Chapter 46 The past

237 9 1
                                    

Chapter 46 The past

"I Love you" sabi ni Krystal sakin bago umalis sa rooftop na lagi naming pinagkikitaan.

Kahit na nalaman ko na ang totoo ko na pamilya hindi ko muna ito sinabi kay Krystal dahil balak ko syang sorpesahin sa darating na Graduation naming. Gusto ko na magpakilala sa pamilya nya bilang Seven Luciel Numerous. Tuwing weekend pumupunta ako sa mansion ng mga Numerous para maka bonding si Sevenity.

Unti-unti ko din naalala ang ibang detalye sa kabataan ko dahil sa mga bagay at tao na dati ko na palang Nakita at nakasalamuha.

Habang naghihintay ako ng Jeep sa waiting shed nagulat ako ng merong mga lalaki ang humawak sakin at hinila ako sa isang Van. Trinay ko manlaban yon nga lang bago ako makagawa ng kahit na anong galaw merong humampas sa batok ko dahilan para mandilim ang paningin ko at bumagsak...


Napamulat ako bigla ng maramdaman ko na merong tubig na tumama sa muka ko.
Pinikit pikit ko muna ang mata ko para ma adjust ang mata ko sa liwanag hanggang sa maaninaw ko na ang tao na nasa harap ko.

"S-sino ka?" Tanong ko dito.

Nasa harap ko ngayon ang lalaki na hindi naman masyadong katandaan at naka Business Suit pa at nakatingin sakin na para bang isa akong napaka samang tao.

"You don't know me?" Tanong nito at mukang hindi natuwa sa sinabi ko.

"Hmm so Krystal didn't even have the guts to tell you who I am" sabi nito na para bang may na diskubre sya na isang fact.

T-teka sya ba tatay ni Krystal?
Napalunok ako ng sarili ko na laway ng marealize ko kung sino ang taong kausap ko ngayon at pakiramdam ko namutla ako.

Tangina di pa ako ready...

"I'm Luther Aren Vega the Father of Krystal"

"H-hello sir I'm Seven Luciel Adamson Ford—" Pero hindi pa ako tapos magpakilala ng bigla syang magsalita na kinagulat ko.

"Numerous, Seven Luciel Numerous. I know everything about you boy"

"H-how?"

"I was there, the night the boat sank"
Sabi nito dahilan para sumakit ang ulo ko at merong mga memories na nag flash sa isip ko...

Way back 2009
No one's POV

"Baby are you done?" Tanong ng magandang babae sa anak nito na nasa salas at nagdra-drawing. Meron itong baby bump sa tyan pero hindi ito nakabawas sa ganda ng babae.

"Yup" Sagot ng bata na nasa pitong gulang pa lamang atsaka ngumiti at pinakita ang mga ngipin nito na magaganda.

"Then what are we waiting for?" Pag dating naman ng isang lalaki na naka salamin at mukang sa unang tingin ay nakaka intimidate.

"Let's Go!" Hyper na saad ng bata kaya naman napangiti ang magulang nito. At tuluyan na nga nilang nilisan ang napaka laking mansion na tinitirhan nila para makapunta sa isang matagal-tagal na bakasyon.

Pagdating sa Pier Nakita agad nila ang isang napaka laking barko na nagsisimula ng magpapasok ng mga Elite na tao na katulad nila kaya naman mababakas sa muka ng bata na manghang mangha ito sa nakikita nito.

Habang nagmamasid sa paligid ang bata napansin nya naman ang isang lalaki na hindi naman gaanong kalayuan sa kanila ang naka titig at muka itong yung lalaki sa movie na napapanood ng bata na nag u-undercover at tinatawag na secret agent. Kaya naman kumaway ang bata dito at mukang nagulat naman ang lalaki pero kumaway din ito at saka biglang nawala na parang bula.

"Son, what are you staring at?" Biglang tanong ng ama ng bata at tumingin din sa direksyon ng tinitignan ng bata pero puro lang ito mga sasakyan na nasa kalsada.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now