RDC.

6.5K 173 50
                                    

RDC.


***




HINDI ko naibigay sa kanya yung bagay na pinagpuyatan ko pa naman. Paano ba naman kasi, sa sobrang pagka – bigla ko, hindi na ko nakasagot sa kanya.

At hindi ko rin namalayan na nakaalis na pala siya.


Naiwan ako sa lugar na yon ng nakatanga. Ayos diba?!


Hindi na talaga nakakatuwa yung lalakeng 'yun.

Akala ko sa pag – uusap namin kahapon maliliwanagan na ko ukol sa kanya. Na malalaman ko na kung ano yung misteryong bumabalot sa pagkatao niya. Na mas makikilala ko na siya.

Mali pala.

Lalo lang akong naguluhan. Lalo lang akong naging interesado sa kanya.


At lalo ko lang din siyang hinanap – hanap.


"Rio, kanina ka pa tahimik. Baka hindi ka makapag – concentrate mamaya sa mga bata ha?!"

"Ano bang problema?! May dysmenorrhea ka ba?!"


"O iniisip mo na naman siya?!"


Bakit ba sa lahat ng mga kaibigan ko, si Aly talaga ang nakakahula ng halos lahat ng dinaramdam ko?! May 6th sense ata 'tong babaeng 'to e.

Natumbok ni Aly ang totoo. Nakaka – guilty lang.

Pero hindi ako aamin. Ayokong umamin.

"H-hindi. Kulang lang ako sa tulog. Tinapos ko kasi yung mga ginagawa ko e."


"Oo nga pala. Wala naman tayong naiwan no?!" Tanong ni Sabel.


"Syempre naman. Si Rio pa. Kaya nga siya ang project head natin lagi e. Responsible na, mabait pa." Si Pau.

"Wag niyo nga akong bolahin."


Ilang sandali pa at nakarating din kami sa pakay naming lugar. Medyo malapit lang naman yung orphanage. Hindi na rin namin kinailangang magpagasolina dahil yung van na namin ang ginamit ng grupo. Syempre para makatipid.

Pinapasok na kami nung guard. Dumiretso muna kami sa opisina nung mga madre. Nakakahiya naman kung basta – basta na lang kaming magfa – facilitate ng program ng hindi pa nila kami nakikita.

Malaki yung orphanage. Sa gawing kanan, nandoon yung building na tinutulugan nong mga settlers, pati yung opisina nung mga madre. Nag – aagaw sa pinaghalong kulay asul at puti yung kulay nung building. Ang sarap sa mata nung kulay. Sa bandang kaliwa naman, nandoon yung garden, playground at pati na rin yung maliit na palaisdaan na ayon mismo sa guard, wala namang mga isda.

"Magandang umaga po sister." Bati ko doon sa pinaka – superior na madre na siyang sumalubong samin sa loob ng opisina.

"Magandang umaga rin sa inyo, mga iha. Ako nga pala si sister Lourdes. Nag – agahan na ba kayo?" Nakangiti niyang tanong.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now