14:(0)3 - 14:(3)3 [PROLOGUE]

4.8K 138 35
                                    



Limang buwan.

 

Limang buwan at walong araw.

 

Limang buwan at limang araw na siyang wala.

 



 

 

“Ang tagal na pala.”

 


NAKATINGIN lang ako sa kalangitan nong mga sandaling yon. Ang ganda ng gabi, kitang – kita yung daan – daang bituing nagkikislapan. Sa di kalayuan, kitang – kita ko rin yung buwan na tila, nakangiti pa sakin. Napaisip tuloy ako, ‘buti pa yung buwan, nakakangiti .. samantalang ako .. hindi ko alam kung hanggang kailan ko maibabalik yung ngiti na unti – unti ng nawala sa buhay ko.’

 


Napabuntong – hininga na lang ako.

Sabi ng mga kaibigan ko, nahihibang na raw ako. Buhat kasi nong mamatay siya, wala na .. nawalan na rin ng sigla yung buhay ko.

Paano ba naman ako magpapatuloy kung yung mismong rason para magpatuloy ako e wala na, umalis na sa tabi ko? Paano pa ko makakangiti kung yung mismong dahilan para ngumiti ako e wala na, iniwan na ko? Paano ako magiging masaya kung yung mismong kasiyahan ko e wala na, binawi at kinuha na sakin ng mundo?

Sabihin niyo nga sakin?!

Oo .. alam ko na hindi naman kami ganoon katagal nagkasama .. hindi ko rin siya pag – aari para ikulong ko siya sa isipan ko, sa buhay ko. Pero hindi e, minahal ko kasi siya .. at aaminin ko sa inyo .. na hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.

Hay.

Siguro, tama nga yung sinabi ng mga kaibigan ko. Na, tanga ako dahil sa dinami – rami naman ng taong itinitibok ng puso ko, SIYA pa. Nagmamahal ako sa isang taong oo, minahal nga ako, pero sa bandang huli, sinaktan din naman ako. Nagmamahal ako sa isang taong naging dahilan ng kasiyahan at ngiti sa buhay ko, pero sa bandang huli, siyang naging dahilan din naman para mawala ito. Nagmamahal ako sa isang taong oo nakasama ko, pero sa bandang huli, tuluyan din pala akong iiwan.  At higit sa lahat, tanga raw ako dahil hanggang ngayon, nagmamahal pa rin ako sa isang taong kahit kailan, kahit sa anong panahon, hinding – hindi pa rin magiging akin anumang dasal at hiling ang gawin ko.

 

 


 

Hanggang kailan kaya ako iiyak?

Hanggang kailan papatak ang mga luha?

Hanggang kailan kaya ako aasa?

Hanggang kailan ako mangangarap na sana ..

May pagkakataon ulit kami para magkasama?

 

 

 


 

Kung nasaan ka man ..

 

Sana .. masaya ka na ..

Dahil ako ..

Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ‘ko magdudusa

Dahil hindi na kita kasama.

14:(0)3 - 14:(3)3Onde histórias criam vida. Descubra agora