#12 [02.25.2013]

2.9K 92 20
                                    

#12

[2.25.2013]

23rd entry

Nakakapagtaka ...

Bakit ito na naman ang nararamdaman ko?

Ganito ba talaga?

Pinagbibigyan na ba ng langit ang hiling ko?

MAGKASAMA kaming dalawa ngayon sa 14:03 – 14:33. Nakahiga siya sa damuhan habang nakapwesto naman yung ulo niya sa hita ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagkukwento siya. Inaabangan ko ang bawat katagang lalabas sa bibig niya. Nakangiti pa siya habang nagsasalita.

Tahimik lang akong naghihintay sa bawat sasabihin niya. Paminsan – minsan ay dumadapo ang kamay ko sa pisngi niya, at hahaplusin ito. Naguguluhan din ako kung bakit ko ‘to ginagawa, pero isa lang ang sigurado, gusto kong gawin ito.

Maya – maya, nagsalita na naman siya habang nakatingin lang sakin.

“Masaya ka ba?”

 

Pamilyar yung tanong niya. Parang naitanong na rin niya ito sakin, sa magkaibang lugar at sa magkaibang panahon.

“Oo naman.”

 

Totoo naman sa puso ang sinabi ko. Masaya ako dahil nandito siya ngayon sa tabi ko. Masaya ako dahil pinili niya akong makasama kahit sa sandaling panahon lang at masaya ako dahil pakiramdam ko, sobrang kulay ng paligid ko ngayong nasa iisang lugar kaming dalawa.

“Bakit ka masaya?”

 

Bakit nga ba ako masaya? Napatanong din ako sa sarili ko.

“Masaya ako dahil ikaw ang mahal ko.”

 

Napatitig siya sakin. Matagal. Lagpas limang segundo kong napagmasdan yung pagiging seryoso ng mga mata niyang kulay kape.

“Bakit ako pa?”

 

Bakit niya tinatanong yan? Hindi ba siya masaya na siya ang mahal ko? Na sa dinami – rami ng tao, siya ang ginawa kong mundo?

“Bakit hindi ikaw?”

 

Iyan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari, kung ano ang patutunguhan ng pinaguusapan namin at kung ano talaga ang ipinahihiwatig niya.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now