Chapter 26 Knight In Shining Glasses

441 8 1
                                    


Chapter 25:Knight In Shining Glasses.

Krystal POV
"Bitawan nyo sya!" Biglang may sumigaw sa likod ko dahilan para mapatingin ang mga lasing sa kanya kasama na ako.

Dahil nga mangiyak-ngiyak na ako malabo na ang paningin ko kaya hindi ko masyadong maaninaw kung sino ba ang tao na ito.

"Bata maganda siguro kung umalis ka nalang,pabayaan mo na kami dito" sabi naman ng lasing tapos dinuro pa nito ang lalaki.

"Magbi-bilang ako hanggang lima,kapag ito pumatak sa lima at hindi pa rin kayo umaalis sisiguradohin ko na patay kayo"

"Pinapatawa mo ba kami bata?!"

"Isa"

"Aba—"

"Dalawa"

"Anong akala mo matatakot kami sa numero?!"

"Tatlo"

"Muka ka namang lampa bata!"

"Apat"

"Hindi mo kami matatakot"

"Lima...binigyan ko kayo ng pagkakataon,pero hindi nyo ako sinunod" sabi nito at unti-unting naglakad palapit sa kinakatayoan namin.

Unti-unti ko ng na aaninag ang salamin at muka nya.

"N-nerd" sambit ko na halos hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Ibang-iba ang awra nya ngayon,naalala ko noong nasa canteen kami at sya ang natapunan ni Jerry ng juice,pero mas nakakatakot sya ngayon.

"Sinong gustong ma-una?" Tanong nito at saka ngumiti ng nakakaloko,pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko sa pag ngiti nya.

Binitawan naman ng lalaki ang braso ko at saka sumugod kay nerd wala kahirap-hirap na nasuntok ng lalaki si nerd.

"Wala ka pala bata!" Kutya pa nito kay nerd.

Hinawakan naman ni Nerd ang panga nya at saka pinunasan ang dugo na tumulo galing sa labi nya na para bang wala lang ito sa kanya.

Tinignan nya ng matalim ang lalaki at sa hindi inaasahang pagkakataon.pinilipit nya ang mga braso ng lalaki at inilagay ang braso nito sa likod.

"Ahhh" napasigaw ang lalaki sa sakit dahil sa pagkakapilipit ng braso nya.

At saka naman sinipa ni nerd ang tuhod ng lalaki dahilan para mapaluhod ito.

Sunod naman ay hinampas nito ang batok ng lalaki dahilan para mawalan ito ng malay.

Muka namang nagulat ang mga lalaki pero hindi sila nagpatinig at sabay-sabay ng sumugod kay nerd.

Walang hirap nyang nilabanan ang mga ito hanggang sa nakita ko na may nilabas na balisong ang isang lalaki.

Oh god...

Mabilis ko na kinuha ang upuan na gawa sa plastic at saka hinampas ang lalaki na may hawak ng balisong dahilan para mawalan din sya ng malay.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now