Chapter 60 Piece by piece

Start from the beginning
                                    

"This is a Jade Vine, it's one of rarest flower in the world that you can only be found here in the Philippines" Sabi nito bago ibinigay ang atensyon sa akin at tinitigan ako ng taimtim sa mata.

"I'll give you a chance to pick it, will you do it?" Tanong nito.

Nagugulumihanan ko itong tinitigan dahil hindi ko maintindihan kung bakit nya ginagawa ang mga ito. Pero ang seryoso na muka lang nito ang bumungad sa paningin ko kaya naman bumuntong hininga nalang ako bago sumagot.

"Totoong napakaganda nito na kahit sino ay maghahangad na makuha ito...maliban sakin." Panimula ko habang tinitignan ng taimtim ang nag iisa na bulaklak.

"Alam ko na ang ganitong klase na ganda ay dapat na hinahangaan at hindi inaangkin, Dahil kapag kinuha mo ito ay panandalian lang itong magiging maganda ngunit malalanta lang ito katagalan at mamatay and it will be such a waste kung mangyayari 'yon" Sagot ko dito.

May ideya na ako kung ano ang gusto nya iparating pero gusto ko marinig ito mismo galing sa mga labi nya.

"Katulad ni Krystal ang bulaklak na ito, tama ba ako?" Tanong ko dito. Muka naman itong nagulat at pagkatapos ay ngumiti ng tipid.

"Tama ka, Kilala ko ang anak ko. Napaka impulsive nya na bata lagi nyang sinusunod ang kung anong alam nya na tama para sa sarili nya. Wala naman akong pakialam kung mahirap ka, Ang ayoko lang ay masangkot ang anak ko sa gulo ng totoo mo na pagkatao. Akala ko kapag inilayo kita sa pamilya ng ama mo ay hindi ka na nila mahahanap pa pero mukang hindi talaga natin mababago ang nakatakda. Sinayang lang ng ama mo ang buhay nya para sa wala." Mahabang litanya nito sakin.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Nagagalit ba ako? Dahil naiintindihan ko ang sinasabi nito. Malulungkot? dahil para bang wala akong kahit anong pagpipilian kundi isuko ang nararamdaman ko.

"Bilang ama sana maintindihan mo ang sinasabi ko. Habang maaga pa ay lumayo ka na sa anak ko, kung talagang mahal mo sya ay hindi mo sya ilalagay sa alanganin na sitwasyon" Tumingin ito sa akin na may pagmamakaawa sa mata kahit na tanyag na tanyag ito sa pagtayo ay kasalungat naman ito ng ipinapakita nya na ekspresyon.

"Wala na bang iba pang paraan para kami pa din ni Krystal sa huli? Hindi po kasi ako naniniwala sa reincarnation. Gusto ko po mahalin ang anak nyo sa panahon at buhay na meron ako ngayon" Sabi ko dito na natatawa para pagaanin ang sitwasyon pero seryoso ako sa sinabi ko.

Napailing naman ito sa sinabi ko bago lumakad pabalik sa pinangalingan namin kanina.

Nakita ko naman na dinadala na nito ako palabas pero bago iyon ay bigla itong tumigil.

"Meron..." Sabi nito pero mukang nag aalinlangan pa ito kung sasabihin ba nito o hindi.

Para namang na apoyan ulit ang puso ko dahil sa biglang pag sindi ng pag asa.

"Kung matutulungan mo ako na pabagsakin ang pamilya na kinabibilangan mo" Sabi nito dahilan para mapatigil ako sa paglakad at hindi makapaniwala na tinignan ito para makita kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nya.

Gusto nya na kalabanin ko ang sarili ko na pamilya?

Ilang araw pagkatapos ng pag uusap namin sinadya ko na hindi makipag kita kay Krystal sa rooftop dahil alam ko na isang tingin ko lang sakanya ay baka hindi na ako makapag isip at tanggapin na lang ang deal na tinutukoy ng daddy nya.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now