Chapter 35 Baby You're Perfect

374 7 2
                                    

Rain POV

"Before I end this Speech, I would like to Ask something to the Girl I Love"

Napangiti nalang ako ng mapait sa sinabi ni Luciel.

Habang nakikita ko ang ngiti nya habang papalapit sya kay Krystal gusto ko umiyak.

Habang papalapit sya sa pwesto ko gusto ko syang tanongin kung bakit hindi ako? Yon nga lang nilampasan nya lang ako...

Ayoko mang makita pero tuwing iniisip ko kung gaano sya kasaya kasama si Krystal nanghihinayang ako na hindi makita yon.

Nang makadating na sya sa pwesto ni Krystal nagulat ako ng biglang merong humarang sa unahan ko at naglagay ng napakalaking headphone sa tainga ko.

"But darling stay with me🎼"

Tinignan ko ang lalaking Epal na humarang saakin. At naglagay ng napakalaking headphone sa tainga ko.

Reygun Eight...

Nagulat ako ng biglang punasan nito ang pisnge ko na meron na palang tumutulong luha.

"Wag kang tanga" Sabi nito saakin.

Dahilan para mapatingin ako sa mata nya at ganun din sya saakin.

Alam ko na gusto nya si Krystal at ako? Mahal ko si Luciel. Kaya alam ko na nasa iisang bangka lang kami. Nakikita ko ang sakit sa mata nya dahil sa bawat ayieeh ng mga studyante parang isa itong Siren sa aming dalawa. Napakasakit sa tainga...

Nakaharang pa din sya saakin kaya hindi ko nakikita ang nangyayari.

Mas maganda na rin siguro 'to.

Hinawakan ko ang kamay nito at saka hinila sya palabas ng Auditorium. Pero bago ako lumabas sumulyap muna ako sandali at nakita ko yung napakasayang ngiti ng lalaking mahal ko. Meron talagang mga bagay na hindi saatin...

Paglabas ng Auditorium binitawan ko agad ang kamay ni Reygun at saka tinanggal ang Headphone nya.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa kanta ni Sam smith" sabi ko dito at ibinalik ang headphone sakanya.

"Pwede ba? Magpasalamat ka nalang" sabi nito saakin.

"Hindi ko naman hiniling sayo na gawin yon diba?"

"Kusang loob ang tawag doon! At saka pasalamat ka nga tinakpan kita kasi nakakahiya ka muka kang tanga na umiiyak habang lahat ay masaya" Sabi nito saakin dahilan para matahimik ako.

"Edi salamat!" Pasigaw ko na sabi sakanya.

"Aba ikaw pa may ganang magalit?!"

"Hindi ako galit! Muka ba akong galit?!" Sarcastic ko na sabi sakanya.

At saka nag walk-out, Bahala sya dyan...

Sa lahat ng tao na nandito sa School sya ang pinaka ayoko sa lahat. Hindi ko alam pero nayayabangan ako sakanya na para bang pagma-may ari nya ang lahat. Napakataas masyado ng self confidence nya grabe walang makakaabot palibhasa kasi mayaman kaya ganyan umasta.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now