Chapter 40 Feels

255 8 5
                                    

LUCIEL POV

Naranasan nyo na ba yung okay zone? Yung hindi mo alam kung malungkot ka,masaya,galit,etc... yung para bang nakatunganga ka lang at iniisip kung ano ang nararamdaman at dapat maramdaman mo. Pero kapag tinanong ka namang ibang tao kung okay ka lang sasabihin mo Oo, pero patanong ang tono.

Kasi nararamdaman ko ngayon yon habang nakatunganga ako dito sa labas ng guidance. Tapos na akong kausapin ng principal at mismong guidance and guess what? Paulit-ulit nilang sinabi na They're Disappointed, I'm a disappointment.

Masakit, pero wala akong masabi to defend my self kasi kahit sino pa ang nauna, pinatulan ko pa din si Reygun at nag cause pa din kami ng scandal sa school lalo na at napakaraming tao.

Pero ang totoo nyan wala akong pakialam kahit sabihan pa nila ako ng masa sakit na salita kasi isang tao lang ang gusto ko na kampihan ako. Sa isang tao ko lang gusto I explain ang side ko but then hindi ko alam kung paano sya haharapin ngayon I feel really ashame.

Krystal

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng guidance at lumabas si Reygun Eight. Mukang na bangasan nga talaga naming dalawa ang muka ng isat-isa. May band aid ang ilong nya habang putok naman ang gilid ng labi ko.

Dapat pala kanina pa ako umalis dito.

Tinanggal ko nalang ang tingin ko sakanya at saka akmang aalis na ng may matanda na biglang dumating at may kasamang dalawang body guard sa likod. napakaganda ng tindig nito at merong nakakatakot na awra. Lolo ba sya ni Reygun? Naramdaman ko ang tensyon noong lumapit sya kay Reygun buti na lang at bigla nalang bumukas ulit ang pinto ang iniluwal ang guidance. Pinapasok nito ang lolo ni Reygun pero bago pumasok napansin nya ako.

Nakita ko ang pagkunot ng noo at pagiiba ng ekspresyon nito. Lalapit sana ito sakin ngunit mukang nagbago ang isip nya at may binulong na lang sa bodyguard nya.

Teka, papabugbog nya ba ako? Dahil nakipag suntukan ako sa apo nya?

Kaya naman itinuloy ko na ang balak ko at mabilis na umalis.

Pero pamilyar ang tao na 'yon...

Dahil nga kakatapos lang ng foundation day hindi parin nagka-klase dahil nililinis at tinatanggal pa ang mga  ginamit noong Foundation.

Nakakalungkot lang na simula kagabi ay hindi pa nag te-text si Krystal sakin.

Kaya naman napag pasyahan ko na hanapin sya at alam ko ang lugar kung saan sya pwede pumunta.

At hindi nga ako nag ka mali, nandito sya sa rooftop.

Umupo ako sa tabi nya ng wala man lang sinasabi at sumandal sa balikat nya.

"Are you okay?" Tanong nito na nag pabigat sa dibdib ko At nagpasikip sa lalamunan ko.

Alam nyo yung ang dami ng tao na nagtanong sakin nyan simula pa kagabi pero bakit ganun? nung sya na ang nagtanong parang ang hirap sagutin?

"N-no, Na realize ko kasi na parang sobrang nakakapagod ng buhay Na hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na nga maalala kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa ko pa ang mga ginagawa ko,para saan?"

Narinig ko syang bumuntong hininga bago mag salita.

"It's okay to feel tired but don't stop. Para sayo at sa pamilya mo ang ginagawa mo kaya laban lang" sabi nito  at ngumiti saakin.

And right now I feel so blessed, so blessed na nakaka overwhelm. Deserve ko ba talaga sya?

"I'm sorry kung ganto lang ako" sabi ko ng nasa mahina na tono pero alam ko na narinig nya.

"Anong ganto ako? Ganto lang ako ka gwapo?" Sabi nito at hinawakan ang dalawang pisnge ko.

"Ganto lang ako katalino?" sunod naman ay tinanggal nito ang glasses ko.

"Ganto lang ako kabait?" saka nya hinawakan ang Kaliwa ko na kamay at pinagsaklob ang mga kamay namin.

Ini-emphasized nya talaga ang lang sa bawat salita nya.

"Kasi kung ako sayo hindi ko ila-lang ang sarili ko. Kasi hindi lahat ng tao merong personality na ganyan" saka ito tumitig sa mata ko.

Ganda babae naman nito...

"Every seconds na kasama kita mas lalo kitang minamahal ng sobra, iniisip ko nga kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kapag nawala ka, natatakot ako na baka isang araw gumising ka nalang na hindi na ako ang gusto mo, baka iwan mo ako,baka—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinatigil nya ako.

Isinubo nya saakin ang maraming clover at kapag sinabi ko na marami sobrang dami talaga.

Teka saan nang galing yung clover?

"Ikaw ang pinili ko mahalin sa dami ng lalaki sa mundo, hindi kita iiwan kahit anong mangyari, hindi ako mananawa sayo hanggat gusto mo pa sakin hinding-hindi kita papakawalan nerd"
Sabi nya dahilan para mabilaukan ako.

Kinilig ako...sorry sa word pero tangina.

Mabilis nya akong pinainom ng tubig habang umi-iling pero nakangiti.

Parang mas babae pa ako kaysa sakanya. Pakiramdam ko nga namumula na ang tenga ko at ito ang pinaka ayoko kasi halatang-halata dahil Maputi ako.

Nakakatawa na isang tao lang ang magiging dahilan ng kasiyahan ko kahit na maraming tao ang nagpapalungkot sakin.

"Bakit nga pala hindi mo ako tinext o kinumusta man lang kagabi? Akala ko galit ka" tanong ko

"Wala lang, I want to give you Space para mapag isa at makapag isip-isip alam ko naman na frustrated ka" sagot nya.

Marami pa kaming pinag usapan simula noong kabataan namin, mga kalokohan at iniyakan namin.

Ang sarap lang na sya ang pahinga ko sa nakakapagod na mundong meron ako.

Napaka unpredictable nya na tao na bawat araw na kasama ko sya may natutuklasan ako na bago sakanya.

"What about your parents?" Tanong ni Krystal sakin.

"Hindi ko alam kung sino ang totoo ko na magulang"

"Sorry about that"

"Okay lang, saka masaya naman ako sa mga umampon saakin. Pinunan nila ang pagkukulang ng mga totoo ko na magulang para ngang sobra-sobra pa kasi minahal nila ako ng sobra" kwento ko dito.

"Ikaw? Kamusta ang parents mo?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Okay lang, busy sila lagi sa business kaya lumaki kami ni Ice na halos kaming dalawa lang lagi sa bahay. Si mom may pagka-control freak sya ng kunti habang si dad naman ay tahimik lang pero mas natatakot ako sakanya kaysa kay mom" kwento nya din saakin na nag pakaba saakin.

Ano kaya magiging reaction nila kapag nakilala nila ako?

"Magugustohan naman nila siguro ako,diba?" Tanong ko kay Krystal pero tumawa lang sya at hindi sumagot.

Silence means yes
Pero tumawa sya, ibig sabihin No?

************************************

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now