One Four Zero Three.

4.9K 149 18
                                    

***

 

One Four Zero Three.

***

WALONG buwan ang matuling lumipas.

Third year na agad ako, kami.

Ang bilis ng panahon. Panahon lang ang nagbago, pero hindi yung damdamin ko. Ganoon pa rin, walang pinagbago.

Matagal ko na siyang mahal.

 

LAGI ko tong sinasabi sa kanya kapag nagkikita kami. Sinasabi ko to sa kanya pag alam kong pinanghihinaan siya ng loob. Sinasabi ko to sa kanya pag alam kong nawawalan na siya ng pagasa.

At pag alam kong gumuguho na naman ang mundo niya.

 

Ewan ko, pero pag sinasabi ko na yan sa kanya, ngingiti lang siya tapos tatahimik na. Magsasalita siya na parang walang nangyari, na parang hindi siya nalulungkot kani – kanina lang. Magku – kwento siya ng kung anong nangyari sa araw niya sa buong maghapon. Iinisin na niya ulit ako. Tapos, gagawa siya ng paraan para ako naman ang mapatawa niya.

Ganyan lang kaming dalawa.

“Ayan ka na naman Tey e, diba sinabi ko naman sayo na magpatingin ka na lang sa doktor para hindi na lumala yang ubo mo?!”

 

“Alam mo, wala na rin namang kaso magpatingin man ako o hindi. Tsaka, wala ‘to. Nakakain lang ako ng tinik ng isda kaya siguro ako naubo.”

 

“Tey naman. Ang tigas na naman ng ulo mo.”

 

“Ikaw ‘tong makulit diyan e. Ayos nga lang ako.”

 

“Oy, wag na kasing matigas ang ulo. Tsaka, tingnan mo nga, namumutla ka. Natutulog ka ba ng maaga?! Tey naman e. Isusumbong kita kay sister Lourdes.”

 

“Maniwala ka kasing ayos lang ako. Tsaka si sister Lourdes?! Sus, wala namang magagawa ‘yun e.”

 

“T-tey ..” Nangingilid na naman yung mga luha ko. Ayoko kasi sa lahat yung kokontrahin niya ‘ko e. Para rin naman sa kanya yung mga ginagawa ko.

 

“Ayan ka na naman. Iiyak ka na naman, diba sinabi ko naman sayong ayaw kitang makitang umiiyak?!”

 

“H-hindi na po.. Sige. Sasabihin ko na lang yung magic word.”

 

“Ano nga ulit yung magic word Rio?! Nakalimutan ko kasi e.”

 

Iyan ang kahinaan ko e. Pag naglambing na siya, wala na .. wala na akong laban.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now