14

575 23 2
                                    

👓

Chapter 14 Task

Luciel

Isang linggo na ang nakalipas simula nang sabihin ni Rain na gusto nya ako at ang awkward lang talaga dahil iniiwasan nya ako tuwing kakausapin ko sya, bigla nalang syang umaalis.

Para na din syang si Krystal, ang pinagkaiba nga lang hindi ako gusto ni Krystal.

"Oh Luciel anong ginagawa mo dyan?" Tanong saakin ni Ate Sab na kakagaling lang sa kusina.

Andito kasi ako sa sala at nakatunga-nga lang sa kawalan.

Naalala nyo ba sya? Sya yung landlady namin dito sa boarding house.

"Ahh wala naman"

"May problema ba luciel?" Nakita ko ang pag alala sa muka nya.

Close kami ni Ate Sab dahil sya lang naman ang ka kwentohan ko dito at yung asawa at anak nya na nasa trabaho at pasok ngayon.

"Pangit ba ako?" Hindi ko alam kung saan nanggaling sa isip ko ang sinabi ko kay Ate Sab.

Matagal akong tinignan ni Ate Sab Bago ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit mo natanong? Inlove ka noh? Kaya pala meron kang pimple noong mga nakaraang araw" sabi nito saakin na ikinapula ko napansin nya din pala yun.

Buti nga at wala na ang pimple na yun sa ilong ko.

Buti pa ang pimple ko nawala feelings ko kaya sakanya kailan mawawala?

"Hindi ka pangit Luciel kulang ka lang sa ayos masyado ka kasing busy sa pag aaral kaya hindi mo na napagtutuunan ng pansin ang sarili mo" Sabi ni Ate Sab sa akin.

"Sige Luciel, aalis na muna ako" paalam nito saakin at tuluyan na talagang umalis.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at pumasok sa kwarto ko.

Ang weird lang dahil mabilis akong pumunta ng banyo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Ayos lang naman ata hitsura ko, hindi ba?

Hinwakan ko ang buhok ko na mahaba at makapal na dahil noong isang taon pa ako huling nag pagupit.

Tapos t-shirt na pag kakalaki dahil hindi naman ako mahilig bumili ng damit kaya kinukuha ko nalang yung mga lumang damit ni tatay Obet.

Hayst ayos lang naman ang itsura ko ahh.

Lumabas na ako at umupo sa kama.

Kailangan ko ba talagang mag ayos?

Hanggang sa may nahagip ang mata ko na papel sa ibabaw ng table.

Tumayo ako at tinignan ang papel na nakatupi at saka ito binuklat.

"How to make Krystal Aren Vega Fall Deeply Inlove to Seven Luciel."

1.Makeover

Mukang wala na akong magagawa aminin ko man o hindi napabayaan ko na talaga ang sarili ko.

Dati noong elementary palang ako lagi akong pinanlalaban bilang escort pero pag dating ko ng high school hindi na ako pumayag sa kahit ano at itinuon ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral.

Loving Mr.NerdOù les histoires vivent. Découvrez maintenant