8

693 27 2
                                    

👓

Chapter 8 Tutor

Luciel

"Luciel!" Mabilis naman akong lumingon kong sino ang tumawag saakin.

"Rain ikaw pala"sabi ko kay Rain at sinalubong sya ng ngiti.

Napatunga-nga naman sya sa akin at parang ang lalim ng iniisip.

"Rain yohoo" sabi ko at iwinagayway ang kamay ko sa tapat ng muka nya.

"Huh?" mukang bumalik na sya sa sarili nya.

"Nakatunga-nga ka kasi, Ano bang iniisip mo?" tanong ko sakanya.

"W-wala naisip ko lang na may quiz tayo mamaya" Sabi nya saakin bago iniiwas ang tingin.

Anong nangyari sakanya?

"Bakit naman namumula ang muka mo? may sakit ka ba?" Sabi ko at akmang hahawakan ko ang noo nya pero pinigilan nya ang kamay ko.

"Wala akong sakit mainit lang talaga" Sabi nya at ngumiti saakin.

"Ahh ganun ba? tara sabay na tayo papunta sa room"

"Sige ba" Sabi nya at nag simula na kaming mag lakad.

Aaminin ko maganda talaga si Rain. Pwede syang maging example ng filipina beauty.matangos ang ilong,matangkad,may pagka-morena. Madali din itong pakisamahan dahil napakabait nito kaya hindi nakapagtataka na maraming nag kakagusto sa kanya.

Marami kaming na pag kwentohan habang naglalakad madalas ay mga lesson at kung paano kami mag review.

Nang malapit na kami sa room ay nagulat ako ng bigla nya akong akbayan.

"Mag kaibigan na tayo ngayon hindi ba?" Tanong nya saakin na ikinagulat ko.

"H-huh? S-syempre naman" Sabi ko at ngumiti sakanya.

Hindi pa din nya tinatanggal ang pag kaka-akbay nya sa akin hanggang sa dumating kami sa room.

Pagtapak palang ng isa ko na paa sa room ay mabilis na hinanap ng mata ko si Krystal.

Nakaupo lang sya sa upuan nya at katulad ng dati mukang wala parin syang paki alam sa naka paligid sa kanya.

Hanggang sa ginala nya ang mata nya at sakto naman na nakatingin ako sa kanya kaya nakapagtitigan kami ng ilang segundo hindi ko mabasa ang emosyon nya pero hindi ito nakabawas ng kagandahan nya.

Hindi ko na malayan na may sumilay na palang ngiti sa labi ko ng makita ko sya. Pero laking dismaya ko ng samaan nya lang ako ng tingin.

Akala ko pa naman okay na kami...

Umupo ako sa tabi nya at umaasang kausapin nya ako o tignan man lang pero wala talaga.

Busy syang makipag usap kay otso/walo/eight.

Bakit nya ngayon kinakausap yan diba mag kaaway sila!?

Bakit sila mag kausap ngayon?!

Nasa cliche ba kaming libro!?

Yung tipo na mag kaaway sa una tapos sila ang mag kakatuluyan sa huli?

tapos ako ang magiging second lead ganun ba dahil ako ang mabait at sya naman ang bida dahil sya ang bad boy?!

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now