2:03 p.m

5.3K 150 16
                                    

***

2:03 p.m

 

***

 

MATAPOS yung sandaling ‘yun, sobrang gaan ng pakiramdam ko. Sobrang gaan dahil alam kong nakatulong ako sa kapwa ko, sa kanya. Sobrang gaan dahil alam kong natulungan ko siya, at natulungan kong ibsan yung sakit na nararamdaman niya.

Sana, ganon din siya. Sana, gumaan kahit papano yung pakiramdam niya. Sana, nakatulong ako para magbago na siya pati ang mga pananaw niya.

 

Magkasama kaming lumabas ng hidden paradise. Nagkatawanan pa nga kami habang naglalakad papuntang garden dahil parehong namumugto yung mga mata namin. Mukhang tanga lang.

“Rio, salamat.”

 

“Alam mo Tey, wala yun. Tsaka, mas sasaya ako kung ‘yang pasasalamat mo e sasamahan mo pa ng ngiti.”

 

“Eh—“

 

“Uy, ngingiti na ‘yan. Ngiti na, dali. Wala namang mawawala e.” Pangungulit ko sa kanya.

 

Nong una, medyo nagaalangan pa siya e. Para kasing naaasiwa siya na hindi mo maintindihan. Pero kinalaunan ..

“Pano ba, ganito?!” Ngumiti siya ng pilit na siyang ikinatawa ko.

“Mali naman yan e! Dapat yung bukal sa puso mo. Okey lang kahit hindi na lumabas yang ngipin mo. Mas maganda nga kung tago ‘yan e.”

 

“Eh pano ba kasi?! Turuan mo nga ko.”

 

“Ganito lang oh.” Pagkatapos, nginitian ko siya.

Yung ngiti na para sakin, normal lang. Yung ngiti na alam kong hindi makakapagpabago ng takbo ng buhay ng isang tao. Yung ngiti ng isang ordinaryong tao na wala namang kakayahang baguhin ang mundo.  Pero, yun yung ngiti na ibinibigay ko sa mga taong alam kong kaya kong pamahagian ng pag – asa, para patuloy pa rin silang maniwala sa mga hiwaga at regalo ng buhay na ibinigay ng Diyos, na ibinigay Niya.

Tiningnan niya ko. Nagtama yung mga mata namin.

Lord, bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko?

 

Nagulat ako dahil matapos ang sandaling ‘yun,

E hinawakan niya yung mga kamay ko.

***

“Uuyyy, si ate Leeyow at kuya TG, magkaholding hands.”

 

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now