Zero.

7.3K 188 33
                                    

Zero.

 

***

SERYOSO. Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya sakin. Hindi ko naman kasi akalaing nandoon din pala siya at kanina pa nakikinig sa mga sinasabi ko. Buti na lang, iilang sentence pa lang ang nababanggit ko dahil baka tuluyan na niyang isipin na may sira talaga ako sa ulo.

Nakakahiya. Nakakawala ng dignidad.

“K-kanina ka paba diyan?!” Tanong ko sa kanya. Nakakahiya, nagkanda – utal – utal pa ko.

“Bakit ka namumula?! Naistorbo ko ba ang ‘me’ time mo?!”

 

Kung ano pa yung hindi ko inaasahang isasagot niya, yun pa yung sinabi niya sakin.

“Ah—eh,  hindi naman.”

Ibinalik ko na lang yung tingin ko doon sa ginagawa ko kahit na naaasiwa ako sa kanya. Medyo delikado kasi to e. Mabusising gawin, kaya dapat, tutok ka para maging maganda yung kalalabasan.

 

Alam ko sa sarili kong namumula na ko dahil sa hiya. Pero, bukod doon, parang may iba pang idinidikta yung utak ko. Parang may ipinapahiwatig na kung ano.

Bakit parang masaya ata ko dahil nakita ko siya?! Dahil nasa iisang lugar siya kasama ko?!

“Para san yang ginagawa mo?! Para sa mga batang nagugutom?!”

Napatingin tuloy ako ng di - oras sa kanya dahil sa gulat. Halos katabi ko na siya sa bench na kinauupuan ko ng di ko namamalayan.

Ano ba naman ‘tong taong ‘to. Napaka – unpredictable. Sa totoo lang, hindi ko malaman – laman kung nagbibiro ba siya o seryoso dahil walang pinagkaiba yung facial expression niya sa mga emosyong binanggit ko. O baka naman talagang curious lang siya.

“H-hindi. Para sa project namin ‘to.”

“Kakaiba namang project ‘yan. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klase.”

 

Hay Lord. Ayoko po sanang mainis, pero mukhang unti – unti na pong maglalaho yung saya gawa ng pagkakakita ko sa kanya. Lord, bigyan niyo po sana ako ng mas mahabang pasensya para naman matagalan ko pa siyang kausapin.

Ito na ba Lord yung pagkakataon na hinihiling ko po sa Inyo?!

Kung ito na nga po, maraming - marami pong salamat.

Gusto ko po talaga siyang makilala.

 

“Kakaiba talaga. Kami lang ang may project na ganito e.” Nakangiti kong sagot habang nakatingin sa kanya.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now