#10 [2.14.2013]

3.5K 95 37
                                    

#10

[02. 14. 2013]

 

22nd entry

Nagbago ang takbo ng buhay ko buhat noong araw na ‘yon.

 

 

Iyan ang bagay na naiisip ko habang nagpapahinga galing sa praktis. Katatapos lang namin ng isang buong rehearsal, at aaminin kong totoong nakakapagod talaga. Nakakaubos ng lakas ang tahasang pagsasayaw at pagkanta.

 

 

Hindi ko akalain na ... aabot kami sa puntong ‘to. Na, may pag – asa pa pala. Akala ko kasi noon, nakatakda lang siyang dumating sa buhay ko para maging kaaway ko. Para maging katunggali ko sa lahat ng bagay.

Aminin ko man kasi o hindi, sadyang magkaiba kami. Ibang – iba.

Pero hindi ko rin naman maitatangging ... may isang tao talaga siyang katulad.  Magmula sa pananalita, sa pag – aayos, sa ugali .. at pati na rin sa paraan ng pakikitungo niya sa mga tao.

Masungit. Maangas. Galit sa mundo.

Ganyan si Tey.

At ganyan din si Arcane Trace.

Sabi nila, may tyansa daw na pagbigyan ng mga supernatural na nilalang ang hiling natin. Lalo na kung talagang naaayon sa kung anong nakaguhit sa palad natin, o sa kung ano talaga ang itinakda. May mga pagkakataong nagbabago talaga ang takbo ng buhay natin, depende na rin sa mga nakakasalamuhang tao at impluwensya nila. Kaya nga ba, naniniwala ang iilan sa mundong ‘to sa konsepto ng reincarnation.

Na siya namang hindi ko pinaniniwalaan.

Di dahil taliwas sa kung anong pinanghahawakan ko, pero ... sadyang imposible e.

Di pa nga sumasapit yung petsa ng kamatayan ... at kapanganakan ni Tey. Wala pa siyang isang taong namamatay. E diba, ang reincarnation, ipanganganak kang muli sa ibang lugar, sa katawan ng isang tao .. at sobrang taliwas sa nakaraan mong buhay?

Kaya, paanong mangyayari yun?

Paanong mangyayaring ... nagreincarnate agad sa katauhan ni Arcane Trace si Tey?

 

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now