Chapter 45 The Truth

248 8 2
                                    

Chapter 45 The truth

LUCIEL

Weekend ngayon kaya naman halos nandito lang ako at nakatambay sa Boarding House na tinutuloyan ko. Nagbabasa lang ako ng kung ano-ano ng biglang may kumatok sa pinto ko kaya naman dali-dali akong nag ayos ng sarili saka binuksan ang pinto. Isa sa mga ka boardmate ko at mukang hinihingal pa.

"May nag hahanap sayo sa labas" sabi nito kaya naman nagpasalamat ako dito at pumunta na sa labas. Napakunot ang noo ko ng masilayan ko ang isang magarang kotse sa labas na hindi naman pamilyar sakin.

Inayos ko muna ang salamin na suot ko bago lumapit dito. Merong lumabas sa driver seat at lumapit sakin.

"Ikaw ba si Seven Luciel?" Tanong nito dahilan para tumango ako.

Hindi ako makapag salita dahil parang pamilyar sakin ang muka nya.

"Sumama ka sakin" sabi nito at saka binuksan ang pintuan sa back seat. Pakiramdam ko tuloy isa akong modernong prinsepe sa sobrang haba ng kotse na ito pero ako lang ang naka sakay. Halos mga isang oras din ang naging byahe ng makarating kami sa isang mansion.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pakiramdam na 'to pero I feel home...

Magtatanong pa sana ako kung nasaan ako ng biglang lumabas sa napakalaking pinto ang isang pamilyar na matanda.

Teka-- Lolo ni Otso, walo, eight 'to ah!

"How are you iho?" tanong nito saakin. Kumurap-kurap muna ako bago ako sumagot dahil hindi talaga ako makapaniwala na kina kausap nya ako.

"O-okay lang naman po?" Nuutal ko na sagot pero ang totoo kinakabanan ako ngayon.

"Come with me" Sabi nito saakin saka tumalikod na at nagsimula ng maglakad papasok sa engrandeng mansion.

Pag pasok ko halos puro gold at jade lang ang nakikita ko sa buong mansion halos mga marmol ang lahat ng nandito. Kumikintab lahat kahit ang mga suot ng mga katulong ay parang mga mukang mayayaman din. Napayuko nalang ako dahil ramdam na ramdam ko ngayon ang pagiging dukha ko na hindi ko kahit kailan kinahiya.

"Mawalang galang na po, pero bakit nyo po ako pinapunta dito?" Pormal na tanong ko dito.

'You'll see" Maikling sagot lang nito kaya naman sumunod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa isang pinto na sobrang laki din katulad ng nasa entrance kanina pero ang pinag kaiba nito ay merong nakasulat dito.

NUMEROUS

Numerous?

Ito nanaman ang pamilyar na pakiramdam ko na kanina pa bumabagabag sakin na pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko at hindi ako makahinga.

Pagbukas ng pinto bumungad saakin ang isang napaka habang mesa muka itong yung mesa na ginagamit kapag may pagpupulong ang lahat ng presidente sa sobrang haba at laki pero hindi lang ito ang nakakuha ng atensyon ko. Kundi ang mga mata na lahat ay nakatingin saakin na bakas ang gulat at kasiyahan sa mga mata nila.

Anong meron?

"Umupo ka iho" sabi ng lolo ni Reygun Eight habang nakaturo sa isang bakanteng upuan na katabi lamang nito.

Habang naglalakad ako ramdam ko na naka masid lang lahat sila sakin dahilan para mailing ako at mapa yuko.

Kakahiya, naka short lang ako at T-shirt habang mga naka pormal na suot naman ang lahat na nandirito.

"Can all of you give us a minute?" Tukoy nito sa lahat ng tao na kasama naming. Mabilis naming nag si tayuan ang mga ito kaya naman naiwan kaming dalawa dito ng matanda.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now