#1 [1.13.2013]

4.8K 129 30
                                    

# 1

[1.13.2013]

 


 

 14th entry

 

 

Dearest TG,

 

 

Kamusta ka na? Masaya ka ba diyan? Sana, ayos ka lang. Kumakain ka ba diyan? Nageenjoy ka ba naman? O baka naman may nakita ka ng iba ha? Hay. Alam mo, okey lang naman kahit may nakita ka ng iba e.. ang mahalaga, masaya ka. Ang mahalaga, nakangiti ka. Ang mahalaga, hindi ka na nahihirapan.

Wag mo kong intindihin. Ayos lang ako. Ayos lang ako kahit miss na miss na kita. Nakakainis ka naman kasi e. Alam mo, hanggang ngayon nagtatampo pa rin ako sayo kasi nga, hindi mo agad sinabi yung kalagayan mo. Siguro kung nalaman ko lang kaagad .. baka .. baka may nagawa pa ko.

Pero sino bang niloko ko? Sayo na nga mismo nanggaling na .. hindi na maaagapan. Siguro, kung nagkakilala tayo two years ago, nung first year pa lang tayo, baka .. baka .. nagkaroon pa ng himala.

Naniniwala naman ako sa himala e .. kaya lang, siguro .. hindi narinig yung panalangin ko noong nananalangin ako habang nakasakay tayo sa Wheel of Fate sa EK na sana .. wag ng matapos yung oras na masaya ako dahil .. dahil kasama kita.

 

Hay. Tey. Kung alam mo lang kung gaano na kita ka – miss.

P.S.

 

Susulat na lang ulit ako pag nasa mood na ‘ko. Ayoko nito e. Baka maiyak na naman ako.

***

KAHIBANGAN nga siguro tong ginagawa ko. Sino ba namang matinong tao ang susulat sa isang taong hindi na babalik pa? Sa isang taong .. wala na? Sa isang taong .. patay na?

Pero hindi ko naman ito hinuhulog sa post office o kung saan pa man. Hindi ko rin ito ipinadadala sa bahay – ampunan. Ginagawa ko ‘to dahil .. wala lang. Namimiss ko na siya e.

Mukha na akong timang no? Kinakausap ko siya kahit naman alam ko na sa umpisa pa lang na wala na, hindi naman niya ko maririnig. Isinusulat ko ‘to doon sa diary ko, buhat noong nakaraan pang taon, apat na buwan matapos siyang mawala.

 

Sa nakalipas na apat na buwan .. pakiramdam ko, para akong lantang – gulay. Pero wala e, wala akong magagawa .. kailangan kong magpatuloy dahil may sarili rin naman akong buhay. Yun yung gusto niya e. Diba, sabi nga niya, “Ayaw niyang magpaka – selfish, kaya hindi niya sinabi na .. anytime, pwede rin siyang mawala? Na, ayaw niyang sa kanya na lang umikot ang buhay ko at ikulong ko siya sa mundo ko?”

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now