# 7 [1.26.2013] part 2

3.6K 88 29
                                    

# 7

[1.26.2012]

19th entry



TUMINGIN ako sa taong katabi ko ngayon sa sakayan. Kanina pa kami nakalabas ng pamilihan pero hanggang ngayon, hindi pa rin kami nakakakuha ng masasakyan dito sa national road. Naaasiwa ako na naiinis dahil sa kasama ko. Idagdag pang tumitirik na ang araw at wala kaming magawa kundi ang saluhin ang parusang init na ibinibigay nito.

Bitbit niya ang mga pinamili ko sa kaliwa niyang kamay. Sa kanan naman ay hawak - hawak niya ang plastik na siyang pinamili niya. 


"Akin na yan. Hindi ko naman kasi sinabing bitbitin mo yung sakin e."

Hindi niya ko sinagot. Nakatingin pa rin siya sa mga dumaraang sasakyan at malamang, piping umaasa na sana may bakanteng taxi na mapadaan sa tapat naming dalawa.

"Hoy, bingi ka ba? Sabi ko, akin na yang mga pinamili ko."

Hindi pa rin siya sumagot. Sa puntong ito, tumingin lang siya sakin at ngumiti ng nakakaloko.  Yung ngiting mapang - asar na alam mo namang hindi totoo dahil labi lang ang gumalaw sa kanya at hindi kasamang ngumiti yung mga mata?

Napilitan tuloy akong agawin sa kamay niya yung mga supot. Pero kung mamalasin ka nga naman talaga, malakas siya at sadyang tuso. Pilit niyang inilalayo sakin yung mga pinamili ko, kayang - kaya niya ring itaas ang mga ito, na siyang ikinagulat ko dahil nga nakaya niyang gawin iyon sa kabila ng katotohanang marami yung mga pinamili ko. Kada bubuwelo ako para kunin sa kanya yung mga supot, naitataas niya agad ang mga ito. Hindi ko tuloy makuha yung para sakin.

Patuloy pa rin kaming dalawa sa pag - aagawan. Hindi na namin napansin na may taxing huminto sa tabi ng daan.

"Ano, hindi mo naman pala kayang agawin sakin e. Wala 'to. Weak. Tsk. Tsk." nakatawang pang - aasar pa niya sakin.

"Magtigil ka nga. Napaka - ano mo talaga kahit kailan! Naku Arcane Trace kung ako lang ang masusunod--"


"Sasakay ba kayong dalawa o maghaharutan pa rin kayo diyan?"



Sumakay na kami dahil nga mukhang nainip si Manong sa panonood samin. Kasalanan ko rin naman kasi, hindi ko agad napansin na kanina pa pala siya nakahinto at nakatingin saming dalawa. Sa isang banda, kasalanan lahat ito ni Arcane Trace. Kung hindi sana siya asal - hayop at ugaling - bata, e di sana kanina pa kami nakasakay.

Hindi namin inaasahan na sasalabungin kami ng matinding .. ewan ko kung matatawag nga bang kamalasan, pero siguro, ganoon nga. Sa kalagitnaan ng byahe naming dalawa, biglang tumirik yung sasakyan. Malayu - layo pa naman kami doon sa subdivision kung saan ako nakatira.

"Boss, ano bang nangyari? Bakit tayo tumirik?" tanong ni Arcane Trace doon kay Manong.

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon