

Andito kami ngayon sa likod ng puno at kitang-kita namin kung paano ni Yakap ni Otso,walo,eight si Krystal.

Pakiramdam ko may pumiga sa puso ko.

Anong meron sa kanila?

Gusto ba sya ni Krystal?

Meron bang "sila"?

Parang ang sakit sa mata.

"Bastard!" Biglang sabi ni Ice at saka akmang pupunta na sa kinaroroonan ni Krystal at otso,walo,eight mabilis naman itong pinigilan ni Pio/Pia.

Bakit naman nila pinigilan? Dapat pinabayaan nila!

Napailing nalang ako sa naiisip ko.

"Possessive Brother,eh?" Sabi naman ni Sam na kasama pala namin.

"I don't like him for my sister" sabi ulit ni Ice at kitang-kita sa muka nito ang pag ka-disgusto kay Otso,walo,eight.

"I agree" sabi naman ni Henry.

Yan ganyan nga,Tama yan!Tama!

"Bakit naman? Gwapo naman—" hindi na natuloy ni Pio ang sasabihin nya dahil sinamaan ito ng tingin ni Ice isama nyo na din ako.

"Sabi ko nga tatahimik na lang ako" tapos umakto pa itong parang zinipper ang bunganga nya.

"Ikaw ba,Luciel?Wala kang gagawin?" Tanong naman ni Henry.

Ano ba ang dapat ko na gawin?

"W-wala" mahina ko na sagot at saka ipinilig ang ulo sa ibang direksyon.

Wala naman kasi akong karapatan...

At ayon ang pinakamasakit sa lahat.

Ang daming pumapasok sa utak ko na gusto ko nang gawin.

Pero wala akong magawa,kasi wala namang "kami".

Hindi ko nga alam kung gusto nya din ba ako.

Walang kasiguradohan ang lahat ng ginagawa ko.

Ang sigurado lang ako ay gusto ko sya—hindi mahal ko na ata sya.

Napagdesisyonan ko nalang tumalikod at bumalik sa loob ng building.

Bawat lakad ko ay pahigpit ng pahigpit ang pagkuyom ng kamao ko.

Ito na naman ang ugali ko na hindi ko makontrol.

Noong nakaraan lang ulit ito na trigger noong nakita ko si Krystal na hinahawakan ng mga lasing.

Pinikit ko nalang ang mata ko ng mariin at saka kinalma ang sarili.

Ano bang nangyayari saakin?

*Krystal POV*

Damn that pervert!

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now