Chapter 36 Representative

330 8 1
                                    


Krystal POV

Nandito na naman kami sa school at katulad ng dati naging busy na naman si Nerd lalo na at malapit na ang celebration ng Foundation Day.

At ngayon nga nag tatalo ang mga kaklase ko kung anong booth ang gusto nila. While me? Nandito ako sa likod katabi si Ice na naka kunot na naman ang noo. Napapansin ko lang noong nakaraan pa sya nagkakaganyan.

"Hey" tawag pansin ko dito pero mukang masyadong malalim ang iniisip nito para pansinin ako. Kaya naman sinipa ko ang paa nito dahilan para mukuha ko din sa wakas ang atensyon nya.

"What?" Iritadong tanong nito saakin.

"What's wrong? Noong nakaraan ko pa nakikita na muka kang problemado" Sabi ko dito. Tinignan muna ako nito ng mataimtim bago sumagot.

"I found her"

"What?" Nagtataka ko na tanong sakanya.

Yon nga lang natigil ang pag uusap namin ng biglang naghiyawan ang mga kaklase ko. Okay, anong nangyayari? Bakit sila nakatingin saakin?

"Krystal, do you agree?" Tanong saakin ni Eliz.

"About what?"

"To be our representative in Ms. Foundation Day—" pero nang marinig ko palang na maging representative oh No no no

"Heck No!" Mabilis na pag ayaw ko.

"Opps. sorry, Nasulat ko na kasi ang pangalan mo hehehe" sabi ni Andy with her fake laugh. Dahilan para samaan ko sya ng tingin.

"Don't worry kung gusto mo si Luciel ang gagawin naming partner mo—"

"Nope,I think Luciel can't make it. Masyado syang busy bilang SSG president ngayon. So, I think we need to spare him" Sabi naman ni Rain dahilan para mapaisip ang mga kaklase ko.

Epal talaga nito kahit kailan.

"What about Reygun?" Suggestion pa ulit nito dahilan para mas lalong mapakunot ang noo ko.

"Mas lalong hindi!" Mas mabilis pa sa segundo ang pag ayaw ko.

Pero mukang wala silang pakialam.

"Do you agree, Reygun?" Tanong ni Rain dahilan para mapatingin kami kay Jerry na nakataas pa ang paa.

Please say No...

"Okay" pakiramdam ko merong imaginary na salamin sa utak ko na bigla nalang nabasag.

Narinig ko pa ang pasimpleng tawa ni Ice na parang may naiisip na hindi maganda.

"Wala ka ng magagawa Krystal, So lahat ay ayos na. Our Booth will be a wedding booth. While Krystal and Reygun will be our representative in Mr. And Ms. Foundation Day" sabi ng isang kaklase ko dahilan para mapaupo nalang ako.

What a lucky day...

Maya-maya din pinatawag na agad kami ni Reygun para sa Mr. & Ms. Foundation Day.

Marami pang sinabi yung bakla na head tungkol sa kung anong susuotin, kung kailan ang practice at kailan ito gaganapin. Kahit na ayoko wala akong choice kundi makinig. Pag ka dismissed nito saamin umalis na agad ako sa upuan kung saan katabi ko si Jerry na himalang ang tahimik ngayon.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now