Fourteen Zero Three.

5.3K 155 28
                                    

***

 

Fourteen Zero Three.

 

***

 

MADALAS na kaming magkita mula nong araw na ‘yon.  Ang galing no?! Ang laki talaga ng nagagawa ng “tulong” sa buhay ng tao. Tingnan niyo, dati – rati, hirap na hirap akong hagilapin si Tey. Ngayon naman, daig pa namin yung kambal – tuko dahil hindi na kami mapaghiwalay: lagi kaming nagkikita, lagi kaming magkasama.

Minsan, kumakain kami ng sabay sa canteen. Minsan naman, pag tapos na ang klase ko at tapos na ang klase niya, magkasama kaming tumatambay doon sa lugar kung saan pangalawang beses kaming nagkita.

Kung tatanungin niyo ko kung may pinagbago ..

Oo, aaminin ko .. meron.

Lagi ko na siyang hinahanap – hanap. Lagi at lagi ng gusto ko siyang makasama. Gusto kong makita yung mga mata niya. Yung mga tingin niyang nagpapakaba sakin, yung mga tingin niyang nagpapalamig pero nagpapakulay ng mundo ko.

Isa lang siguro yung hindi nagbabago e ..

Hindi nagbabago yung tibok ng puso ko pag nagkakasama kami. Lalo lang lumalakas, lalong bumibilis.

Hindi ko nga maintindihan nong una kung bakit nagkakaganoon yung tibok ng puso ko. Kung bakit parang napakasaya ko lagi pag nagkikita kami. Yun bang parang laging ang sarap ng pakiramdam ko pag nakikita ko siya, lalo na pag masaya siya.

Doon ko lang naisip na ..

Langit na para sakin yung makita ko lang ang mga ngiti niya.

 

Dati, minu – minuto kong tinatanong sa sarili ko kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Kung bakit ng dahil kay Tey Galvez, nabulabog ang dati – rati’y tahimik ko namang mundo.

Naguguluhan at nababaliw na rin kasi ako kaiisip.

Pero, nung isang hapong magkasama kami, doon ko lang nakuha yung sagot.

“Rio, pwede bang .. pwede ka bang yayaing lumabas?!” Tanong niya sakin.

“Ha?! Eh—ikaw ..” Naguguluhan kong tingin sa kanya.

“Anong ako?! E ikaw ang babae, ikaw ang dapat sumagot.”

 

“Eh—kasi, bakit mo ba ko niyayayang lumabas?!”

 

Magkasama kaming dalawa ngayon doon sa lugar na 14:03. Natatandaan niyo yung lugar na kung saan, pangalawang beses kaming nagkita?! Yung lugar dito sa campus na siya mismo ang nagbigay ng pangalan?!

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon