TG.

6.1K 166 35
                                    

TG.

 

***

 

NAMUMULA ata ako. Hindi ko lang alam kung dahil sa hiya o dahil sa pagka – bigla. Hindi ko naman kasi talaga intensyong mag – biro ng ganon e. Alam ko namang korni, pero bago pa kasi ako nakapag – isip, nasabi ko na. Dyahe tuloy. Nakakahiya talaga.

“H-ha?! E .. kasi naman ‘to e.” Sabi ko na lang sa kanya.

“Anong oras na?!” Sagot niya.

“2:57 na.”

 

“Malapit na pala.”

 

Tumingin siya sa malayo. Akala ko nga nung una, yung mga tanim na bulaklak ang tinitingnan niya e. Pero nung tiningnan ko ulit siya at yung direksyon ng mga mata niya, doon ko nakita na .. hindi lang basta yung mga bulaklak ang nakikita niya.

Parang iba yung tinitingnan niya. Parang may iba siyang nakikita. Parang may iba pang hinahanap ang mga mata niya.

 

“A-ang alin?” Naitanong ko nalang sa kanya.

“W-wala. Pumunta ka dito. Ibig sabihin, interesado ka talaga sa buhay ko, tama?”

Nung mga oras na ‘yon, hindi ko alam pero .. ang lamig ng pakiramdam ko. Kinakabahan na naman ako tiyak sa isasagot niya sa mga bagay na sasabihin ko.

“Oo, pero .. ano kasi. Uhm, a-ano—“

 

“Handa ka bang mag – tiyaga sa katulad ko?!”

 

“H-ha?! Eh—oo, sige.” Sagot ko sa kanya kahit na hindi talaga ako sigurado kung ano ba yung ibig niyang sabihin.

At kung ano talaga yung ipinahihiwatig niya.

 

“Ngayon lang ako naging bukas sa isang tao. Sana, hindi ako mabigo.” Tumingin siya ng diretso sakin.

Yung tingin na tumatagos sa mga mata ko. Nakakalunod. Ang lalim.

“W-wag kang mag – alala, hindi naman ako .. Ang ibig kong sabihin, pwede mo naman akong pagkatiwalaan e.”

 

“Minsan kasi, kung sino pa yung mga taong pinagkatiwalaan natin, sila pa yung gagawa ng paraan para mabigo tayo, para masaktan tayo.

 

“H-hindi ko yata maintindihan.”

 

14:(0)3 - 14:(3)3Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz