Author's note.

4.8K 140 26
                                    


Ika - 8 ng Hulyo, taong dalawanlibo't labindalawa.

MENSAHE NG AWTOR PARA SA MGA MAMBABASA:

Gustuhin ko mang i - edit ang 14:03 - 14:33 para pagbigyan ang request ng isang matalik na kaibigan, napag - isip isip kong ... sa bandang huli, may mga bagay pa ring mahirap na pagbigyan dala ng pagsaalang - alang sa mga pinanghahawakan mong prinsipyo at pananaw sa buhay. 

Ginawa ko ang 14:03 - 14:33 dahil gusto kong ipakita ang katotohanang, hindi lahat ng istorya ay magkakaroon nang magandang wakas. Minsan, dumarating din tayo sa punto na akala natin, nandoon na yung kasiyahan, pero sa huli .. babawiin din pala.

Bukod doon, nais ko ring ipakita sa lahat na .. hindi lahat ng istorya ay may malinaw na katapusan. Minsan, akala natin .. dito na nagtatapos yung  istorya, pero ang 'di natin alam .. may karugtong pa pala.

Hindi lang basta masalimuot na wakas ang ipinahihiwatig nang isang napakalungkot na katapusan. Sabi nga nila, mararamdaman mo lang ang tunay na kahulugan ng kasiyahan sa panahong sobrang inilugmok ka na ng kalungkutan. Sa kaso ni Tey Galvez, patuloy siyang mabubuhay sa mga puso niyo, nating lahat .. hanggat naniniwala kayo na palagi lang siyang nandiyan at hinding - hindi mawawala.

Panghuli, ang katapusan ay isa lamang bagong panimula. Mahiwaga ang buhay ng tao, tunay na mahiwaga na kahit na ang mga pinaka - dalubhasang tao dito sa mundo ay 'di matarok ang kahulugan nito. Maraming misteryong bumabalot. At sa pagtuklas ng mga misteryong ito, maraming sangkap ang kailangan. Isa na rito ang paniniwala at pananampalataya.



Para sa mga nagtiyagang magbasa at magtitiyagang magbasa ng kwentong 'to, tandaan niyo sana ang aking mga pahayag. 'Wag niyo sanang mamasamain. Tanggapin niyo sana ang taos - puso kong pasasalamat sa pagsubaybay ng maikling kwento nina Tey Galvez at Rio dela Cruz.

Bow.















***


P.S.

May Book 2 'to. Wag hong mainip. Ginagawa ko na. Maraming salamat ho.

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon