#5 [1.22.2013]

3.7K 108 46
                                    

#5

[1.22.2013]

 17th entry

 

 


 

“RIO.”

 

Luminga – linga ako sa paligid.  Nandito ako ngayon sa Hidden Paradise at nagpapahangin. Masarap na pakiramdam ang dulot ng mabining samyo ng hangin sa balat ko, pati na rin ang samut – saring huni ng mga ibon dito.

“Rio.”

Kanina ko pa naririnig na parang may taong tumatawag sakin. Alam na alam ko kahit na may nakasalpak na headphones sa mga tainga ko dahil hindi naman kalakasan yung tugtog na nanggagaling sa music player ng cellphone ko.

“Rio.”

 

Muli kong narinig yung boses. Kinakabahan ako. Habang papalapit yung mga yabag na naririnig ko, unti – unti ring nagiging pamilyar yung naririnig kong boses .. sobrang pamilyar na tipong umuusbong ang isang kahina – hinalang pakiramdam mula sa kaibuturan ng puso ko: nagkakaroon ako ng piping pag – asa na sana, tama nga yung hinala ko.

Na sana, siya nga yung naririnig ko, at sana .. sa espesyal na pagkakataon, magkita kami sa lugar na ‘to.

 

“Rio.”

 

Sa puntong ‘to, tinanggal ko na yung headphones at pinatay yung music player ko. Gusto kong marinig ng mabuti yung boses, at makita kung sino yung pinagmumulan nito.

Pumikit ako ng mariin. Matagal.

Ginawa ko ito dahil alam ko naman na produkto lang ng imahinasyon at guni – guni yung boses na naririnig ko. Ayokong umasa, ayokong manalangin, pero—

“Rio.”

 

Biglang may dalawang kamay na tumakip sa mga mata ko. Wala akong makita. Wala, kundi puro dilim lamang.

Gusto ko sanang magalit, dahil iyon ang idinidikta ng isipan ko. Pero .. alam ko namang iba ang sinasabi ng puso ko. Isa lang ang sinasabi nito.

Na sana, wag akong matakot sa taong .. makakaharap ko ngayon.

 

“T-tey?”

 

Hinawakan ko yung mga kamay niya. Haay. Pati kamay niya, pamilyar. At pati yung temperatura niya nung una kaming nagkakilala, hindi pa rin nagbabago. Malamig pa rin.

 

“W-wag. Wag mong tatanggalin.”

 

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now