14:03 pt. 2

5.6K 158 17
                                    

***

14:03 pt. 2

 

***

 

 

 

MAG – AALAS ONSE na ng umaga pero pareho pa rin kaming nandito sa hidden paradise. Siguro naman, sa mga oras na ‘to, pareho na kaming kalmado. At panigurado, pareho na rin kaming hinahanap ng mga bata at ng mga kaibigan ko.

Walang nagsasalita saming dalawa. Pareho lang kaming naka – upo ala baby style sa damuhan.

Gusto ko ng basagin ang katahimikan. Gusto ko na siyang makilala. Gusto ko na siyang makausap.

 

Gusto ko ng malaman ang puno’t dulo ng sakit na nararamdaman niya.

 

“Rio—

 

--Tey”

 

Nagkasabay pa kami. Ano ba yan.

“Mauna ka na. Sa pagkakataong ‘to, babaliin ko muna yung ‘ladies first.’ Gusto kitang pakinggan. Makikinig lang ako kaya, sana, magsalita ka na.

 

“........”

 

“Please, Tey?! Alam mo, makakabuti rin sayo yan e. Hindi nga ako ang best counselor na makakausap mo, pero .. sana .. sa paglabas mo ng mga saloobin mo sakin, kahit papano, maibsan yung sakit.

 

Yun lang naman yung gusto ko e. Yung kahit papano, mabawasan yung sakit na nararamdaman mo. Pwede ba yun, Tey?!”

 

Huminga muna siya ng malalim. Alam kong nahihirapan siyang magdesisyon kung sasabihin ba niya sakin o hindi yung mga bagay na dinaramdam niya. Pero kahit anong mangyari, hindi ako titigil, hindi ako hihinto. Gagawin ko lahat ng paraang alam ko para pagkatiwalaan niya ko.Gusto ko siyang tulungan.

At kailangan na rin niyang tulungan ang sarili niya.

 

“S-sabi sakin nung mga madre, iniwan daw ako ng nanay ko dito nung 2 years old pa lang ako. W-walang nakalagay na kahit na anong impormasyon ukol sakin liban sa mga letrang “TG.” Nababaliw na kahuhula yung mga madre kung anong ibig sabihin nun, kaya naman lumipas ang tatlong buwan ng wala akong pangalan. Tuwang tuwa sakin yung mga madre dahil kada kakausapin daw nila ‘ko, ang lagi kong sinasabi, “Tey! Tey! Tey!” Kasabay ng pagpapalakpak ng dalawang kamay ko. Hanggang sa, nagka – ideya yung dating mother superior na pangalanan na lang akong ‘Tey,’ tutal .. yun naman daw ang lagi kong bukambibig. Dati, taun – taon may nagpapadala sakin ng sulat. Wala namang nakalagay na kahit na ako doon sa sender liban sa initials na ‘TG.’ Basta ang lagi lang nakalagay sa sulat na ‘yun, “Mahal na mahal daw niya ako. Patawarin ko raw siya dahil hindi siya naging matapang para arugain ako, para kalingain ako.” Ipinaliwanag niya rin kung bakit ‘TG’ yung inilagay niya sa damit ko nung 2 years old pa lang ako. Alam niya raw kasi na mababait ang mga tao dito, at hindi ako pababayaan. Para na rin daw akong nakatira sa bahay ng Diyos dahil sa kabutihan ng mga madreng kumalinga sakin.  Kaya ang ibig sabihin daw nun, “To God.”

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon