One.

12.2K 237 68
                                    

One.

 

***

NAGKAKILALA kami nong second year college pa lang ako. Bumili ako ng pagkain sa canteen, tapos naghahanap ako ng mauupuan. Halos puno na kasi lahat ng mesa, at ang hirap naman kung kakain ako ng nakatayo.

Nilingon ko na halos lahat ng sulok nong canteen pero para lang madismaya. Grabe, puno na talaga lahat dahil puro magbabarkada yung naka – okupa sa bawat lugar.

Hanggang sa nakakita ako ng taong nag – iisang nakaupo sa isang bakanteng mesa.

Nilapitan ko siya.

Nong una, nag – alangan ako dahil mukhang malalim yung iniisip niya. Hindi pa nga niya ginagalaw yung pagkain niya e. Nahiya tuloy ako dahil baka maistorbo ko lang siya.

“Okey lang kung uupo ka. Nakaka – sawa rin naman ang nag – iisa.”

Napa – “huh?!” ako dahil doon sa sinabi niya. Pero hindi ko na lang isinatinig dahil baka magalit pa siya sakin.

“S-salamat.” Sagot ko nalang sa kanya.

Tumango lang siya, tapos dumukdok na siya sa lamesa.

Napailing na lang ako dahil sa inasal niya.

Tahimik lang ako habang kumakain. Hindi pa rin niya ginagalaw yung pagkain niya at ilang minuto na rin ang nakalipas buhat nong dumukdok siya sa mesa.

Naglakas loob na tuloy akong magsalita.

“H-hindi mo ba gagalawin ‘tong pagkain mo?! Sayang naman to oh?!” Tanong ko sa kanya.

Ewan ko pero kinakabahan ako. Hindi ko nga maintindihan kung bakit e. Siguro kasi baka magalit siya?! Siguro kasi, baka bigla na lang niya akong sigawan at palayasin don sa mesa?!

Pero napahiya ako ng tuluyan dahil sa sagot niya.

“Wala na rin namang kwenta kainin ko man yan o hindi. Tsaka, sino ka ba?! Binigyan ba kita ng karapatang panghimasukan ang buhay ko?! Pinaupo lang kita pero hindi ibig sabihin non e may lisensya ka na para kausapin ako.”

Ang lamig ng titig niya sakin.

Kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin niya inaalis yung tingin niya sakin. Nahihiya tuloy ako na naaasiwa.

“S-sorry. A-ano kasi, baka lang—“

 

--“Iyan ang problema sa mga tao e. Lalo na sa inyong mga babae. Ngitian mo lang pero aakalain nilang patay na patay ka na sa kanila. Pero hindi ko alam na may mas masaklap pa palang kaso. Yung iba naman diyan, pinaupo mo lang pero kung makapanghimasok sa buhay ng may buhay, akala mo naman girlfriend ko.” Sagot niya habang nakataas pa yung kaliwang kilay niya.

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon