Chapter 50 Coming back

255 5 3
                                    

Chapter 50 Coming back

Krystal

"What should I call you?" Sabi ko sa pusa at itinapat ito sa muka ko dahilan para makita ko ang mata nito na blue.
"Blue?" Wala itong reaksyon sa sinabi ko dahilan para mag suggest pa ako ng bago. "White nalang para opposite sa kulay mo?" Pero wala pa din itong reaksyon.

"What about Coolitz?" Muka namang natuwa ito at nagbalak pa na dilaan ang muka ko kaya naman binitawan ko na ito at hinayaan na gumala sa apartment ko.

Habang kumakain ako hindi ko inaalis ang tingin ko sa pusa na kanina pa gumagala sa Apartment ko.

"Property of 7? Galing ba sakanya ang pusa na 'to?" Bulong ko sa sarili ko.

Sinabunotan ko naman nang mahina ang sarili ko baka sakaling matauhan.

"Impossible, it's been years noong huli kaming nagkita, baka nga may asawa na 'yon" Sabi ko at tumango-tango pa na para bang pinapaniwala ko ang sarili ko.

Pero bakit 7?

Bakit, lahat ba ng Seven may kinalaman sakanya?

Err, Whatever, itutulog ko nalang siguro 'to...

After ng ilang weeks natapos ko na din lahat ng kailangan ko na gawin buti nalang merong branch ang hospital na pinapasukan sa manila kaya naging madali. Ang hindi lang naging madali ay ang pag pupumilit ni Alexander na sumama saakin papunta sa Pilipinas.

Gahd mas madali pa kausap ang bata kaysa sakanya.

"Meow" Napatingin ako sa dala-dala ko na pusa na mukang kanina pang hindi mapakali simula nang lumapag ang eroplano na sinasakyan naming dito sa Pilipinas.
"Tumahimik ka, Ang laki ng ginasto ko para sa passport mo" Sabi ko dito habang hinahanap si Ice na kanina pa hindi sumasagot sa tawag ko.

"KRYSTAL!" Nagulat ako nang Makita sila Leah kasama ni Ice at may hawak pang banner na naka baliktad.

Napangiti naman ako nang Makita silang lahat na masayang sumalubong saakin.
I was really surprise kasi halos hindi ko naman sila nakakausap this past few years pero nandito sila at naka ngiti sa akin.

"Hi Twin, I missed you" Sabi ni Ice at saka ako niyakap.

Nang kumalas na ito nagulat ako nang sabay-sabay na yumakap saakin sila Andy,Eliz at Leah.

"ISTAL NA MISS KA NAMIN!" natawa naman ako nang marinig ko ang nickname na tinatawag nila saakin dati.

"Namiss ko din kayong lahat" sabi ko at ngumiti sa mga ito.

Habang nasa byahe kanina pa kami nag kwe-kwetohan nila Leah tungkol sa mga nangyari saamin.

"Well, sobrang hirap lalo na at wala akong kahit anong privacy. Dumating nga sa time na sobra na akong napa-paranoid pakiramdam ko kasi lahing may mga paparazzi nan aka sunod sakin" Sabi ni Leah.

Natanong ko kasi kung ano ang pakiramdam na maging sikat na artista at modelo, kanina ko pa kasi nakikita ang muka nya nan aka paskil sa karamihan ng billboard na nadaraanan namin. Ilang taon na din sila ni Ice, hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nag pro-propose si Ice sakanya.

Habang si Eliz naman ay naging Architect at nagtra-trabaho sa sikat na firm dito sa bansa and ang nakakagulat sa lahat ay fiancé nya na si Henry. IMAGINE?! Sila palang dalawa?
And last but not the least, Si Andy, isa na syang business woman buti na nga lang daw at nasiksik nya ito sa schedule nya.

Pare-parehas naman kaming napairap sa sinabi nya bago sabay-sabay na nagtawanan.

Pagkadating namin sa bahay mukang walang tao dahil sa sobrang tahimik. Walang mga guard at hardinero na pakalat-kalat at walang mga maid na sumalubong samin.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now