#4 [1.20.2013]

3.9K 97 32
                                    

#4

[1.20.2013]

                                   

                                                         

 16th entry

 



“ATE Leeyow! Namiss ko po kayo nila ate gandaa!!”

 

Mahigpit akong sinalubong ng yakap ni Ria pagtapak na pagtapak namin nila Aly sa bahay ampunan. Nakangiti naman si Sister Lourdes dahil sa tagpong nadatnan niya. Matapos kasi kaming magusap nila Aly, sinabi ko naman kina Pau at Sab na bibisita kami dahil nga namimiss na rin kami ng mga bata.

Ang daming batang natuwa pagkakita samin. Syempre, dala namin yung paborito nilang pagkain, na kung tawagin nga nila e “spaghetting kulay puti.”

“Ate Tyab, bakit po malungkot si ate Leeyow?” tanong ni Nick. Yung isa sa mga bestfriends ni Ria na matanda sa kanya ng dalawang taon. Sa pagkakatanda ko, siya yung isa sa mga bata na sobrang tahimik dati pero naging madaldal at makulit na ngayon.

Natuwa nga ako nung malaman kong may itinuturing ng matalik na kaibigan si Ria liban kay Tey e. Kahit paano kasi, alam kong naiibsan yung pangungulila niya kay Tey dala na rin ng company ni Nick.

“Namimiss niya kasi si T—”

 

“Sab, tara sa swing?”

 

Bago pa man maituloy ni Sab yung sasabihin niya, pinutol ko na.

Oo nga. Alam ko sa sarili ko na sobrang namimiss ko na talaga si Tey. At kaya nga ako gumagawa ng mga simpleng bagay para maibsan ko yung pangungulila ko sa kanya.

Nagpaalam na kami kay Sister Lourdes na pupunta muna kami doon sa playground para naman malaro namin yung mga bata.

Inilabas ni Pau yung chinese garter niyang dala – dala, at ibinigay doon sa mga batang babae. Nakikisali rin siya at si Sab sa laro at ang nakakatawa pa, nagtapak pa sila habang nakikipagkulitan doon sa mga bata.

Inilabas ko naman yung baon kong bola para sa mga lalake. Pero itong si Ria, mukhang gustong sumali dahil lumapit pa sakin.

“Ate Leeyow, ano pong lalaruin natin? Yun bang batuhan din po?” tanong ni Nick.

“Waah, di kaya. Di naman naglalaro ng batu – ball si ate kasi panlalake lang yun e. Diba po ate Leeyow?” singit naman ni Ria.

“Marunong naman si ate Leeyow maglaro e. Kaya sige, maglalaro tayo.”

 

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now