17

574 18 1
                                    

👓

Chapter 17 Asking Her

Luciel

"Sino ba sya?" Tanong nya bigla sakin.

"Ikaw"

Sh-t bakit ba hindi ako nag iisip? Nakakainis kasi, ang ganda nya kaya pakiramdam ko hindi ako makapag-isip ng maayos kapag kasama sya—For short na bo-bobo ako tuwing kasama sya.

"Huh?" Nakita ko ang gulat at pagtataka sa muka nya.

Nakakahiya gusto ko nalang tumakbo...

""I-ikaw nagustuhan mo ba ang pag a-ayos ko sa sarili ko?"

Ano ba naman 'yon! Ano nalang kaya ang iisipin nya sakin?

"Yes, you look good, it really suits you bulag lang talaga ang babaeng yun para hindi ka magustuhan"

Dahil sa sinabi nya pakiramdam ko uminit ang muka at tainga ko.

Totoo ba yun?

I look good daw! Hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi ko para mapigilan ang sobrang pag ngiti.

Napakasaya ko na halos ang hirap ng gumalaw at ipaliwanag ang nararamdaman ko.

Teka hindi naman sya bulag pero bakit hindi nya pa din ako nagugustuhan?

Narinig namin ang napakalakas na tunog ng bell.

Ano ba yan panira ng moment! Minsan na nga lang maganda ang mood nya.kakaunting oras pa ang binigay sa akin.

Kainis...

Nauna na syang umalis na hindi man lang nag papaalam.

"K-Krystal?" Sambit ko sa panglan nya dahilan para mapatigil sya sa paglalakad.

Naramdaman ko na nanginginig ang kamay ko. Ano ba naman 'toh kalalaki ko na tao para akong bakla kumilos.

"Bakit? May problema ba?" Tanong nito gamit ang napakalambot nya na boses.

Randam ko ang napakabilis na pintig ng puso ko dahil sakanya at ang tuhod ko pakiramdam ko na nanlalambot at yung mata nya, napaka totoo nito lalo na yung mga labi nya na walang bahid ng kahit anong lipstick pero halos kasing pula na ito ng mga rosas.

"P-pwede ba akong manligaw?"

Ayan ang gusto ko na itanong pero nanginginig ang labi ko at pakiramdam ko walang lalabas na kahit ano dito.

"Saan tayo may assignment?"

...

"Saan tayo may assignment?! Ano ba naman yan Luciel! Ano yun?! Bwahahaha sh*t seryoso ayon talaga ang tinanong mo?!" Dinig na Dinig ng mga nakakasabay namin sa paglakad ang pag tawa ni Pio at Henry.

Mabilis ko na tinakpan ang mga bunganga ng mga ito. Nang kumalma na sila inalis ko na ang kamay ko.

"Nakakadiri, Kamay talaga ang kailangan ipantakip?!" Pag burst out bigla ni Pio saakin.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now