#2 [1.17.2013]

4.3K 105 28
                                    

# 2

[1.17.2013]

 

 

 

“OH guys ano na? Ang choices natin, Fame, Sisters’ Act, West Side Story at Rent. Yun na lang ang pwedeng iboto since may nagperform na nga ng Hairspray at na - overlook lang pala ni Sir.”

 


Nagfafacilitate nga pala yung president namin ng election (na naman) para sa production namin. Medyo nagkaproblema kasi ang klase e. Actually, ayos naman na. Nagsisimula na nga rin sana kaming magpraktis ng Hairspray noong December hanggang isang araw, nagulat na lang kaming lahat dahil sa ibinalita ni Sir. 7 years ago, meron na palang nakapagperform ng Hairspray na siyang ikinabigla naming lahat. Kung tutuosin, big deal sa klase dahil halos inaraw – araw na namin ang pagkanta, ang pagsayaw .. ang pag – arte .. tapos biglang .. void lang pala ang lahat.

Kaya eto ngayon, kasama ng iba pang class officers, namrumrublema kami ngayon kung ano nga ba ang pwedeng iperform na production.

“Guys, considering the number of females and males in this class, I’ll go for FAME since mas marami satin ang babae. Tsaka, about naman doon sa dance steps and songs, kaya naman natin siguro yon.” Si Glenn, yung class president namin.

“Pano naman yung time? Kaya ba natin yun e January na? Meron na lang tayong February tapos March na. First week of March pa naman yung play. Gusto ko sana ng Sisters’ Act kasi mas manageable yon kumpara sa iba.” Si Mike, yung vice – president naman ng klase.

“Ikaw Rio? Ano sa tingin mo?” Si Joy, yung PRO.

“Ha? E yung akin lang naman .. kasi, mas hardcore naman sa dance steps at costumes yung West – Side Story. Saka, kung yung Rent naman, mas marami dapat ang lalake. Pag yung Fame naman, ayos sana kasi nga sariling damit ang costumes, kaso .. problema pa rin natin yung dance steps at song numbers. Medyo kukulangin tayo sa time, pero siguro naman, kakayanin. Yung Sisters’ Act naman, kailangan pa nating maghagilap ng costume na pang – madre. Which is, medyo mahirap.”

 


Napapa – “oo nga” at tango na lang yung mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Hmm, opinyon ko lang naman yan. Pero, sa totoo lang .. humahanap lang ako ng excuse para iwasan namin yung mga choices. Ang hihirap. Liban sa aksaya sa pagod at pera, aksaya rin sa oras. Kung makakahanap pa ng mas madadaling choices yung mga kaklase at co – officers ko, malamang .. mas madadalian pa kaming lahat at hindi magagahol para sa paghahanda.

“Anything more, guys?” Si Glenn. Tingin ko kasi, gusto niya talagang “Fame” ang i – perform namin dahil marami nga ang dance steps dito. Alam na alam ng buong klase na pagsasayaw ang forte niya, pero .. syempre, sa mga panahong ganito, hindi lang naman “pagsasayaw” ang kailangang i – konsidera kundi pati na rin ang “pagkanta.”

14:(0)3 - 14:(3)3Onde histórias criam vida. Descubra agora